Ghosted (Angel)

249 6 0
                                    

Hello! Medyo matagal na rin mula ng mag-update ako, sobrang nabusy lang sa studies. Anyway, this story is dedicated to one of my bb, Angel Mayono. Alabyu bb, keep safe!

Happy reading!

💚💚💚

"Angel Mayono!" napaayos ako ng upo sa kama at dali-daling naibaba ang cellphone dahil sa agarang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at pagpasok ni Kyla—bestfriend ko. Nakataas ang kilay at nakapamaywang itong tumingin sa akin.

"Ano? Bakit hindi ka pumunta?" kumunot ang noo ko sa tanong nya, ang kaninang masungit na hitsura nya ay nawala. Napatanga sya sa naging reaksyon ko.

"Hindi ka na naman nag-seen sa gc kaya hindi mo alam, tama?" pabagsak syang naupo sa may paanan ng kama at padarag na hinablot ang isang unan sakin tsaka inilagay sa hita nya.

Nagpapacute akong ngumiti sa kanya tsaka kinuha ang cellphone ko na itinago sa ilalim ng unan. Nanliit ang mga mata nya ng makita ang cellphone ko.

"At anong pangalan na naman ng lalaking kinahuhumalingan mo ngayon?" nang-aasar ang tono ng pagkakatanong nya sa akin.

Ngumuso ako sa paraan ng pagtanong nya tsaka binuksan ang phone at ipinakita sya kanya ng dahilan kung bakit di ako nakakapagreply at nakakarating sa mga gala namin.

"Jasper pala ha. pero wow, Angel!" eksaherada nyang sabi tsaka ibinagsak ang katawan sa kama. Lumingon sya sakin ng nakakunot ang noo.

"Sa gc, aabutin ka ng limang oras bago magreply, minsan seen lang at ang mas matindi ignore tapos sa kanya, wala pang isang minuto nakapag reply ka na?" nagpakawala sya ng isang malalim na hininga, tila nadidismaya na ewan.

"At saan mo naman yan nakilala ha?" tumagilid sya ng higa at humarap sa akin, itinukod nya ang siko sa kama tsaka nya ipinatong sa palad ang pisngi nya.

"Sa dating app" seryosong sagot ko sa kanya, pinantayan ko ang tindi ng tingin nya sakin. Umirap sya tsaka umiling-iling.

"Oh at ilang araw o linggo ang bibilangin ko bago mo yan i-ghost?" napamaang ako sa diretsong tanong nya, wala man lang filter ang bunganga, ano ba yan.

"Hoy! kung makapagsalita ka parang ghoster ako ah!" inamba kong ibabato sa kanya ang phone, agad naman syang napaupo tsaka humarap sakin.

"Bakit? hindi ba? ilan na nga ba ginhost mo? Kapag ikaw talaga tinamaan ng karma, ewan ko nalang sayo" napaismid naman ako dahil sa pangaral nya. Anong karma naman kaya ang aabutin ko sa panggo-ghost?

Matapos ang pangaral slash pagbubunganga ni Kyla ay umalis na rin sya, nagbilin pa sya na maging active sa group chat namin. Tumango na lamang ako tsaka kinausap si Jasper.

Ganon ang nangyari sa life ko ng sumunod na dalawang linggo. Nakakasama naman ako sa mga get together namin pero palagi rin kaming magkausap ni Jasper. Masaya syang kausap, lagi nyang nasasakyan trip ko. Di sya demanding sa mga bagay-bagay na syang nagustuhan ko talaga. Pero siguro hindi para sakin ang online love story.

Dahil matapos ang dalawang linggo ng tuloy-tuloy na pag-uusap namin ay bigla syang nawala. Hindi na sya nagchat. Chinachat ko sya pero kahit seen wala. Nagbabalak palang kaming magkita pero heto at di na sya nagpaparamdam.

"Pero baka busy lang sya" pilit kong pagkumbinsi sa sarili, pero agad ding nawala ng marealize na apat na araw na syang walang paramdam.

———

"Mare..." yan ang bungad ko pagkasagot ni Kyla ng telepono. Narinig ko ang buntong-hininga nya tsaka nagtanong.

"Anong nangyari? Ngayon ka nalang ulit tumawag ah, may problema ba?" Nag-aalalang tanong nya. Gusto kong magsumbong, pakiramdam ko inaway ako at luging-lugi ako.

"Mare... Tinamaan na ako ng k-karma" garalgal ang boses na sabi ko sa kanya.

