Teacher (Mary Rose)

1.1K 6 0
                                    

Hiiiii!! Di ko pa dapat ipo-post to kasi may plano akong pagkakasunod-sunod kaso mukhang di masusunod🙂 Anywayyyy, I would like to dedicate this story to a friend of mine, Mary Rose Reyes! Hiiii siz! Ano kelan tayo sisipagin? HAHHAHAHAHAHA Aylabyuuuuu🥰

💚💚💚

"Ma'am Mary Rose!" napatigil ang pagche-check ko ng mga notebook ng marinig ang masayang boses ng isa sa mga estudyante ko na nasa pinto at kumakaway. Nakangiti itong tumakbo papalapit sa mesang kinaroroonan ko.

"Para po sa inyo. Happy Birthday, Ma'am!" Bumaba ang tingin ko sa regalong nasa kamay nya. Napailing ako tsaka kinuha ito at isinama sa nga regalong natanggap ko kanina.

"Oh Levie, bakit nandito ka pa? Kanina pa ang uwian ah?" nakangiting tanong ko sa kanya, sya naman ay kumuha ng isang upuan at inilagay sa harap ng mesa. Isinarado ko muna ang notebook na chine-check.

"Wala pa po kasi si Daddy, sabi nya sya magsusundo sakin. Kaso ayun po, natraffic ata kaya dito muna ko, sakto kasi ibibigay ko rin yung gift ko sa inyo. Nahihiya kasi akong ibigay kanina" natigil ang pagtatakip ko ng ballpen para tingnan sya. Namumula ang pisnge nya.

"Asus, bakit ka naman mahihiya? tsaka di nyo naman ako kailangang bigyan ng kahit na anong matery na bagay bilang regalo. Hindi nyo obligasyon yon bilang estudyante na magbigay sa Guro nyo. Kami ang may obligasyon na bigyan kayo ng kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral, ang tanging obligasyon nyo bilang mag-aaral ay mag-aral ng mabuti. Okay? " naiiling na sabi ko tsaka inilagay sa bag ang ibang nagkalat na gamit sa mesa.

"Opo, pero gusto lang din po naming magpasalamat sa pagtyatyaga nyo samin, syempre" ang mapula nyang mukha kanina ay mas pumula pa. Mapula na rin ang magkabilang tenga nya. Haynako, ang batang to, ilang taon palang marunong ng mambola.

"Eh kayo Teacher, bakit di pa kayo umuuwi? Hinihintay nyo rin ba sundo nyo? Siguro boyfriend nyo no?" natawa ako sa sunod sunod na tanong nya. Kumpara sa mga kaklase nyang lalaki, mas madaldal sya.

"Wala kong boyfriend, tinatapos ko lang yung trabaho ko bago umuwi" napatango-tango naman sya na parang lubusang naiintindihan ang sinasabi ko. Walong taong gulang palang sya, malamang nasa elementarya kaya malamang rin na Guro ako sa elementarya. Isa akong Guro sa Matematika.

"Ma'am, mahirap ba maging teacher?" napatigil ang pagzipper ko ng bag dahil sa tanong nya. Tipid akong ngumiti tsaka yon tinapos at humarap sa kanya.

"Wala namang madaling trabaho. Lahat mahirap, nasa tao na yun mismo kung papaano nya ihahandle ang trabaho nya. Sa iba nagmumukhang madali kasi gusto nila yung ginagawa nila. Sa iba nagmumukhang mahirap kasi ayaw naman nila nung ginagawa nila pero wala silang choice" nakangiting paliwanag ko, tumango-tango naman sya.

"So ikaw po, gusto mo po talagang maging Teacher?" napatigil ako dahil sa tanong nya, gustong mawala sa ngiti sa labi ko pero pinigilan ko. Ayokong makita ng bata ang pag-iiba ng emosyon ko.

"Sa totoo lang hindi. Hindi ko pinangarap na maging Teacher kasi wala akong pasensya, tsaka tamad akong mag-aral, magturo pa kaya?" sinundan ko ng mahinang tawa pagtapos ko iyong sabihin. Kumunot naman ang noo nya tsaka nagtanong.

"Kung ganon, bakit po kayo nag-teacher?" kuryosong tanong nya. Bumuntong hininga ako bago nagkwento sa walong taong gulang na batang lalaking nasa harap ko.

"Kasi may nakilala ako non. Kaklase ko sya sa Kolehiyo, pareho kaming Education ang kinukuhang kurso. Pero kahit na Education ang kurso ko, hindi ko makita ang sarili kong nagtuturo. Gaya nga ng sabi ko sayo kanina, tamad akong mag-aral at dahil kaklase ko sya, madalas tinutulungan nya ko sa mga gawain.

Tinuturuan sa mga hindi ko alam. Tinuturuan sa mga bagay na dapat kong malaman. Tinuruan nya kong mahalin yung kursong pinili ko. Tinuruan nya kong maging masaya sa landas na tinatahak ko. Tinuturuan nya ko kahit di ko naman hinihingi sa kanya" matipid ang ngiting ngumiti ako sa kanya. Nababasa ko sa mata ni Levie na interesado sya sa kinukwento ko. Napailing nalang ako tsaka nagpatuloy.

"Pero alam mo kung ano yung tinuro nya sakin na hindi ko talaga makalimutan?" may naglalarong ngiting tanong ko sa kanya. Umayos naman sya ng pagkakaupo tsaka nagtanong.

"Ano po?" kumikinang ang mga mata nya, ang gandang pagmasdan.

"Tinuruan nya akong magmahal" nanlaki ang mga mata nya sa narinig. Pakiramdam ko kung babae sya magtititili na sya ngayon, ganon yung hitsura nya pero kalmado lang syang nakaupo habang nakanganga. Bakit ko ba nga kinwento sa kanya ang dating lovelife ko?

"eh diba po wala kayong boyfriend ngayon? Ano pong nangyari? Hindi po naging kayo?" Tumaas ang isang kilay ko sa sunod-sunod na tanong nya. Gustuhin ko mang wag ng sagutin ay wala na rin akong magawa.

"Naging kami pero hindi rin kami nagtagal. Naging masaya naman kami pero bigla nalang syang umalis ng walang paalam tapos pagbalik nya nalaman ko nalang na may iba na pala" pigil na pigil ko ang pagtulo ng luha kaya tumingin ako sa kisame. Ngunit napamaang ako ng pagbaba ko ng tingin ay naluluha ng nakatingin sa akin si Levie.

Pinilit kong ngumiti at piningot ko matangos at cute nyang ilong, nang dahil don ay lumabi sya. Natural na pula ang labi nya, maging ang pisnge nya ay natural na mamula-mula rin. Mas namumula dahil paiyak na sya. Haynako! Gwapo nito paglaki, sigurado.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan sya. Kasabay non ay ang pagpunas nya ng luha at pagkunot ng noo sa akin.

"Ma'am, bakit po?" kunot ang noong tanong nya, namumula pa rin ang buong mukha nya. Bumalik ang ngiti sa labi ko pero alam kong alam nyang peke iyon.

"Sa dami ng itinuro nya sa akin, alam mo bang may hindi sya naituro?" Nakatingin sya sa akin ng taimtim, habang ako ay tahimik na nagdarasal na hindi nya mabasa ang nasa isip at nararamdaman ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang talinong tinataglay ng batang ito.

Akmang bubuka na ang bibig nya para magtanong ng makarinig kami ng boses mula sa may pinto.

"Levie." Anang baritonong boses. Nang tingnan ko kung sino ay napangiti ako, si Luke. Ang Daddy ni Levie, marahil ay sinusundo na ang anak.

"Daddy!" masiglang tumayo ang bata at tumakbo papunta sa lalaking nakatayo sa may pinto, agad nitong hinawakan ang kamay ni Levie. Akala ko ay aalis na sila kaya handa na akong kumaway para magpaalam nang biglang lumingon si Levie sa akin at nagtanong.

"Teacher, ano po yung hindi nya naituro?" medyo malakas ang pagkakatanong nya dahil medyo malayo na ang distansya namin. Naramdaman ko ang tingin ng lalaking may hawak sa kanya. Napailing ako tsaka nakangiting sinagot ang tanong ng bata.

"Nakalimutan nyang ituro sakin kung paano sya kakalimutan at kung paano sya tigilang mahalin... Sige na, uwi na kayo. Ingat!" sinundan ko pa ng saglit na kaway tsaka tumalikod at inayos ang gamit ko.

Nang makarinig ng papalayong yabag ay tumingin na ulit ako sa may pinto. Hindi na inabalang pahirin ang mga luhang namamalabis sa aking pisngi.

"Hindi mo itinuro sa akin yon bago mo ko iwan, Luke. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano."

—THE END—

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now