Walis

213 3 1
                                    

HAPPY READING!
💚💚💚

"

Aeris!" natigil ang dapat na paghigop ko ng kape nang marinig si Yara, isa sa mga kaklase ko na tinatawag ako. Agad syang pumunta sa tapat ng mesa ko. Nasa cafeteria ako ngayon at kumakain.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala" humugot sya ng malalim na hininga tsaka inabot ang water bottle ko at uminom doon. Tumaas ang isang kilay ko sa ginawa nya.

"sorry, napagod ako kakahanap sayo eh" bumuntong hininga ako tsaka ibinaba ang kape.

"ano bang kailangan mo?" seryosong tanong ko sa kanya. Nakita kong lumunok sya bago nagsalita. Tumingin ako sa kape ko at marahang hinalo iyon habang hinihintay ang sasabihin nya.

"nagkalat na naman sila" natigil ang paghalo ko tsaka marahang tiningnan na naman sya.

"and…?" kunot ang noong tanong ko. Hindi ko kasi makita yung sense na kailangan pa nya kong hanapin para lang sabihin yon.

"kailangan ng maglinis kasi may nareceive akong memo ngayon" inabot nya sa akin ang kulay brown na envelope. Isang papel ang laman niyon. Nang mabasa ang kasulatan ay agad kong kinuha ang kape at tumayo na. Nakita ko namang agad na kinuha ni Yara ang papel na iniwan ko sa mesa.

Naglakad na kami papunta sa classroom. Malayo-layo pa ay naririnig ko na ang ingay nila. Sigawan, tawanan at mga balibagan. Nang tumapat na ako sa may pinto ay agad na inabot sa akin ni Yara ang walis na hindi ko alam kung saan nya nakuha.

"tigil" isang salita pero napatigil ang lahat. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, tumaas ang isang kialy ko habang pinagmamasdan ang mga kalat nila.

Nagkalat ang mga silya, ang iba'y sira-sira pa. Ang mga kalat ay nasa sahig, maging ang mga pader ay may mantsa. Ang dumi rin ng mga uniporme nila. Mapa babae man o lalaki ay kapwa madurungis.

"Drake, baba!" pagsaway ko sa isang nakatungtong pa sa mesa. Agad naman syang bumaba habang pinupunasan ang dumi na nasa kanyang mukha.

"oh alam nyo na ibig sabihin nito?" agad kong ipinakita ang walis na hawak ko. Bahagya akong natawa nang makita ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha. Tumaas ang kilay ko nang marinig na may tila nagdabog pa.

"Simulan nyo na" inihagis ko ang walis kay Drake at masama ang tingin nyang kinuha ito.

"May reklamo?" seryosong tanong ko. Umingos naman sya tsaka tumalikod at ibinaba ang kalat na nasa mesa. Ang iba'y nagsimula na ring damputin ang mga kalat at ilagay sa mga basurahan. Ang grupo ng mga babae ay may hawak na basahan na syang ipamumunas sa mga mantsang nasa pader.

"don't worry, may mga darating na bagong bisita bukas, kaya ngayon maglilinis muna kayo. But please, give me at least a week bago kayo magkalat ulit. Nakakapagod kayang maglinis ng mga kalat nyo" humigop ako ng kape tsaka tumalikod.

Bago tuluyang umalis ay sinulyapan kong muli ang kwartong nagkalat ang dugo at katawan ng tao na ngayon ay isa-isang inilalagay sa basurahan. Napangiti ako nang makita ang uri ng tingin at ngisi nila sa akin matapos ang ibinalita ko.

"Enjoy, everyone!" nakangiting ani ko tsaka muling humigop ng kape at nagsimulang maglakad pabalik ng cafeteria.

💚💚💚

Hello everyone!
So, ang story na 'to ay dedicated sa mga classmates ko. Sa GC kasi namin ay ako ang tagawalis ng mga kalat nila.😌

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now