Sabado ngayon at wala akong magawa. Abala ang mga tao dito sa bahay dahil kaarawan ngayon ni Papa. Mamayang gabi ay magkakaroon ng maliit na party dito at maraming pupunta na bisita. Ang ginawa ko nalang ay manuod ng palabas sa sala dahil wala naman akong ibang pagkakaabalahan kasi natapos ko na ang mga kailangan gawin na mga assignments.Hapon nang maisipan kong sumama kila Papa at Kuya Blake sa rancho. Mag-iimbita daw sila ng mga bisita para mamaya sa party niya. Suot ko ang Adidas ko na plain white shirt at khaki short na pinerasan ng Birkenstock sandal. Nagdala rin ako ng cap dahil mainit sa labas.
Nang makarating kami sa rancho ay binati agad ng mga tauhan si Papa. Inilibot ko ang tingin ko sa rancho at masasabi kong maayos na ang pamamalakad ni Kuya Blake. The view in this area is refreshing, I can easily see the beauty of nature and the mountain ranges in my spot. I can also see the herd of cows near a barn in my position.
"Salamat pare, punta kayo mamaya sa bahay may salu-salo doon at isama mo sila Gab at Migz." Ani Papa at dahil doon ay napabaling ang tingin ko sa kanila.
"Makakarating kami." Sabi Tito Alijandro kay Papa.
Nag-uusap sila ng kung ano-ano tungkol sa rancho at wala naman akong alam doon kaya naman nagpasya akong maglibot muna. Lumapit ako doon sa grupo ng mga baka, nakita ko ang lalaki na nagpapagatas ng baka gamit ang isang makina para mas mapadali itong lumabas. Lumapit ako rito dahil natuwa ako sa kanyang ginagawa.
"Gusto mo tikman yung gatas? Fresh ito." Biglang sabi noong lalaki. Napatingin ako sa kanya at medyo pamilyar sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati?
"Uh... Pwede na ba iyan tikman?" Ani ko na may pagkalito at gulat.
"Oo naman. Masarap ito at masustansya dahil bagong piga. Eto oh. " Sabi nung lalaki saka inaabot ang maliit na tasa sabay ngumiti.
"S-sige." Sabi ko at sinubukang inumin ang gatas. Napangiwi ako sa lasa. Medyo matabang na matamis ito at hindi ko maintindihan ang lasa.
"Ano masarap diba yung gatas ko este nung baka?" Anito nang nakakaloko at humagikgik pa.
"Uh... Sakto lang medyo matabang lang ng kaunti." Komento ko sa kanya at hindi nalang pinansin ang sinabi niya.
"Ikaw yung kapatid ni Blake diba?" Aniya kaya tumango ako.
"Matteo nga pala. Ikaw?" Pagpapakilala ni Matteo at naglahad pa ng kamay. Medyo natatawa ito. Anong nakakatawa?
"Nico." Tipid kong sagot dito bago tinanggap yung kamay niya. Ngumiti siya na medyo kinailang ko. Palangiti siya no?
"Mauna na ako babalik na yata kami sa bahay." Pagpapaalam ko kay Matteo nang bitawan niya ang kamay ko.
"Sige. See you nalang doon." Ani Matteo at ngumisi pa ito. Hindi na ako magugulat kung makikita ko siya doon mamaya sa bahay.
Malapit ng dumilim nang makarating kami sa bahay. Halos handa ang lahat ng mga kakailanganin lalo yung pagkain. Sinalubong kami ni Mama na nakabihis na ng pangparty, suot nito ang isang floral sunday dress.
"Magbihis na kayo doon at maya-maya ay darating na yung mga bisita." Ani Mama.
Umakyat na ako sa taas upang mag-ayos ng sarili. Humiga muna ako saglit bago namili ng susuotin. Napili ko ang isang white button down polo shirt at khaki pants. Oo na, mahilig ako sa mga plain shirts. Sa hagdan ay rinig ko na ang ingay doon sa sala at saan pa. Pansin kong medyo madami ng bisita na dumating.
BINABASA MO ANG
Hoax Love (BxB)
Romance#2 Kailan mo ba masasabi kung totoo na ang pagmamahal ng isang tao? Yan ang tanong ni Nicolas Joaquin De Dios sa kanyang sarili. He have fallen easily for Gabriel Antonio Benedicto, a silent brute. With his prominent eyes through his genuine stares...