Hangin

156 5 0
                                    

Hi, Saviours!
Biglaan story lang 'to so Enjoy Reading!! I promise to upload more one shot stories once na um-okay na schedule ko hehe.

HAPPY READING! MUAH!

💚💚💚

Nagising ako dahil sa ingay ni Truffle - aso nami. Kung makatahol ito ay parang walang tao sa bahay. Naiinis akong bumangon at lumabas ng kwarto ngunit kumunot ang noo ko nang makitang walang tao sa sala, dumiretso ako sa kusina at wala ring tao sa mesa. Tiningnan ko ang oras at alas syete palang ng umaga, sa mga ganitong oras ay dapat nagkakape pa sila sa mesa. Bumuntong hininga ako tsaka dumiretso ng banyo para maghilamos at toothbrush.

Nang matapos ay tsaka ako dumiretso sa kusina para mag init ng tubig para sa kape, pumunta ako sa mesa para kunin ang puswelo na may laman ng kape, asukal at creamer. Inilibot ko ang paningin sa buong bahay. Sobrang tahimik. Bumaba ang tingin ko sa paanan ng makitang nandoon si Truffle, tila nagpapakarga. Kinuha ko sya tsaka marahang kinarga at naglakad papuntang kusina para bantayan ang tubig.

"Umalis na naman ba sila?" Pagdila sa aking mukha ang tanging sagot na nakuha ko. Nang kumulo ang tubig ay ibinaba ko na muna si Truffle bago marahang isinalin ang tubig at hinalo. Bumalik ako sa kwarto dala ang kape at dalawang sandwich, naririnig kong sumusunod si Truffle dahil sa maliit na bell na nasa collar nya.

Ibinaba ko ang kape sa bedside table at naupo ako sa kama, naramdaman kong umakyat din si Truffle at ginugulo ang magulo ko pang kumot. Inabot ko ang cellphone na kasalukuyang nakacharge, nang makitang full charged na ito ay marahan ko ng binunot at tiningnan ang text message ng kapatid ko.

"Ate, pumunta lang kami kela tita. Hindi ko lang alam anong oras kami makakauwi". Pinatay ko ang cellphone tsaka tiningnan si Truffle na nakabalot sa kumot at nakatingin sakin, "hindi man lang nila ko tinanong kung gusto ko bang sumama"

Marahan akong natawa ng mahinang tumahol si Truffle na tila ba sumasang-ayon sya, "alam ko namang hindi ako sasama dahil ayokong lumalabas ng bahay pero sana naramdaman man lang nilang ayain ako" mahinang saad ko habang inaalis si Truffle a kumot. Sabagay, marami akong tatapusin.

Napalingon ako nang marinig kong nagmamadaling bumaba ng kama si Truffle. Napatingin ako sa orasan at alas tres na pala, sa sobrang abala ay hindi ko na namalayan ang oras. Narinig kong kumulo ang tyan ko, tsaka ko naalala na kape at sandwich lang ang laman nito. Napangiti ako nang marinig na dumating na sila.

"Oh, wala ka man lang nagawa sa bahay? Ni hindi ka nagluto? Buong araw ka na naman nasa kwarto mo" iyan ang bungad sa akin nang makababa ako galing sa kwarto. Ang ngiti sa labi ay unti-unting nawala, marahan akong lumapit at nagmano sa mga magulang ko. Nakapagsaing naman ako kanina dahil akala ko makakakain ako ng tanghalian pero dahil hindi ko napansin ang oras ay hindi na ako nakapagluto ng ulam.

"Oh lutuin mo nalang yan para may maiulam mamaya" saad ng Nanay ko tsaka ibinigay ang supot ng plastic na may lamang mga gulay. Ayoko nito. "Wag ka ng mag inarte, kaya wala ng sustansya ang katawan mo eh", nagulat ako sa sagot nya marahil halata sa mukha ko ang disgusto.

"ma, yung hipon ba lulutuin na rin ni Ate?" tanong ng bunso kong kapatid.

"Hindi muna. Alam mong ayaw ng kuya mo ng hipon, baka hindi kumain yon" tumalikod na ako tsaka sinimulang ihanda ang lulutuin. Nararamdaman ko ang tingin ng kapatid ko sa akin pero wala akong balak na lumingon sa kanya. Napangiti ako nang makitang umumpo si Truffle sa tabi ng paa ko.

Nang matapos akong magluto ay bumalik na ako sa kwarto para tapusin ang ginagawa ko. Nang mag alas syete na ay tinawag na nila ako para maghain ng pagkain. Katulong ko sa paghahain sa mesa ang kapatid kong mga babae. Ang lalaki ay hayon at nakahilata pa. Sa pamamahay na ito, ang gawaing bahay ay para sa babae. Ni hindi mo makikitang humawak ng walis tambo iyan at magwalis ng sahig o di naman kaya ay maghugas ng plato. Kapag pinilit at pinangaralan mo ay ikaw ang lalabas na masama.

Habang kumakain nga ay nasa telebisyon lang ang paningin ko, hindi ako interesado sa palabas pero doon lang nakatutok ang mata ko. Naririnig ko ang mga biruan at tawanan nila sa hapag-kainan pero ang paningin ko ay naalis lamang sa tv para tingnan ang plato ko tapos ibabalik ulit sa telebisyon.

Gaya ng palaging nangyayari, ako ang unang natatapos kumain kaya para makaalis sa hapag-kainan ay pinapakain ko nalang si Truffle. Hihintayin ko lang silang matapos para malinis ko na ang mesa, kapatid ko naman ang bahala sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

Bumalik na ako sa kwarto nang matapos na ang gawain ko, isasarado ko na sana ang pinto pero gaya ng palaging nangyayari biglang susulpot si Truffle para tumabi sa akin matulog. "Hindi ba binilhan na kita ng higaan mo? Bakit ba palagi kang nandito?" Hindi nya ako pinansin at basta na lamang ginulo ang higaan ko. Napailing ako tsaka babalik na sana sa study table ng may kumatok, kunot ang noong binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang kapatid kong babae. Lumapit din sa kanya si Truffle kaya kinarga nya.

"Binilhan kita ng chocolates" sabay lahad ng isang supot ng mumurahing tsokolate. Marahan akong ngumiti tsaka kinuha iyon "matulog ka na. Salamat" Umalis na sya kasama si Truffle. Isinarado ko na nag pinto tsaka inilapag ang chocolate sa tabi ng laptop ko. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka kumuha ng isang piraso at tinikman, "not bad".

Napatigil ang pagtipa ko sa keyboard ng mahinang kumirot ang dibdib ko, agad kong inabot ang tumbler ko sa gilid at uminom ng tubig. Agad akong napatingin sa orasan at alas dose na ng hatinggabi. Agad kong isinara ang laptop at agad na humiga. Ito ang dahilan kung bakit ayokong inaabutan ako ng hatinggabi. Humugot ako ng malalim na hininga ng nabalot ng kung anu-anong kaisipan ang utak ko na parang masamang ideya dahil mas lalong sumikip ang dibdib ko.

Napalingon ako sa tabi ko, nasanay ako na kapag sumisikip ang dibdib ko at hindi makahinga ay nandyan si Truffle para dilaan ang mukha ko at mag ingay kaya natatawa ako at kumakalma. Ngunit ngayon ay wala. Tumingin ako sa kisame tsaka pumikit. Kasabay ng paglandas ng mainit na luha galing sa mata ko ay narinig ko ang tahol at pagkalmot ni Truffle sa pinto ko na tila gustong buksan at pumasok. Marahan akong napangiti dahil doon.

"Aalis na kami, ate!"

"Oh Truffle, ikaw ng bahala sa amo mo ha?" napangiti ako sa mga bilin nila kay Truffle. Aalis sila gaya ng dati pero ang kaibahan lang, nagpaalam sila sakin.

Natatawa ako nang tumatahol si Truffle na para bang naiintindihan ang sinasabi nila.

Nakakatuwa rin na sinasama na nila ako sa kwentuhan sa hapag-kainan, dahil madalas ako ang topic nila. Nakikitawa nalang ako kapag kalokohan ko ang pinag-uusapan nila. Tumutulong na rin yung kapatid kong lalaki sa gawaing bahay, yung kapatid kong babae na ang nagpapakain kay Truffle kasi sya na ang unang natatapos kumain.

"Goodnight, Ate" "Goodnight, Anak" sabay-sabay nilang sabi, napangiti naman ako. Agad kong sinundan si Truffle, pumunta sya sa higaang binili ko para sa kanya. Hindi na sya sa kwarto pero sa tabi ko pa rin naman sya natutulog. Sa tabi ng patungan kung nasaan nakalagay ang abo ko. Nakangiti kong tiningnan si Truffle tsaka nahagip ng paningin ko ang family picture namin na nakadisplay.

"Kailangan ko pa palang mawala, bago nyo 'ko makita."


— END —

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now