Prologue

182 8 0
                                    




Napatingin ako sa malawak na bukirin at lupain na aming nadadaanan. Hindi ko aakalain na matagal na akong hindi nakakabalik dito. Ang ganda lang pagmasdan ng mga ganitong tanawin na matagal ko nang huli kong makita. Namiss ko ang La Soledad.



"Malapit na tayo." Sabi ni Kuya Blake na katabi ko at nagmamaneho. Siya ang nagsundo sa akin sa airport kanina.


Huminga ako ng malamim at nag-ayos ng sarili. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Casa De Dios na halatang antigo na marahil pamana pa ito ng Lolo ni Papa. Katabi nito ang aming rancho na pinamamahalaan ni Kuya Blake.


Natanaw ko ang fountain sa ginta ngunit walang lamang tubig. Maganda ang pagkakagawa ng mga halaman sa paligid. Makikita mong inaagalaagan ng mabuti. Napansin ko ang mga hardinero napatigil at napatitig sa kakadaan na kotse ni Kuya Blake.



Tumigil ito sa harap ng bahay at nakita kong nakaabang si Mama sa labas kasama ni Manang Sita.


Lumabas ako ng sasakyan at agad akong sinalubong ni Mama. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at niyakap.


"Napagod ka ba sa biyahe?" Tanong ni Mama at ngumiti rin.



"Medyo po." Tipid kong sagot rito.


Napatingin ako sa katabi nito na si Manang Sita na siyang nag-alaga sa akin noong palagi akong nagbabakasyon dito tuwing summer. Niyakap ko rin si Manang Sita na nakita kong halos naiiyak siya.


"Manang, namiss kita."


"Naku, ang laki laki mo na Nico. Dati ay bata ka pa noong huli kang magbaksyon dito." Naiiyak nitong sabi sa akin na medyo kinatawa ko.


"Matagal na din po akong hindi nakakabalik dito." Sabi ko.


"Tara na anak, kain na tayo. Siguradong gutom ka na. Blake, ipasok mo na yung ibang gamit ng kapatid mo." Ani Mama at ginaya ako papasok ng bahay.


Nothing has changed through this walls of Casa De Dios. Maganda pa rin ito gaya ng dati. Tanaw ko ang malaking hagdan na gawa sa oakwood. Ang malaking picture frame namin ay naroon rin makikita pagkapasok. Ang mga malalaking vase na koleksyon ni Mama ay naroon rin sa mga pasilyo, pati na ang malaking chandelier sa gitna ng hagdan. Halos walang nagbago sa bahay na ito dahil habang tumatagal gumaganda lang.

Sinalubong kami ng mga tauhan sa bahay at nahagip ng tingin ko si Alora na isa sa mga kaibigan na tauhan rito marahil apo siya ni Manang Sita. Naalala ko na siya ang minsan kong kalaro noon tuwing nagbabakasyon ako rito. Nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik.


Dumiretso kami sa dining table at nakita ko roon si Papa na nakaupo na. Ngumiti ako sa kanya at agad na niyakap.


"Kamusta ang biyahe, anak?"


"Ayos naman po, Papa."


Maya-maya pa ay naupo na rin sina Mama at Kuya Blake. Nagsimula na kaming kumain. Marami silang hinandang pagkain marahil pinautos daw ni Mama ito lalo yung mga paborito ko.


"I already enrolled you sa papasukan mong school, Nico." Pagbasag ng katahimikan ni Mama.


Napatingin ako sa kanya at tumango lamang tsaka nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako nakasagot dahil busy akong ngumuya sa sarap ng pagkain.


Gusto ni Mama na dito muna kami tumira pansamantala dahil walang kasama si Kuya Blake rito. Hindi naman labag sa loob ko dahil namiss ko din naman si Kuya Blake. Marami akong maiiwan sa Manila dahil dito ay ayos lang din at babalik pa rin naman kami dahil pansamantala lang ito. Gusto rin ni Papa na dito muna dahil hindi pa daw masyadong gamay ni Kuya ang pamamahala sa rancho. Naiintindihan ko sila at gusto ko rin naman sila makasama kahit papaano.


Hoax Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon