Ganoon lagi ang ginagawa namin tuwing uwian na kung magsabay man ang oras nang labas namin. Magkasabay kaming maglalakad pauwi at hinahatid niya ako sa bahay. Tawanan at kwentuhan habang bahagyang magkahawak ang kamay. Napapangiti nalang ako tuwing naalala ko iyon. This is such a crazy feeling for me, ayaw kong masanay sa ganito pero lalo lang akong nahuhulog sa kanya.



"Nasa labas na ako." Napangiti ako nang mabasa ko ang text sa akin na galing kay Gabriel. Sabay pa rin kaming uuwi ngayon dahil iyon na ang nakasanayan namin. I find it really sweet tuwing naglalakad kami sa papalubog na araw.


Nang makalabas ako ay kita ko ang gwapong mukha niya na nakaabang sa tapat ng pinto. I smiled at him as he approached me. Sinubukan niyang agawin ang bag ko sa akin para siya ang magdadala pero lagi ko itong tinatanggihan dahil kaya ko namang buhatin, he just sighed in defeat. Nagpaalam muna ako kay Kat at Alora bago kami umalis. Mapang-asar namang sinundot ni Alora ang tagiliran ko bago kami iniwan.


"Kanina ka pa?" Sabi ko sa kanya habang nagsimula kaming maglakad papunta sa gate. He kinda looked stress and I don't know why. Maybe napagod sa inaaral niya?


"Hindi naman. Kamusta araw mo?" Tanong nito pabalik nang makarating kami sa gate. May tumamang sikat ng araw sa mukha niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Damn, sobrang gwapo.


"Ayos naman medyo madami lang ginagawa kasi malapit na ang finals." Pagkukwento ko sa kanya. Napantango naman ito sa sinabi ko. Mukhang may problema ang isang 'to.


"Are you okay? May problema ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya nang makalayo kami sa school. Tumigil ito sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko. Walang masyadong tao kaya komportable kami sa posisyon namin.


"Wala. Tambak lang rin kami sa gawain." He sighed and held my hands tightly. I smiled sweetly at him and continued walking.


It has been a month simula noong ganito ang ginagawa namin. Wala kaming relasyon pero ganito kami lagi. Umamin na kami sa isa't isa pero wala pa rin kaming relasyon. Siguro ito na yung pagkakataon para magkaroon kami ng mas malalim na ugnayan. Magkaroon ng karapatan sa isa't isa. Magkaroon ng pagmamahal sa isa't isa.


Lumingon ako sa kanya saka tumigil sa paglalakad. Medyo nakalayo na kami sa paaralan dahil mas dumami ang nakikita kong mga puno at wala masyadong kabahayan sa paligid.


I sighed nervously and smiled at him.


"Can you be my boyfriend?" I said firmly and closed my eyes as I made the first move. Nahihiya ako sa ginawa ko pero gusto ko rin. As I opened my eyes, I saw his shocked and slightly amused face.


"A-ano... Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan, Nico." Sabi niya na ikinakagat ko nang labi. Sobrang hiya na ako tignan ngayon sa totoo lang. I felt my legs trembled at what he said and the heat at my face is slightly burning.


"Pero, Oo. Gustong-gusto ko. " I smiled victoriously as if I won something. Ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon na mas lalong kumakawala nang hatakin niya ako papalit upang yakapin. Mas lalo akong napipi nang bumitaw siya at hinawakan ang parehas kong pisngi habang nakakatitig sa akin.


"Bakit mo ako inunahan hmm?" Sabi niya at ngumiti nang nakakaloko sa akin. Mas lalong gumagwapo kapag ngumingiti.


"I don't know, I just felt like doing it now. At saka ang bagal mo e." Sabi ko at bahagyang sinuntok ang kanyang braso na ikinatawa niya. I stared at his handsome face and how the orange-colored ray of sun hits his godly features. Ang swerte ko grabe!


Hoax Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon