Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapaghanda sa lakad namin ni Gab. Unang beses kong maglibot dito sa La Soledad kaya naman excited akong gumising. Yun lang naman talaga ang dahilan wala nang iba.Hinanda ko ang aking susuotin at mga gamit na dadalhin. Kumuha ako ng extrang film roll sa side table ko dahil paniguradong kukulangin ang 36 shots. Kinahiligan ko ang film camera noong nakaraang taon kaya naman marami na rin akong koleksyon ng iba't ibang camera. Nagdala ako ng cap at shades dahil siguradong mainit ang panahon ngayon.
Malapit nang magtanghalian ay nakatanggap ako ng dalawang text mula sa di kilalang numero.
Unknown Number:
Si Gab 'to, papunta na ako jan sa inyo.
Nakuha ko pala ang number mo kay Migz.
Napangiti ako at nakaramdam ng excitement habang nagrereply ako sa kanya. Akala ko hindi niya ako sisiputin e.
To Gabriel:
Okay. Ingat.
Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Alora dahil nariyan na daw ang bisita ko. Mapangasar pa ako nito tinignan kaya naman tinawanan ko siya. Nag- ayos ako ng aking gamit at saktong pagtayo ko ay nasa harap ko na si Gab. God! Nakasuot siya ng polo shirt na puti at faded pants. Bumagay pa ang outfit niya dahil sa puting sapatos. Nahiya tuloy ako sa suot ko dahil naka white shirt ako at khaki shorts.Medyo coincidence lang din siguro na parehas kaming nakaputi? Nang makalapit ako sa kanya I felt so small beside him because he looks like an international model. His presence is really intimidating.
"Tara na?" He said that made me startled. I nodded and followed him.
"Pasensya ka na, kay Papa kasi itong sasakyan e. Bukas lang ang bintanan dahil hindi na gumagana ang aircon." Anito habang sakay kami ng kanilang sasakyan.
"Ayos lang." Totoo naman dahil mas masarap ang hangin na tumatama sa balat ko.
"Naiinitan ka ba?" Tanong niya habang nagmamaneho.
"Hindi, ayos lang ako. Mahangin naman dahil nakabukas ang bintana. Saan pala tayo pupunta?" Sabi ko dahil para naman may pag-usapan kami.
"Gusto mo ba sa Grapeyard ni Soledad?" Sabi nito na diretso pa rin na nakatingin sa daan.
"Sige. Mahilig pa naman ako sa grapes." Sabi ko at nilingon ko siya. Nakatingin ito sa akin sabay balik ng tingin sa daan. I bit my lips so that my smile wouldn't show. Landi!
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Grapeyard ni Soledad. Saglit lamang ang aming biyahe kaya tantya ko ay malapit lang ito. Pansin ko na medyo maraming tao roon. Pagkababa namin ng sasakyan kinuhaan ko agad ng picture lugar. Nang tignan ko si Gab ay nakatitig lang ito sa akin na parang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Pagkatapos magpicture ay lumapit ako sa kanya at pinicturan din. Ayaw pa sana niya buti nalang napindot ko agad bago pa siya makatanggi.
"Tara na." Sabi niya kaya naman sinuot ko ang shades ko dahil medyo mainit.
Nakapasok kami at namangha ako sa nakita. Napakadaming grapes! Ang haba ng hilera nito hanggang dulo. Sobrang dami! Malamang grapeyard nga diba?
Tinignan ko si Gab, pansin ko ang kaunting pawis nito sa noo. Lumapit ako sa kanya at inabot ang cap ko na dala.
"Ano yan?" Nagtataka ako nitong tinignan.
"Cap. Mainit e." Sabi ko pero parang ayaw niyang tanggapin kaya ako na ang nagsuot sa kanyang ulo. Nagulat ako dahil mas bagay sa kanya. Mas lalong gumwapo. Nakatingin lang ito sa akin kaya umiwas na agad ako dahil sa hiya. Kaya iniwan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagpakuha ako ng litrato sa kanya gamit ang film camera kaya tinuruan ko siya muna paano gamitin ang camera. Tutok na tutok ito habang tinuturo ko kung paano magpicture gamit iyon kaya naman napangiti ako sa itsura niya. Natuwa pa ako lalo dahil sa pagkarating sa medyo dulong parte ay mas madaming bunga ng mga ubas. At pwedeng pwede na itong pitasin, kaya naman palihim akong kumuha ng dalawang piraso at palihim rin itong kinain ang isa. Binigay ko naman kay Gab ang isa. Grabe ang tawa ko dahil muntik na siyang mahuli noong siya ang pipitas.
