"You're here pala. Saan ka galing? I've texted you kanina ah." Maarteng sabi ni Milly na todo ngiti pa. Sinulyapan ako nito ng tingin at binalik rin kay Gab.


"Nag-ikot lang. " Maikling sagot ni Gab. He is man of few words, indeed.


"Who's that?" Turo sa akin ni Milly at tinignan ako from head to foot.


"Anak ni Tito Manuel. Sinamahan ko maglibot." Sabi ni Gab habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.


Nakatingin pa rin sa akin si Milly na parang sinusuri ako. Ako naman ay nakatingin lang nang diretso sa kanya. Tinitimbang ko ang emosyon ko ngayon. Tinaasan pa ako nito ng kilay. Anong problema nito?


"Mauuna na kami. Mag gagabi na kasi. " Pagpapaalam ni Gab kaya naman iginaya ako nito paalis. Hindi na ito ulit lumingon kay Milly. Ako naman ay parang tangang nakayuko lang.


"Sana sinabay na natin yung girlfriend mo." Sabi ko rito nagkunwaring natatawa pero ang totoo ay nagugulahan. Sakay kami ngayon ng kanyang sasakyan habang tinatahak ang daan.


"Di ko siya girlfriend." Anito habang nagmamaneho. Napadako ang tingin ko sa kanyang mukhang nakakunot ang noo. Kaya naman napatawa ako sa reaksyon nito. Bakit ganyan naman ang reaksyon niya? Siguro natatakot na magagalit yong si Milly dahil may kasama siyang iba ngayon o kaya naman dahil hindi nagrereply si Gab sa text niya?


Buong biyahe namin pauwi ay hindi na ito umimik kaya naman nagpasya akong umidlip muna. Maya-maya pa ay may tumapik sa balikat ko dahilan upang magising ako.


"We're here." Napabalikwas ako saka inayos ang sarili. May laway pa ata ako sa labi.


"Ah... Salamat pala ulit. Ingat ka pag-uwi." Sabi ko, ngumiti ng tipid at tumango.Bumaba ako sa kanyang sasakyan at hinintay ko itong umalis. Pagdating ko sa kwarto ay nagpahinga ng kaunti saka naligo at dumiretso sa pagtulog.


Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay busy ang mga tao dito sa school. Simula daw ng foundation week ngayon sabi ni Alora at sabi pa nito na buong linggo ay walang klase. Kaya naman pagpasok namin sa loob ay madami nang nakatayong mga booths. Kasama ko si Alora at Kat, medyo maraming mga estudyante ngayon kaya nagpasya kaming magikot-ikot rin at tumingin sa mga booths. Nang mapadaan kami sa malapit sa gymnasium ay bigla kaming hinuli ng mga tingin ko ay college students. Nagulat kami dahil ang nadaan pala namin ay ang jail booth.

"Ang malas naman naten mga dzai." Paghihimutok ni Alora.

"Bakit kasi dito tayo dumaan?" Sabi ni Kat.

"Di ko naman alam na nandito yan, hmp." Anito at liningon ang mga kasama namin sa kunwaring kulungan. Medyo madaming nahuli sa oras na 'to ah, malas naman.

Maya-maya pa ay may lumapit sa amin na lalaki, may dala itong stamp sa kamay.

"Kung sino gusto lumabas, bayad sampung piso. Malaya ka na!" Anito. Kaya naman nagreklamo ang mga nakulong dito sa jail booth. Kahit umaangal ang mga ito ay nagsitayuan pa rin at nagbayad.

Nang medyo kaunti na lang ang pila ay saka kami tumayo tatlo.


"Libre ko na kayo!" Sabi ni Kat at saka bumunot ng pera sa kanya bulsa.


"Saan ko ilalagay?" Tanong ng lalaki sa kanya pagkatapos tanggapin ang pera. Inangat nito ang kamay na may hawak na stamp na parang lips or kissmark ata ang hugis. Tinuro naman ni Kat ang kanyang pisngi.


"Ako rin, Kyah!" Ani Alora sabay turo sa kanyang pisngi.


"Ikaw saan?" Baling sa akin ng lalaki nang makalapit ako. Napatingin ako sa kanya at sa hawak niyang stamp.


Hoax Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon