HAPPY READING!💚💚💚
"BAKIT AKO?" bumalikwas ako ng tayo mula sa pagkakahiga sa kama nang marinig ang usapan ng mga pinsan ko."Shairah! wag ka ngang sumigaw! magigising ang pamangkin mo" pabulong na sigaw ni Ate Shaine.
Bumisita silang tatlo dito sa apartment ko para utusan lang ako. Luluwas kasi galing sa probinsya ang isa naming pinsan at ako ang naatasan na maghanap ng apartment na malapit lang sa papasukan nyang kumpanya.
"eh bakit ba kasi ako? pwede naman si Ate Sam ah"
"anong ako? may trabaho ako tsaka mas maluwag naman ang schedule mo tsaka ilang sakay lang naman yung lugar na yon mula dito tsaka--"
"oo na, sige na." tinapos ko na ang usapan dahil baka sa susunod na linggo pa matapos.
"dapat makahanap ka na this week ha. Next week ang luwas ni Sheena" tumango nalang ako tsaka nilapitan ang pamangkin ko. Mukhang masarap paiyakin yung batang kakatulog palang no?
———
"dito na ba yon?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa apat na palapag na gusaling nasa harap ko. Isang sakay lang ito mula sa kumpanyang pagt-trabahuhan ng pinsan ko.
Nagsimula na kong umakyat ng hagdan dahil nasa ikaapat na palapag pa ang bakanteng kwarto. Apat na kwarto ang nasa bawat palapag. Mukhang luma na ang gusali pero hindi naman ganong nakakatakot dahil maingay ang mga nakatira hindi tulad sa mga movies na tahimik talaga. Maingay ang unang tatlong palapag na kabaliktaran ng huling palapag na inaakyat ko.
Tumingin ako sa paligid para sana magtanong pero walang tao. Ang sabi sa sign na nasa baba ay room 14 ang available. Didiretso na sana ako sa nasabing kwarto nang bigla akong mapahinto dahil sa gulat nang makarinig ng lagabog sa kabilang kwarto. Tiningnan ko ang numero sa taas ng pinto na syang ikinatayo ng balahibo ko. 13. Apartment no. 13.
Marahas akong lumunok tsaka lumapit sa bintana, balak ko sanang silipin kung ayos lang ba yung tao sa loo-
"sino sila?" literal na napatalon ako dahil sa gulat nang may magtanong sa gilid ko. Nakahawak sa dibdib akong lumingon sa babaeng nasa edad kwarenta na siguro na may hawak na walis tambo.
"Ako yung nakatira sa number 15. Sino hinahanap mo?" nakangiting tanong nya. Lumingon muna sya sa bintana bago ibinaling sa akin ang paningin.
"Titingnan ko po sana yung apartment number 14. Balak ko po sanang dito nalang parentahin yung pinsan ko, dito po kasi medyo malapit yung trabaho nya" malumanay na usal ko, naglakad ako palapit sa kanya.
"Ah sige, wala yung landlady pero nasa akin naman yung susi kaya pwedeng mong tingnan. Halika" lumingon muna sya sa number 13 bago kami dumiretso sa inuukupa nyang kwarto.
Mukhang mag isa lang sya sa buhay dahil tahimik ang bahay nya. Walang bakas ng mga laruan at iba pang mga bagay na masasabi mong hindi lang pang isang tao.
"Ako si Rowena, 46 years old. Mag-isa lang ako dito. Lumuwas ako galing probinsya para dito magtrabaho. Yung pamilya ko naiwan sa probinsya. Wala pa kong sariling pamilya at di ko alam kung magkakaroon" nagtimpla sya ng kape at iniabot sa akin tsaka hinanap ang susi.