Hi Guys!
I hope you all doing well. Sorry for being inactive, medyo busy lang ang lola nyo tsaka nawawala kasi yung sipag ko. Hinahanap ko pa hanggang ngayon😌.Anyway, here's a new story!
HAPPY READING!💚💚💚
"head and shoulders, knees and toes (knees and toes) "
"head and shoulders, knees and toes (knees and toes) "
"head and shoulders, knees and toes (knees and toes) "
"head and shoulde—"
"mas magandang pakinggan yung tagalog version nyan, para sa'kin" mula sa pagkakapikit ay dumilat ako at tiningnan si Alisha na nasa may gilid ng pool habang ako naman ay nasa duyan na nakatali sa magkabilang puno.
"alin? paa, tuhod, balikat ulo?" pakanta kong tanong, tumango sya kahit wala sa akin ang paningin.
mahina akong napatawa tsaka pumikit na ulit habang isinisipol ang tono nang nasabing awitin
Si Alisha ay ang nagi-isang matalik kong kaibigan. Pareho kami ng pinasukang Unibersidad, pareho rin kami ng kumpanyang pinagt-trabahuhan ngunit mas mataas ang posisyon ko sa kanya pero hindi 'yon naging hadlang para sa pagkakaibigan namin. Napangiti ako ng maalala ang mga bagay na magkasabay naming gawin.
Wala akong ibang kaibigan dahil ang sabi ng marami ay masama ang ugali ko at isa akong spoiled brat. Kung kaya't nakakatuwa na kahit ganoon ang tingin ng marami sa akin ay naglakas loob pa rin syang makipagkaibigan sakin.
"hello! Pwedeng makiupo?" umangat ang paningin ko mula sa kinakaing pasta nang may magsalita sa harap ko. Malumanay kong ibinaba ang kubyertos tsaka tumingin sa paligid at ibinalik sa kanya ang paningin.
"bakit dito?" diretsong tanong ko sa babaeng nakasalamin sa harap ko. Hindi ko alam kung bago ba sya sa eskwelahang ito kaya't ganito sya makitungo sa akin.
"w-wala kasi akong ibang kilala dito. K-kakalipat ko lang kasi galing ng probinsya"
"so tayo ba magkakilala kaya ka nasa harap ko ngayon?" walang kurap na tanong ko. Hindi inaalis ang walang pakialam na tingin sa kanya. Nakita ko syang lumunok. Kusang tumaas ang sulok ng labi ko na syang ikinalaki ng mga mata nya.
"hindi p-pero gusto ko sanang makipagkaibigan" humugot ako ng malalim na hininga tsaka ipinagpatuloy ang pagkain. Kinuha naman nya ang pagkakataong iyon para umupo at ilapag sa mesa ang pagkain nya.
"I'm Alisha" rinig ko pang sabi nya.
"Sophie"
"cute n-name" tumaas ang isang kilay ko sa komento nyang iyon. Cute name? Really? Psh.
At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Hindi ako nerd na galing probinsya at nag-aaral ng mabuti sa isang prestihiyosong paaralan. Isa akong anak mayaman ika nga nila na ayaw makipagkaibigan dahil naniniwala ako na sa panahon ngayon, bilang nalang sa isang kamay ang mga taong totoo ang intensyon sayo.
Marami na kong nakilalang 'kaibigan' pero materyal na bagay ang ginagawang basehan. Palibre dito, palibre doon. Sa oras ng shopping laging nariyan ngunit kapag oras na ng problema ay hindi mo na maasahan. Nakakasawa. Nakakaawa. Nakakasuka.
"hi babe" idinilat ko ang isang mata nang marinig ang boses ng boyfriend ko. Nakita ko syang naglalakad sa gilid ng pool, papalapit sa akin. Nang madaanan nya si Alisha ay nagtanguan sila bilang pagbati.
"what are you doing here?" tanong ko matapos nya kong halikan sa pisngi. Tinulungan naman nya akong umupo sa duyan.
kumaway muna ako kay Alisha nang makitang papasok na sya sa bahay tsaka bumaling kay Kyle na nakatingin din sa papalayong bulto ni Alisha.