"Erlyn, use this shade, mas bagay to sayo" pilit na ngiti ang iginawad ko tsaka tumango at kinuha ang red lipstick na sinasabi nya."Girl, hanggang kelan ko ba sasabihin sayo na ibahin mo ang pananamit mo? You look old on that kind of clothing! eto, eto ang suotin mo! " pilit ang ngiting tumango ako tsaka kinuha ang pulang dress na binigay nya.
"Babe, sabi ko naman sayo mag-ayos ka. try to wear dress, skirts, okay? And try to put some make-up on" ngumiti nalang ako ng tipid sa suhestyon ng boyfriend ko. Ganoon nga ang ginawa ko para sa mga susunod pa naming date.
Napailing nalang ako sa mga ala-alang bigla-bigla nalang sumusulpot. Nasa isang sikat na boutique ako ngayon, naghahanap ng mabibili syempre.
Napadpad ako sa cosmetics section, ang daming magagandang shade ng lipstick. Kinuha ko ang isang red lipstick kahit na ang gusto kong kunin ay iyong baby pink lang ang kulay. Sabi nila mas bagay sakin to.
Matapos mamili ng produkto para sa mukha, damit naman ang pinuntahan ko. Iniwasan ko ang mga jeans at shirt, dumiretso ako sa mga dresses na naka display. Lahat maganda sa paningin.
"sabi nila ito dapat ang sinusuot ko" mahinang sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang isang yellow dress.
"hindi ka pa ba tapos dyan, Erlyn? Aalis na raw kayo ng Kuya mo, malelate na kuya mo!" napatingin ako sa pinto dahil sa sigaw ni mama, oo nga pala, may date nga pala kami ng boyfriend ko at nagpapahatid ako kay kuya sa mall.
Ilang oras ang iginugol ko para sa pag-aayos. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin, nakalugay ang maayos na buhok, nakamake-up, suot ko rin ang dress na binili ko, pinaresan ko rin ito ng itim na heels.
Mahirap man maglakad at hindi komportable sa suot, hinayaan ko nalang kasi sabi nila ito raw ang dapat sakin.
"oh? ano yan?" natawa ako sa gulat na reaksyon ni mama at ni kuya. Nakakagulat nga naman na makita akong ganito ang ayos.
----
"maghiwalay na tayo." napaangat ang tingin ko mula sa pagkain dahil sa linyang binitawan ng boyfriend ko."a-anong pinagsasabi mo?" pinilit kong pasiglahin ang boses ko, kunwareng natatawa sa hindi magandang birong sinabi nya.
"maghiwalay na tayo. may iba na akong mahal" iyan ang huli nyang sinabi bago ako iniwang mag-isa sa mesa.
Masakit, masakit ng sobra. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko para may makasama ako, ganon diba dapat? nagdadamayan sa oras ng pangangailangan? Kaso hindi ko sila macontact. Nag out of town pala sila ng hindi ko man lang alam, kung hindi pa ako nagbukas nv social media, malamang aasa ako na darating sila.
Nanghihinang tumayo ako at nagdesisyon nalang na umuwi. Pinipigilang pumatak ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Nang hindi na kinayang pigilan pa, pumunta na ako sa restroom.
"Kailangan kong mahimasmasan."
Pagpasok ng restroom, naghugas ako ng kamay at pilit pinapakalma ang sarili. Nag-angat ako ng tingin sa salamin. Mapait na napangiti ng makita ang ayos ko.
Tinitigan ko ang sariling repleksyon, umaasang makikita ang dating ako sa pamamagitan non, ngunit bigo ako.
Umuwi ako sa bahay, wala sila mama, wala rin si kuya. Umakyat ako sa kwarto, doon ko ibubuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Hindi na ako nagpalit pagkapasok ng kwarto, diretso akonv umupo sa harap ng vanity table at dumampot ng tissue. Lumuluhang pinunasan ko ang make-up na inilagay ko sa mukha ko.
Kalahating mukha ko ang may make-up pa at ang kalahati ay wala na.
"Sino ba kasing nagsabing mag make-up ka?"
"Sila" sagot ko sa nagtanong sa akin, patuloy pa rin sa pagluha at pag-alis ng kolorete sa mukha. Nang matapos na, sunod kong hinubad ang dress at nagpalit ng isang t-shirt at short.
Pinakatitigan ko ang bestida na ngayon ay nasa sahig, "sino ba kasing nagsabing magsuot ka ng ganyan?"
"sila" pagsagot kong muli. Agad akong umupo sa harap ng vanity table at lumuluhang pinagmasdan ang sarili.
"Sino ba nagsabing magbago ka?"
"sila" pagsagot ko ulit.
"Sila ang nagsabi, bakit mo sinunod?"
"Para matanggap nila. Para mahalin nya. Para maging sapat sa kanya"
"Naging sapat ka ba?" paulit-ulit akong umiling dahil sa tanong na iyon. Iniwan ako ng mga inakala kong kaibigan, iniwan ako ng lalaking mahal ko. Nagbago ako para bumagay sa kanila pero hindi pa rin pala sapat.
"Hindi nasusukat ang pagiging sapat ng isang tao sa kapal ng kolorete sa mukha at sa ganda ng damit na isinusuot nito. Huwag mong idepende sa iba ang gagawin mo. Huwag kang papaapekto sa iba dahil lang sa sinabi nila. Hindi naman sila ang maglalagay ng pulang lipstick kahit na ang gusto nila ay pink. Hindi naman sila ang magsusuot ng dress kahit na ang gusto nila ay pants. Hindi naman sila ikaw na nahihirapan para pangunahan ka.
Wag mong hayaang ang halaga mo ay magmula sa sasabihin ng iba tao. Alam mo ang halaga mo, at walang sinuman ang makakapagsabi noon sa iyo. Tanging ikaw at ikaw lang."
Tama sya, dapat hindi ako nakikinig sa iba. Tama na ang kinokonsidera ko ang opinyon nila, pero ang hayaang baguhin nila? hindi na iyon tama.
Tumango ako at ngumiti sa kausap ko. Sa salamin. Sa sarili ko. Sa dating ako bago nila ko binago.
Sa panahon ngayon, marami ng binabago ang sarili para bumagay sa society. Marami ang pinipilit baguhin ang sarili para tanggapin. Marami ang nagbabago dahil sa kanila, sa kanilang nagsasabi ng dapat at angkop kahit hindi tama. Wag kang maging isa sa kanila. Huwag kang papaapekto sa sasabihin ng iba. Mabuhay ka ng masaya ng hindi nagbabago para sa ikasasaya ng iba.
💚💚💚
Laging tandaan, hindi sila ikaw. Kung kaya't wag kang mabuhay para lang iplease ang iba. No one can tell how pretty, beautiful and worth it you are, but yourself.