Hi guys! Sorry kung medyo natagalan ang update but here's another story.
HAPPY READINGGG!
💚💚💚"ano? bakit?" tila natatarantang tanong ko. Agad akong napalabas ng banyo. Hindi pa ako tapos mag toothbrush kaya binitbit ko na sa paglabas. Ang ate ko ay hayon at ang sarap ng higa sa kama ko habang ako naman ay hindi na maunawaan ang mararamdaman.
Binulabog nya ako ng alas nuwebe ng umaga dito sa apartment ko para lang sabihin na may reunion sa probinsya at mamayang hapon na kami aalis. Parang wala akong choice kung hindi ang um-oo dahil lahat ay ayos na.
"napakababoy mo, Ashtrid! Tapusin mo na nga muna ang pagsisipilyo" pagbugaw nya sa akin. Agad akong bumalik sa banyo para tapusin ang pagtoothbrush tsaka agad na lumabas.
"Bakit naman ngayon mo lang sinabi? Paano kung may importante akong kailangang gawin?" tanong ko habang padabog na hinahalungkat ang cabinet para maghanap ng dadalhing damit.
"dahil alam kong gagawa ka na naman ng excuse kapag sinabi ko sayo ng maaga" napairap ako sa naging rason nya.
Well totoo naman, sa tuwing sasabihin nyang uuwi kaming probinsya dahil birthday ni ganito ganyan lagi kong sinasabi na may kailangan akong gawin kahit minsan sa totoo ay wala naman. Ayoko lang na makita sya. Ayokong bumalik na naman yung sakit.
"Hindi ka pa rin ba nakakamove on? 3 years na, Ashtrid." natigil ang pagliligpit ko ng damit dahil sa tanong nya.
Bakit nga ba hindi pa? Bakit nga ba hanggang ngayon ang sakit pa? Maayos naman kaming natapos, maayos syang umalis pero bakit nasasaktan pa rin ako kapag nakikita o naalala sya.
"dito, Ash!" agad akong tumakbo paakyat sa burol habang hawak ang pisi ng saranggola. Nasa unahan ko si Kiel, bestfriend ko.
"aray!" agad akong pumalahaw ng iyak nang madapa sa pagtakbo. At mas lalong umiyak pa nang makitang hinahangin na palayo ang saranggola ko dahil nabitawan ko nang madapa.
"are you okay?" iyan ang tanong ni Kiel pero iyak lamang ang kaya kong isagot. Agad syang pumunta sa harapan ko para tingnan ang sugat sa tuhod ko. Hindi naman malaki, gasgas lang naman pero di ko mapigil na pumalahaw sa iyak.
"WAHHH!" mas lumakas ang iyak ko nang ituro ko ang papalayong saranggola.
"shh it's okay… here, you can have mine" ibinigay nya sakin ang tali ng saranggola nya.
"w-what are you d-doing?" tanong ko nang makitang tumalikod sya sa akin at tinapik nya ang balikat nya.
"come on! Matatagalan tayo, gusto mo ba yon?" umirap ako tsaka sumakay sa likod nya.
"so maldita" rinig kong natatawang aniya.
"I know!" inis na sabi ko kasabay ng paghila ng buhok nya.
Ang nakasimangot na mukha ko kanina ay napalitan ng pagkamangha ng makita ang taas ng burol. May malaking puno doon at may swing pa, maingat nya akong ibinaba. Inilibot ko ang paningin sa paligid at tumigil iyon kay Kiel na nasa harap ko at pinapagpagan ang tuhod ko.
Mahangin dito sa taas ng burol kaya dito nya ako inayang magpalipad ng saranggola. Nakaupo kami sa may damuhan habang pinagmamasdan ang saranggola sa nagkukulay kahel na langit dahil palubog na ang araw.
"Kailan kayo aalis?" naramdaman ko ang lungkot sa tanong nya. Marahan akong lumingon at pinagmasdan ang mukha nyang nakatingin pa rin sa saranggola.
"hindi ko pa alam kela Mommy, pero nag-aayos na sila ng gamit. Promise, uuwi kami dito kada bakasyon namin sa school" naiiyak na sagot ko.
"ako pa rin ba bestfriend mo kahit nasa manila ka na?" lumingon sya sa akin at nagtagpo ang mata naming dalawa.
"oo n-naman" sagot ko habang pinupunasan ang sunod-sunod na luha. Ngumuso ako nang ibaba nya ang kamay ko at sya na ang nagpunas ng luha ko.
"sabagay, sabi nga ni Tita Ashley ako lang daw ang nakakatiis sa kamalditahan mo" pagtukoy nya kay mommy. Agad ko syang tinaliman ng tingin at inirapan.
Sabay naming pinagmasdan ang saranggolang asul na payapang lumilipad lang sa kalangitang kulay kahel na.
"Hayst. I just don't get it. What's the point of holding onto something that meant to float away?" curious na tanong ko habang nakatingin pa rin sa saranggola. Paggulo lang sa buhok ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Ang tanong na hindi nya sinagot magpa hanggang ngayon.
Kiel Anderson Adam. Ang kababata ko mula ng ipanganak ako. Mas matanda sya sa akin ng 2 taon. 9 years old ako mula nang umalis kami sa probinsya para manirahan sa manila. Pero gaya ng ipinangako ko sa kanya umuuwi kami kada bakasyon. Ganon ang eksena hanggang sa tumanda na kami.
Kulang ang ilang linggong bakasyon para ikwento ko sa kanya ang nangyari sa akin sa buong taon. Saksi ang puno, swing, saranggola at ang langit sa mga oras na puro kami kwentuhan at kulitan. Saksi rin ito sa mga iyakan sa tuwing ikinukwento ko kay Kiel ang mga break ups ko, at saksi sya sa mga tampuhan namin lalo na noong tumanda na kami.
Sa tagal naming magkaibigan, hindi na nagulat ang parehong pamilya namin ng sabihin kong nililigawan na nya ako at sinagot ko sya ng mag disiotso na ako at sya naman ay 20 years old. Maayos ang lahat hanggang sa…
"Ashtrid, nandito na tayo" naputol ang pag-iisip ko tsaka tumanaw sa bintana. Nasa tapat na kami ng bahay nila Lola. Bumaba na ako at nagmano na sa kanila tsaka dumiretso sa bahay.
"Tito…Tita…Kuya" bati at pagmano ko sa mga magulang ni Kiel.
"n-nasaan po si Kiel?" mahinang tanong kay Tita pero alam kong narinig ng lahat dahil tumahimik sila. Nagtinginan si Tito at Tita tsaka ngumiti. Ngiting alam ko ang ibig sabihin kaya matapos ang kamustahan ay lumabas na rin ako ng bahay.
"I knew it." nakangiting bigkas ko nang makitang naroon si Kiel. Nakaupo sa usual spot namin. Paupo na sana ako nang makita ang saranggola na nakabuhol sa swing. Inalis ko ang pagkakatali at pagkakabuhol tsaka sinubukang paliparin. Masaya akong umupo sa may tabi nya habang nakatingin sa pinapalipad na saranggola.
"how are you, Kiel?" mahinang tanong ko. Lumamlam ang tingin ko nang titigan ko ang mapupungay nyang mga matang nakatingin sa kalangitan.
"I missed you" naluluhang sabi ko, lumingon sya sakin tsaka marahang ngumiti.
"hanggang ngayon iyakin ka pa rin." napangiti ako tsaka pilit na pinakalma ang sarili. Magtatakip silim na kaya't kulay kahel na ang langit. Napangiti ako nang maalala noong mga bata pa kami.
"Naalala mo yung tanong mo sakin dati?" kunot ang noong lumingon ako sa kanya.
"alin?" tumingin sya sa asul na saranggolang pinapalipad ko.
"what's the point of holding onto something that meant to float away. sa tingin mo, bakit nga ba?" bakas ang realisasyon sa mukha ko nang marinig iyon. Hindi ko alam pero hindi ko masagot yung tanong nya.
"tulad ng saranggola, hinahawakan natin yan kasi napapasaya tayo. Ayaw nating mawala kasi papagalitan tayo. Ayaw nating bitawan kasi maiinggit tayo sa ibang meron. Ayaw nating bitawan kasi nasanay na tayo. Ayaw nating bitawan kasi mawawalan tayo…" dahan dahan nyang inabot ang kamay kong may hawak na tali ng saranggola.
"pero hindi naman totoo diba? kapag nawala yung isang saranggola may papalit na bago. Parang sa tao, kapag may umalis ay may darating. At darating ang panahon na sa ayaw at gusto mo, bibitawan mo sila. Dahil pano mo nga naman mahahawakan yung bagong itinakda, kung hindi mo pa binibitawan yung nauna?…"
"Kaya Ash, mahal kita pero please bitaw na." kasabay ng huli nyang salita ay ang pagbitaw nya sa saranggola. Umiiyak akong tumango habang tinitignan ang saranggola papalayo. Nang lumingon ako sa kanya ay gaya ng saranggola, nawala na rin sya.
Tatlong taon akong kumapit kasi hindi ko kaya pero kahit ano naman talagang gawin ko ay wala ka na talaga. Mahal na mahal kita kaya malaya ka na.
- THE END -