Fafa De Asukal (Joan)

520 5 0
                                    

Hi, Everyone!!
I dedicate this story to a friend of mine, Joan Reyes! Labyuuuuu! sana magustuhan mo to!

HAPPY READING!!

💚💚💚

"Joan Reyes" natatawang bumaling ako sa  katabi kong si Allyssa nang sambitin nya ang buong pangalan ko.

"bakit? ano yon?" natatawa pa ring tanong ko. Nang ilibot ko ang paningin ay kapwa natatawa silang lahat na nakatingin sa akin.

Nandito ako ngayon sa milktea shop  kasama ang mga kaibigan ko dahil naisipan nilang gumala sandali. Kakatapos lang ng trabaho namin, at kailangan talaga namin ang oras na to para makapagrelax. Lima lang kami ngayon dahil masyadong busy ang isa sa amin dahil kailangan nyang mag overtime para sa project nya.

"Yung totoo? Are you with us?" Natatawang tanong ni Mary na nasa harap ko.

"Hindi! may kachat sya! Ano yan? fafa de asukal? nyay!" nanlaki ang mga mata kong bumaling kay Rafie na nasa kaliwa ko at nakita syang nakatingin sa cellphone ko. Wala na, exposed na ko.

"Ano yan, Jo?" kunot ang noong tanong ni Allyssa.

"Wala, dala lang to ng boredom" sinundan ko ng tawa ang sinabi ko. Totoo naman, gumawa ako ng dummy account dahil bored ako. Di naman ako makagawa ng kalokohan sa totoong account ko kaya dito nalang. Tsaka as if naman totohanin ko ang lahat ng to. May crush ako sa kabilang department, pero dahil di pa naman nya ako napapansin, eto muna pinagkakaabalahan ko.

"siraulo talaga" seryosong usal ni Rosemarie. Napailing nalang ako dahil lagi naman syang seryoso. Di talaga ako magugulat pag naging strict rich tita to sa hinaharap. hahahahaha

Bumalik na ako sa pakikipagchat sa kung sinong to. Di ko alam kung matanda na sya kasi di naman nya sinabi so pano naging fafa de asukal to? Si Rafie talaga parang ewan.

Nagdaan ang isang linggo at gaya nga ng sabi ko, hindi ko sineseryoso ang pakikipag-usap sa taong ito. James Luoie  ang pangalan nya, walang apelyidong nakalagay. Ni hindi ko nga alam kung iyon ba ang totoo nyang pangalan.

Ang kalokohan ko sa  pagtitrip ng ilang araw at nauwi sa kaba nang pagbuksan ko ng pinto ang isang delivery rider. Wala akong inoorder na kung anuman dahil kakatapos ko lang umorder ng sandamakmak at lahat ng yon ay dumating na nung nakaraan pa. Pero baka sa mga kasama ko to sa bahay, pero ang alam ko dumating na rin ang lahat ng parcel nila.

"Good morning po, kay Joan Reyes po" inatake ako ng kaba ng marinig ko ang pangalan ko. PERO WALA AKONG INOORDER.

"a-ako po si Joan, p-pero wala po akong order" kabadong sagot ko dahil baka mamaya ilang libo to at nascam na pala ako.

"wag po kayong mag-alala, Ma'am, bayad na po ito. Ire-receive nalang po" Ang kaba ay nauwi sa pagkunot ng noo dahil sa narinig. Sinong nagpadala? Nireceive ko na ang package at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang puro pagkain at art materials ang laman. Hindi ako artist pero mahilig akong mangolekta ng mga ganito.

Kinuha ko ang isang maliit na papel na nakadikit sa loob ng box.

"Hi! I know you love these stuffs so the moment I saw this, I remember you so I decided to buy them and send to you. Please, don't find me creepy because of stalking you. I just want to give you something in return of talking and listening to my rants. I hope you're doing well. Also, I hope to see you soon! Take care!

-JL"

Nanlamig ang mga kamay ko at nabitawan ang papel. Dali dali akong tumayo at pumunta sa may pinto. Sinigurado kong nakalock ng mabuti ang pinto at ang lahat ng bintana.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now