Pagdating ko sa school ay dumiretso agad ako sa classroom namin. Saktong dumating kaagad ang guro namin para sa unang klase at nagsimula na ang araw ko. Nang mag-uwian ay parang nakaramdam ako nang kulang ngayong araw. Bahagya akong nalungkot nang maalala ko na hindi ako tinext ni Gabriel simula kaninang umaga.Bago ako lumabas nang classroom habang bitbit ko ang bag ko ay tinignan ko muna ang hawak kong cellphone. Kanina ko pa inaabangan ang text niya. Nadismaya ako na walang makitang mensahe kahit kanino. Ako na ang magtetext sa kanya.
To Gabriel:
Good Afternoon. Busy ka?
I sighed after I sent my message. I waited for a minute pero wala pa rin akong natanggap na reply.
"Nics!" Tawag sa akin ni Kat nang makasalubong ko siya sa hallway. Hindi kami sabay ngayon dahil may practice siya sa cheerdance. Madami siyang mga sinasalihan na extracurricular activities kumpara sa akin kaya mas maaga akong umuuwi sa kanya.
"Di pa kayo nag-start?" Tanong ko rito nang makalapit siya sa akin.
"Hindi pa. Wala pa si coach." Sabi niya na ikinatango ko lang. Pinagmasdan ako nito kaya napaiwas ako nang tingin. Observant kasi masyado yan si Kat kaya umiwas ako agad.
"May problema ba?" Tanong niya kaya napabalik ako nang tingin sa kanya. Sabi ko na eh mahahalata niya na may iniisip ako.
"W-wala naman. Pauwi na rin ako. Sige na bye goodluck sa practice." Agad ko sabi at dali-daling umalis sa harap niya. Nang makarating sa gate ay nabuntong hininga ako at tinignan ulit ang cellphone ko. Wala pa rin itong mensahe kaya nilagay ko nalang sa bulsa ko at naglakad.
I felt a pang of pain when I saw a familiar figure with a girl . He was hugging her while the girl was gently crying. It was Milly and Gabriel. My eyes suddenly blur as the tears formed in it. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nagseselos dahil sa nangyayari. Hindi niya ako tinext simula kaninang umaga tapos makita kong may kayakap siya na iba. I felt betrayed and taken for granted in a way.
Minabuti kong umalis at lumayo sa kinaroonan nila. Naglalakad ako habang nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Hindi dapat ako nasasaktan nang ganito dahil unang una sa lahat hindi naman kami. Pero malinaw para sa akin ang nararamdaman ko kaya ganito ang reaksyon ko. I wiped my tears and sighed heavily. I will give him the benefit of the doubt. Susubukan kong pagkatiwalaan si Gabriel sa mga nakita ko at bibigyan ko siya nang pagkakataong magpaliwanag kung ano man iyon. I will learn to trust him because it is the foundation of a starting relationship even though we are not in it. I will trust. Even if I have some troubles and issues giving it to other.
Pagkarating ko sa bahay ay naligo agad ako at nagpalit ng damit. Ginawa ko ang lahat ng gagawin ko. Kumain at humiga ulit. Sinubukan kong pumikit pero hindi ko magawang makatulog at dalawin ng antok. Palagi ang imahe nang magkayakap na si Milly at Gab ang nakikita ko habang pinipilit kong pumikit. Nasa ganoong posisyon ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon at tinignan.
Gabriel:
Hi.
Sorry hindi kita natext ngayong araw. Masyadong madaming ginagawa sa major subjects namin.
Tulog ka na ba?
Sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko. Hindi ko alam kung rereplyan ko siya. Binaba ko ang cellphone ko sa tabi ko pero kaagad na pinulot at nagtipa ng mensahe.
To Gabriel:
Ayos lang, Gab naiintindihan ko. Goodnight.
I sent him my half-lying message. Part of me understand him because he was busy with his studies but part of me doesn't get why he has the time to hug her. I sighed heavily for the last time before I closed my eyes and saw complete darkness.
BINABASA MO ANG
Hoax Love (BxB)
Romance#2 Kailan mo ba masasabi kung totoo na ang pagmamahal ng isang tao? Yan ang tanong ni Nicolas Joaquin De Dios sa kanyang sarili. He have fallen easily for Gabriel Antonio Benedicto, a silent brute. With his prominent eyes through his genuine stares...