"Sabi kasing wag pipitas e!" Pang-aasar ko sa kanya.
"Tss. Sabi mo kasi gusto mo pa." Napailing ito ng kanyang ulo kaya natawa pa ako. Nauna itong maglakad kaya naman sinubukan kong kuhanan ko ito ng nilatrato.
"Gab!" pag tawag ko sa kanya at saktong paglingon niya ay kinukahan ko siya. Nag thumbs up ako sa kanya pero nakatingin lang ito sa akin at umiwas pa. Wow model face yan?
Malapit na sa dulo ay may narinig akong humahagikgik na grupo ng babae. Alam kong tinitignan nila si Gab. Sino ba naman ang hindi magpapansin sa kanya? He has the face, the body and the brain. Hindi na nakapagtataka kung bakit ang mga babae na ang lumalapit sa kanya.
Napatingin naman ako sa kasama ko na ngayon ay nakatingin din sa akin. Bumaling pa ang tingin nito sa mga babae at bumalik ulit sa akin ng tingin. Bakit ba kasi ang gwapo mo?
Nang matapos sa Grapeyard ni Soledad dumiretso kami para kumain. Sabi ko kay Gab na ako ang magbabayad na sa kakainin namin pero tumanggi ito at di na ako pinansin. Sa susunod ililibre ko nalang siya bilang pambayad. Maya-maya pa ay dumating siya at ang dami nitong inorder. Tahimik lang kaming kumakain dala ng gutom siguro. Isa pa ay nakatingin pa ito sa akin habang kumakain kaya naman hindi na ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain.
"Busog na ako." Sabi ko habang tinatabi ang halo-halo na inorder niya dahil hindi ko na ito halos maubos sa sobran busog.
"Ako na ang kakain niyan." Aniya pagkatapos uminom ng tubig at kinuha ang halo-halo sa harap ko. I forgot to get the spoon pero huli na ang lahat dahil sumubo na siya. I secretly blushed at the thought of us having an indirect kiss through the spoon.
Pagkatapos namin kumain ay madami pa kaming pinuntahan halos naikot na namin ang buong siyudad. Masasabi kong napakagandang tourist spot kung tutuusin itong lugar sa sobrang daming magagandang puntahan. Katulad ng La Soledad Church, Soltera Beach Cove at madami pa. Masaya ako dahil hindi ko pa nakikita ang ilan lalo ba sa beach na iyon dahil napakapino ng bungahin. Aayain ko nga sila Kuya Blake minsan na magswimming doon o kaya sina Alora.
Nandito kami ngayon sa Soledad Peak at madilim na pwera na lamang sa mga ilaw na makikita sa buong siyudad. Masasabi kong maganda ang citylights dito. Medyo maraming tao dito sa Peak kaya mahirap humanap ng maganda pwesto.
"Salamat nga pala sa pagsama akin. Nag enjoy ako." Sabi ko kay Gab at ngumiti. Tumango ito.
"Ako rin." Pansin kong nakatitig ito sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin.
Huwag mo akong titigan!
"Gusto kong bumalik doon sa beach at magswimming." Sabi ko habang nakadungaw sa citylights. Ramdam ko pa rin ang titig niya kaya pinigilan ko ang sarili kong huwag lumingon.
"Hmmm..." Maikling sagot nito kaya naman hindi na ako nagsalita pa. Tahimik ba talaga siya or ayaw niya lang akong kausap? Konti nalang iisipin kong nahihiya siya sa akin. Ako nga itong nahihiya sa kanya.
Maya-maya pa ay nagpasya kaming umuwi dahil gabi na. Pansin ko din na naagaw ang atensyon ng mga nadadaanan namin. Habang papunta kami sa sasakyan niya ay may tumawag sa kanya. Sabay pa kaming napatingin sa tumawag sa kanya.
Nang makalapit ito ay ngumiti ito ng malapad kay Gab.
Si Milly.
BINABASA MO ANG
Hoax Love (BxB)
Romansa#2 Kailan mo ba masasabi kung totoo na ang pagmamahal ng isang tao? Yan ang tanong ni Nicolas Joaquin De Dios sa kanyang sarili. He have fallen easily for Gabriel Antonio Benedicto, a silent brute. With his prominent eyes through his genuine stares...