"H-ha? Bakit? Anong nangyari?" Tumaas ang boses nya sa pagkakatanong.

"Na-ghost ako, Mare! Tinamaan ng lintek, ito na pala karma ko. Bakit naman ang sakit?" di ko na napigilang umiyak habang kausap sya.

"2 weeks lang, Mare eh! 2 weeks lang kami magkausap tas nahulog na ko ng sobra tapos kung kelan hulog na hulog na tsaka sya mawawala. Ang sakit ha" Mauubos na ang tissue sa harap ko sa kakangawa ko dito.

"Wala namang karmang hindi masakit, Mare" natigilan ako sa pagkaseryoso ng boses nya.

"Punta ko dyan now na, iinom nalang natin yan" napangiti ako sa sinabi nya, agad kong pinatay ang tawag at hinintay syang dumating.

Iyon ang nangyari sa gabing iyon, nagpakalasing kami. Para kaming parehong broken hearted sa ginagawa namin, inilalabas ang sama ng loob sa pagkanta ng sobrang lakas. Buti nalang walang kapit-bahay na nagrereklamo.

Alas dos na ata ng madaling araw kami natapos, si Kyla ay sinundo ni Joseph para ihatid sa kanila. Isa sa kaibigan namin si Joseph, tumawag sya sakin kaya nalaman na nandito si Kyla at naglalasing kami. Inaya naming uminom pero ayaw, ang KJ talaga kahit kailan.

———

"Sino na namang peste to" usal ko habang papunta ng pinto para buksan dahil may kumakatok syempre. Alas diyes na ng umaga base sa wall clock sa sala. Nagising lang ako dahil sa katok sa pinto ngayon. Wala naman akong inaasahang bisita so malamang isa sa mga kaibigan ko lang ang kumakatok ngayon.

Hindi na ako nag abalang mag-ayos o kahit maghilamos man lang. Handa na akong bulyawan ang nasa labas ng buksan ko ang pinto pero agad ko rin iyong naisara ng makilala kung sino ang nasa labas ng pinto.

"A-anong ginagawa nya dito? Ano to? literal na ghost sya?" agad kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri tsaka chineck kung may dumi ako sa mukha bago ulit buksan ang pinto.

Ang kaninang masayang ngiti nya ay naging alangan ng buksan ko ulit ang pinto. Pilit na ngumiti ako dahil di ko alam kung anong sasabihin ko. BAKIT NAMAN KASI NASA HARAP KO NGAYON SI JASPER?

"ahm galit ka ba? I'm sorry kung ilang araw akong walang paramdam. I want to talk to you so bad pero pinigil ko kasi mawawala ang surprise. Pasensya na, natagalan kasi maprocess ang papers ko pauwi ng Pilipinas plus medyo nahirapan akong hanapin kung saan ka nakatira. I'm so sor—" di ko na pinatapos ang sasabihan nya at tinalon ko na sya ng yakap.

Wala akong pake kung ang bango-bango nya habang amoy ewan pa ako. Basta ang gusto ko lang mayakap sya dahil miss na miss ko na sya. Umalis din ako sa yakap dahil baka maturn-off dahil sa amoy ko, Mare!

Nakangiti akong tumingin sa kanya at ganon din sya. Pinamulahan ako ng mukha at kinilig ng todo ang laman loob ko ng kunin at hawakan nya ang kaliwang kamay ako at nanlaki ang mga mata ko ng halikan nya ang likod non.

"Umuwi ako para personal na magpaalam sayo..." ang ngiti at kinang ng mga mata ko ay parang hangin na biglang nawala dahil sa sinabi nya. Agad kong hinablot ang kamay ko na hawak pa rin nya, narinig ko pa anv mahinang tawa nya. Adik ba to?

"...magpapaalam akong ligawan ka, pero pumayag ka man o hindi liligawan pa rin kita" natulos ako sa kinatatayuan dahil sa sinabi nya, totoo ba this? baka naman dala lang ng kalasinga—

"aray!" reklamo ko ng bigla nyang kurutin ang pisngi ko. Hinawakan ko iyon at tiningnan sya ng masama, so ibig sabihin totoo to?

"I'm sorry, sobrang cute mo kasi talaga" nakangising aniya tsaka ulit ako kinabig para sa isang yakap.

"Na-miss kita, Angel" Napangiti ako tsaka gumanti ng yakap sa kanya.

—THE END—

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now