These past few weeks felt like I was in the seventh heaven. The happiness and love I received seems so extreme and sometimes I felt like I don't deserve it. The late night talks and early morning meetings with is really becoming our routine. At magiging sinungaling lang ako kung hindi ko sasabihin mas mahal ko na siya lalo. Truly and deeply."Dito ka na magpatila ng ulan." Pag-aaya sa akin ni Gabriel nang maabutan kami ng ulan sa daan. Sabay pa rin kaming umuwi ngayon at iyon nga ang nangyari, walang may dalang payong kahit isa sa amin. Mabuti na lang ay malapit na kami sa bahay nila kay tinakbo na namin iyon.
"Good afternoon po." Bati ko sa tatay ni Gab na nakaupo sa sala habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako rito at nag-mano.
"Magandang hapon, Nico. Naabutan yata kayo ng ulan?" Sabi nito habang binaba ang hawak niya. Pumasok naman si Gabriel habang pinapagpagan ang sapatos niya sa doormat. Binati din niya ang ama niya at nag-mano.
"Wala pa si Migz?" Tanong ni Gab at nilapag ang gamit sa lamesa. Umupo naman ako sa maliit na couch sa harap ko. Medyo nabasa ang uniform namin dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan habang naglalakad kami at lalo pang nabasa dahil sa pagtakbo namin.
"Wala pa. Dito ka na maghapunan, hijo." Sabi ni Tito Alijandro sa akin kaya napatango lang ako. Tumungin ako kay Gab na naabutan kong nakamasid sa kinauupuan ko. Kinunutan ko siya nang kilay kaya natawa ito ng bahagya. Lumapit siya sa akin at hinatak ako papasok sa kwarto niya.
Pagpasok namin ay malinis ang mga gamit nito at nasa tamang ayos ang lahat. Napansin ko ang magulo lang na parte ng kwarto niya ay ang study table niya kung saan nakakalat lahat ng mga blueprints at papel niya. Hindi kasing laki ng kwarto ko ito pero kasya na ang dalawang tao. Halata mo ring lalaki ang natutulog dahil puro panlalaki ang mga gamit lalo na ang mga poster ng basketball players na nakadikit sa dingding.
Umupo ako sa kama niya at hintay siya na may kinukuha sa kabinet niya. Inabot niya iyon sa akin na ikinataka ko.
"Magpalit ka nang damit nabasa yang uniform mo." Sabi niya kaya agad ko iyong tinanggap. Isang maluwag na pambahay ang binigay niya sa akin. I smiled at him at started unbottoning my uniform. Pag-angat ko ng tingin ay nakahubad na ito nang uniform niya at wala ng siyang suot na damit. Damn those perfect broad shoulders!
"Ayos ba?" Natauhan nalang ako nang maabutan niya akong nakatitig sa likod niya. I blushed yet I had the guts to roll my eyes at him. Nagpalit na ako nang damit ko mabuti nalang ay hindi na niya ako inasar pa.
Tumabi siya sa akin at niyakap ako sa bewang habang sinasandal ang ulo sa balikat ko. I sighed and found myself hugging his broad shoulders.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya nang inangat niya ang kanyang ulo. Tumitig muna siya sa akin bago umiling. Mukhang may problema siya pero ayaw lang niyang sabihin pero hindi ko siya pipilitin. Gusto ko siya ang kusang magsasabi sa akin sa mga problema niya.
Tumayo ako at lumapit sa study table niya. Tinignan ko ang mga papel na nakakalat doon saka ko pinagsama-sama at inayos. Nakita ko ang isang album doon sa gilid na kakasiksik din sa mga libro. Binuksan ko iyon at napangiti dahil puro mga baby pictures ang laman nito. Lumingon ako sa gawi niya na nahuli kong nakatitig na naman sa bawat galaw ko.
Bumalik ako sa kama habang hawak ang photo album at tumabi ulit sa kanya. Ang cute niya nung bata pati si Miguel. Halata mong makulit sila dahil lagi madungis sa picture. Napangiti ako nang makitang ang picture niya na kasama ang isang magandang babae at nalaman ko agad na nanay niya iyon dahil kaparehas sila ng mata at labi. May pinagmanahan din talaga itong magkapatid na ito lalo na sa kanilang tatay.
BINABASA MO ANG
Hoax Love (BxB)
Romance#2 Kailan mo ba masasabi kung totoo na ang pagmamahal ng isang tao? Yan ang tanong ni Nicolas Joaquin De Dios sa kanyang sarili. He have fallen easily for Gabriel Antonio Benedicto, a silent brute. With his prominent eyes through his genuine stares...