Weeks have passed and almost a month na ako dito sa La Soledad. Masasabi kong kakaiba ang turo dito at halos lahat ng estudyante ay magagaling at marurunong. Medyo nasasanay na din ako sa pamumuhay dito, madaling mag-adjust. Marami din akong mga naging kakilala pero si Kat at Alora ang lagi kong kasama.



"Doon na tayo gumawa sa bahay." Suhestyon ni Migz na kaklase ko.


Nagkaroon kasi kami ng groupings para sa reporting namin sa Chemistry at isa siya na mga kagrupo ko. Hindi ko kagrupo si Kat dahil nakabilang siya sa iba.


Hindi naman tumutol ang iba pa namin kagrupo. Napatingin ako Migz may kamukha talaga ito. Gwapo rin ito at matangkad pero medyo makulit lang. Matalino siya kaya ito ang ginawa namin leader para sa reporting. Tuwang-tuwa namang ang mga naging kagrupo niya lalo na iyong si Pia na halatang may gusto kay Migz. Natawa kami sa kanya dahil masyado nitong pinapahalata at dikit pa ng dikit doon sa lalaki.


Hapon nang magpasya kaming sabay-sabay na pumunta doon sa bahay nila Migz. Nagpaalam muna ako kay Alora na sabihin sa bahay na baka gabihin ako at magtetext nalang kung magpapasundo na.


Malapit lang ang bahay nila Migz sa rancho namin kaya tingin ko ay di na ako mahihirapan pauwi mamaya. Nakarating kami doon sa bahay nila at nadatnan ang tatay niya sa labas. Napansin kong medyo may kalumaan ang bahay nila subalit maganda at may kalakihan ito.


"Pa, gagawa po kami ng report dito." Ani Migz at nagmano pa rito. Napatingin ako sa tatay niya at di makakailang kamukha niya ito at medyo pinatanda lang. Siguro may lahi ito kaya napakagwapo nilang mag-ama.


Nagmano din sila kaya ginawa ko rin. Napatingin ang tatay niya sa akin at medyo ikinahulat nito.


"Oh, kaklase mo pala itong anak ni Tito Manuel mo, Migz?" Pagbanggit ng tatay niya at medyo nagulat din ako marahil kilala niya si Papa.


Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at napatingin kay Migz.


"Ay siya po pala ang anak ni Tito Manuel?" Sabi ni Migz.


"Oo, halika Nico pasok. Pasok kayo." ani ng tatay niya.


Pumasok na kami at naghagikgikan naman ang mga kaklase kong babae.


"Nandito kaya si Gab?" Si Mona na may pagkaarte.


Gab? Siya kaya yon? Siguro wala


"Naku, mamaya pa iyon dahil gabi na ang uwian ng college." Ani naman ni Rita na mataray.


Inikot ko ang tingin ko at nakita ang mga picture frame sa dingding. Nagulat ako dahil nandoon ang mukha ni Gab na nakatoga at may nakasabit na medalya sa leeg. Ibig sabihin kapatid niya si Migz at yung tumulong kay Kuya Blake sa rancho ay si Tito Alijandro iyon?


"Tigil niyo na yan. Tara magsimula na tayo." Ani Vlad at nakaupo sa maliit sa sofa ng bahay.


Nagsimula na kami sa paggawa ng report. Halos maubos ang oras namin sa pagiisip ng mga ilalagay sa presentation at pagaasign ng mga topic na irereport. Naglalagay na si Migz sa powerpoint ng mga importante na babangitin para bukas. Habang ang sina Mona at Rita naman ay nagdaldalan lang pero kahit papaano ay may nagagawa naman sila. Si Pia naman ay grabe kung makadikit kay Migz na busy gumagawa ng report.


Nang matapos namin ay medyo padilim na. Habang nagliligpit ng gamit ay inaaya muna kami ni Migz na maghapunan sa bahay nila. Tatanggi sana ako marahil nakakahiya kaso ang mga kasama ko ay gutom na kaya nakisabay na rin ako.


Sa ganoong pagpunta namin sa hapag ay may pumasok sa bahay. Si Gab. Nagmano ito sa tatay niya at tinanguan si Migz.


"Sabay ka na sa amin, Kuya." Pag-aaya ni Migz.


Hoax Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon