Artist (Laila)

366 5 0
                                    

Hi, Saviors!!💚
Hope you all doing well!
Sorry sa late na update huhu. I promise, I'll try to be more active.
Love yah! Stay safe, everyone!

So, I would like to dedicate this story to my Love, Laila Lorrece Rodavia! She's an artist and I must say that she's great. Really, really great! So if you are interested or you want to see how great she is, you can check her social media accounts! and labyu, Love!

HAPPY READING, EVERYONE!

💚💚💚

“Laila, anak?”

“Laila, gising na. mag-aalmusal na tayo”

Pikit ang matang inabot ko ang cellphone sa side table para tingnan ang oras. Alas nuebe na pala kaya ginigising na ako ni mommy.

“Laila?”  muling pagkatok at tawag sakin ni Mommy.

“bababa na po” medyo malakas na sabi ko tsaka bumangon at inayos ang magulong buhok.

“oh sige. Bilisan mo ha? Lalamig ang pagkain”

“opo” simpleng sagot ko tsaka narinig ang mga yapak nya palayo. Papunta na ako sa banyo nang mahagip ng mata ko ang study table ko na puro kalat maging ang portrait na ginawa ko.

Bumuntong hininga ako ng maalala ang nangyari kagabi. Walong oras kong ginawa ang portrait na iyon, walang maayos na kain at pahinga ang nangyari sakin matapos ko lang ang commission na iyon. Ngunit lahat ng iyon ay napunta sa wala dahil hindi na gustong kunin iyon ng nagpagawa sa kadahilanang naghiwalay na raw sila ng kanyang nobya.

Malaki ang panghihinayang ko dahil pambili ko sana ng art materials at pandagdag sa pambili ng regalo sa nalalapit na birthday ni Mommy sa susunod na araw ang perang makukuha ko.

Sa susunod talaga hindi na ko tatanggap ng mga commission kapag may jowa, pati ako nadadamay pag naghiwalay eh. Yun ay kung tatanggap pa ako. Tinapos ko na ang paghihilamos at lumabas na ng kwarto.

Nang matapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto para maglinis ng mga kalat ko kagabi. Napagdesisyunan kong huminto na muna sa pagd-drawing. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasaayos ng mga lapis ng tumunog ang cellphone ko, tanda na may nagchat sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang panagalan ni Crush sa notification bar. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka binuksan ang message para lamang mapa face-palm.

“Hi Laila! Pwede bang magpadrawing?” bakit parang ang gara ng timing ni Crush? Kung kelan ko naman balak nang magpahinga eh.

Bumuga ako ng marahas na hininga tsaka nagtipa ng reply. Hindi sa pagiging marupok pero pumayag na rin ako. Bakit ba? Kailangan ko ng pera eh.

Kung pwede raw ay matapos ko na bukas, dadagdagan nalang nya yung bayad dahil may pagbibigyan sya. Hay, mapapasanaol ka nalang talaga eh. Sino naman kaya ang lucky girl ni Crush?

Nang maisend nya ang reference na gagawin ko ay kumunot ang noo ko. Parang pamilyar sakin ang litrato ng babae pero di ko maalala kung saan at kailan. Pinilit kong alalahanin pero wala talaga eh, pero talagang pamilyar yung mukha.

Katatapos ko lang mananghalian ng  mapagdesisyunan kong simulan na ang pagd-drawing para sa maswerteng babaeng ito. Limang oras ang ginugol ko para rito. Walang pahinga at tanging tubig lang ang laman ng sikmura ko sa loob ng limang oras, matapos ko lang ito at maibigay sa kanya agad.

Nang matapos kong balutin ito ay itinabi ko na muna para makapagpahinga ako. Nagsend ako ng message sa kanya na tapos na yung pinapagawa nya at balak kong bukas ng umaga ihatid sa kanya.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now