Apartel

205 5 1
                                    

Halluhh, Saviors!!
Tagal kong walang update grr. Sobrang nabusy lang tapos nasabayan pa ng katamaran. Anyway, here's a new story.
HAPPY READING!!

💚💚💚

"Happy Anniversary, Babe" nakangiting bati ko kay Liam na boyfriend ko pagpasok nya ng inuukupa naming kwarto.

Lumapit sya sakin tsaka humalik sa pisngi ko, "Happy Anniversary"

"How's your sleep?" Usal nya matapos umupo sa kama.

"Great! Ikaw? nakatulog ka ba nang maayos?" nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman sya tsaka tumango kapagkuwan ay inilahad ang kamay sa akin.

"Baba na tayo. Lunch is ready" Inabot ko ang kamay nya tsaka kami sabay na lumabas ng kwarto.

Nandito kami sa isang resort sa probinsya nila. Birthday ng lolo nya kahapon at Anniversary naman namin ngayon. Madaling araw na kami nakaratinf kanina kaya hindi na kami nakaabot sa celebration ng birthday ni lolo.

Bumaba na kami at kumpleto na nga sila, kami nalang ang hinihintay.

"Good afternoon po" agad na bati ko sa kanila. Tipid na ngiti at pagtango ang natanggap ko. Nakakapanibago pero hindi ko nalang pinansin, natuon ang atensyon ko sa masasarap na pagkaing nakahain.

Nakakapaglaway makita ang sandamakmak na seafoods sa mesa. Agad akong umupo sa tabi ni tita na syang mama ni Liam. Gustuhin ko mang kumain na ay hindi pa pwede dahil magdadasal pa.

Kumunot ang noo ko sa mahabang katahimikan sa pagkainan, napalingon ako kay Liam na nakatingin lang sakin. Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin at magsasalita pa sana ako nang biglang tumikhim si Kuya Luke, ang kuya ni Liam.

"Ako nalang ang magl-lead" at iyon nga ang nangyari. Matapos ang pasasalamat para sa biyayang nasa mesa ay nagsimula na rin kaming kumain. Nagtataka pa rin ako bakit hindi si Liam ang naglead ng prayer gayong iyon ang nakasanayan na sa bawat pagkain ay sya ang nagl-lead ng prayer.

Matapos ang tanghalian ay bumalik na ulit kami sa inuukupang kwarto. Nauna nang maglakad si Liam. Pasunod na ako nang maramdaman kong may nakatingin sakin, pagtingin ko sa likod ay naroon si Lolo Florencio, seryoso syang nakatingin tsaka marahang umiling.

Naguluhan ako at balak pang magtanong nang akayin na sya ni Kuya Luke paalis.

Hanggang sa makabalik sa kwarto ay naguguluhan pa rin ako. Hindi ko maintindihan lahat ng ikinikilos nila. May nagawa ba ako? Balak kong magbihis lang sana at lalabas na rin ako para makapamasyal kami nang bigla akong dapuan ng antok at makatulog.

"Liam, inaantok na ko. Malayo pa ba?" Buryong tanong ko sa boyfriend ko na nagmamaneho. Isinandal ko ang ulo sa bintana ng sasakyan tsaka tiningnan ang madilim na daan.

"Wala na kong nakikitang bahay dito. Sure ka bang tama 'tong dinadaanan natin?" kita ko ang paghigpit ng hawak nya sa manibela tsaka pinindot pindot ang cellphone.

Papunta kami sa probinsya nila. Birthday kasi ng lolo nya sa ngayon at magcecelebrate rin kami ng anniversary bukas. Ang sabi nya ay mabilis lang ang byahe kaya umalis kami ng magtatanghali na pero heto at alas diyes na pero nasa daan pa rin kami.

Tumingin ako sa kanya nang marinig ko syang bumuntong hininga.

"Sabi naman dito tama tong dinadaanan natin" walang emosyong tugon nya. Patunay na naiinis na sya. Huminga ako ng malalim tsaka tumingin na lamang sa kalangitan.

Bilog at maliwanag ang buwan na syang nagsisilbi naming ilaw na sobrang dilim na daan. Nasa sampung minuto bago kami nakakita ng isang maliit na Apartel. Hininto nya ang sasakyan sa tapat nito, kunot ang noong bumaling ako sa kanya.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now