Ilang linggo na ang nakalipas simula nung hinalikan ako ni Gab. Pero hanggang ngayon ay ramamdam ko pa rin ang labi niya. Hindi siya ang first kiss ko pero parang siya pa lamang ang humalik sa akin ng ganoon. Kakaiba ang pakiramdam, tuwing iniisip ko iyon ang bumibilis ang tibok ng puso ko. Mahal ko na ba siya? Am I falling for him already?Hindi pwede! Masyadong mabilis!
Naglalakad ako ngayon palabas ng gate kabasay sina Alora at Kat. Friday ngayon at birthday ni Kat. Inimbitahan niya kaming pumunta mamaya sa bahay nila dahil may magpaparty daw siya doon.
Nakarating kami at medyo nakatulog ako sa kwarto. Alas sais daw ang party, mabuti nalang at hindi ako nahuling magising. I head straight to the bathroom and took a shower. I chose to wear a black lacoste polo and a khaki shorts paired with a low cut converse sneakers. I also wore my eyeglasses because I am too lazy to wear my contact lenses. Yes, my eyesight is poor. As I am done fixing my hair, Alora called me so I grabbed my silver watch and followed her.
Sabi ni Kat, hindi naman daw formal ang party kaya ganito lang ang suot namin. Naka white shirt at pinatungan ng sleeveless floral dress si Alora. Natawa ako dahil muntik na din ako magsuot ng puti.
Pagkadating naamin sa bahay nila Kat ay medyo madami na ang tao at mga nakaparking na kotse sa labas. Malaki ang bahay nila, maganda ito at halatang modern ang design. Mayaman naman kasi sila dahil ang tatay lang naman niya ang mayor ng probinsya ng La Soledad.
Nang makapasok kami ay rinig ang malakas na tugtog at ingay ng mga tao. I know they are all from our school and her previous school dahil mukhang mayayaman ang iba dito.
"Daming tao beshy, sana all madaming friends. Char." Ani Alora habang iniikot ang paningin sa mga tao.
"Mga kaibigan ata ni Kat yan doon sa dati niyang school. Meron din namang taga-LSU dito." Sabi ko kay Alora habang hinahanap ng paningin ko si Kat.
"Ay beshy, yung regalo natin kay Kat nakalimutan ko sa kotse niyo." Nagtaka ako sa kanya, pinagsasabi nitong babaeng 'to? Inangat ko ang kamay ko at pinakita na bitbit ko ang regalo kanina pa. Nag-peace sign naman ang loka.
"Ayun si Kat." Turo ni Alora kung saan ang direksyon nang kinaroonan ni Katlyn.
Nagkasalubong ang tingin namin ni Kat kaya naman lumapit kami sa kanya. Ngumiti ito at lumapit din sa amin.
"Mabuti nakarating kayo." Ani Kat nang nakalapit ito sa amin.
"Happy Birthday!" Pagbati ko sa kanya sabay abot ng regalo. Ngumiti ako sa kanya nang magulat ito sa regalo. Sabi niya kasi kanina ay kahit huwag na daw kami magdala.
"Happy birthday,Katty Girl!" Si Alora naman ang bumati. Yinakap pa niya ito kaya naman tumawa si Kat.
"Thank you sa gift and pagpunta. Come on, kain na kayo sa loob. Pasensya na at madaming bisita sila Mommy." Pag-yaya nito sa amin.
"Ano ka ba, ayos lang yon." Sabi ko at sumunod kami sa kanya.
Pagkapasok namin ay wala masyadong kumakain sa loob dahil ang karamihan ay nagpaparty sa labas.
"Iwan ko muna kayo para makakain kayo." Sabi ni Kat at iginaya kami sa buffet.
"Sige, entertain mo muna yung mga bisita mo." Ani Alora kaya dumiretso na kami at kumuha ng plato. Hindi naman kami gutom medyo lang. Lalo na si Alora.
BINABASA MO ANG
Hoax Love (BxB)
Romansa#2 Kailan mo ba masasabi kung totoo na ang pagmamahal ng isang tao? Yan ang tanong ni Nicolas Joaquin De Dios sa kanyang sarili. He have fallen easily for Gabriel Antonio Benedicto, a silent brute. With his prominent eyes through his genuine stares...