Hello, Saviors!
I'm baaaacckkk! charot HHAHAHAHAHA hindi na bago 'tong story na ito, nakita ko lang sa memories ko sa epbi nung nakaraan so naisip ko na i-share na rin dito. So hope you like it.
HAPPY READING!💚💚💚
Ano bang meron at puno ang newsfeed ko ng tungkol sa pagpapaubaya? Lahat ba ng friends ko brokenhearted? At dahil nacurious ako kung ano nga ba yun, sinearch at pinakinggan ko ang kantang Paubaya ni Moira Dela Torre, at hindi na nga napigilan ang lungkot at sakit ng maintindihan ko ang mensahe ng kanta.
Magkaiba man ng scenario ang nasa kanta at ako, pareho namang nagpaubaya para sa mga minamahal na totoo.
Ako ang kasama simula umpisa, ako ang nakakaalam ng mga araw na masaya, malungkot at galit sya. Ako ang nakakaalam ng mga sikreto nya. Alam ko ang lahat sa kanya pero hindi nya ko kilala.
Gustuhin ko mang magpakilala, sadyang hindi ko kaya, ang tanging kaya ko lang ay mahalin sya ng sobra.
Ayos na ko sa minamahal kita ng ganto, basta ako lang ang nakakaalam ng mga bagay tungkol sayo, pero bakit nung dumating sya, napunta na sa kanya? Saksi ako kung paano kayo nagsimula, nagkalabuan, naghiwalay, nagkaayos at kinasal, maging ng magkapamilya ka. Saksi ako sa lahat.
Masakit na masaya. Masakit na hindi ako sya pero masaya kasi may totoong mahal na sya. Hindi man ako pero alam kong mas mahihigitan nya yung pagmamahal ko.
Nagitla ako sa biglang pagtunog ng phone ko, pinahid ko muna ang mga luha bago tingnan ang notification. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng lalaking minamahal ko ngayon, pero agad ding nawala nang may mapagtanto ako, "pang-ilan ka na ba sa ipapaubaya ko?". Ipapaubaya kita kasi doon ka masaya tulad ng mga ginawa ko kila...
Deib, Maxwell, Maxrill, Knight, Jacques, Cloud, Niccolo, Ace, Elton, Midnight, Dark and 99 others.
Ano pa nga bang magagawa ko? Kundi ang ipaubaya kayo sa leading ladies nyo, dahil isa lamang akong mambabasa sa magandang istorya nyo.
💚💚💚
Gusto ko talaga manakit pero masyado akong mabait kaya wag na muna, tsaka nalang. Magpapatawa muna ko pero basta kayo na humusga. Pampawala stress hihi.