"Hello, are you there, Nico?" Nagulat ako lalo nang magsalita ulit ang nasa kabilang linya at binanggitin niya ang pangalan ko. Of course, my caller ID would be my name."Uh, yeah. Si Gab?" I swallowed as I wait for her answer. Rinig ko rin ang kaunting ingay na mga nagtatawanan. Saan ba 'to si Gabriel?
"Nagpunta lang sa CR. Sabihin ko na lang na tumawag si My Baby Nico niya." Halata sa boses niya ang pang-aasar na ikakunot ng noo ko at ikinapula ng pisngi ko.
"S-sige. Salamat." Pagkatapos kong magpaalam ay ibinaba ko agad ang tawag. Hinawakan ko ang pisngi ko at ramdam ko ang init nito. What the hell My Baby Nico ang name ko sa cellphone niya? May kung anong kiliti akong naramdaman sa tiyan at tenga ko.
Habang prinoproseso ko pa sa utak ko ang inassume ko na caller ID ko sa cellphone niya. Biglang tumunog naman ang cellphone ko at kitang siya na ang tumawag. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sariling ngumiti.
"Hello." Bungad ko sa kanya.
"Hi, tumawag ka daw sabi ni Mariz." Sabi niya sa kabilang linya. So Mariz pala pangalan ng sumagot kanina?
"Ah oo, I'm just checking on you." Sagot ko at kasabay niyan ang pagkagat ko sa ibaba kong labi.
"Hmm. Patapos na rin naman kami. Siguro bago mag alas sais ay makakauwi na ako." He explained himself and I absentmindedly nodded.
"C-can I ask who's Mariz?" I curiously asked him.
"Mga kagroupmate ko kasama sina Cholo at Korics. Bakit selos ka?" Sagot nito sabay may halong pang-aasar. Again I immediately rolled my eyes. Bakit naman ako magseselos? Fine, muntik na akong magselos kung hindi lang ako inasar nung babaeng yon na 'My Baby Nico' daw ang nakalagay sa tumawag.
"Ewan ko sa'yo, Gabriel. I'll hang up now. Text mo ako kapag nakauwi ka na." I authoritively said to him and heard him chuckled on the other line.
"Yes, baby. I love you." Sagot nito na ikinangiti ko na parang tanga.
"Bye, I love you too." Sabi ko bago ibinaba ang tawag. I stared at the ceiling with my blushed face and erratically heartbeat. Kahit anong pilit kong matulog ay lagi kong naalala iyon at kahit nang mag-usap kami kanina bago matulog ay hindi ko mapigilang mapangiti mag-isa.
Nang magising ako kinabukasan ay rinig ko ang ingay sa baba. Nagtaka naman ako kaya tinungo ko agad iyon pababa upang makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Maraming mga camera at mga reporter ang nandoon. Pinagkakaguluhan si Papa sa baba ng mga ito. Anong meron?
Mas lumapit pa ako nang bahagya sa bintana para makita ng mas malapit. Mukhang iniinterview si Papa dahil nakatutok ang lahat ng microphone na hawak nila sa kanya.
"Mr. De Dios, ano po ang masasabi niyo sa biglaang pagkamatay ni Fernando Mendez?" Tanong ng isang kilala reporter.
"I have nothing much to say but may his soul rest in peace." Sagot ni Papa kasabay ng pagdating ng iilang kapulisan upang paalisin ang mga naturang reporters para makapasok si Papa sa bahay dahil nga dinudumog siya.
"Anong meron, Pa?" Bungad ko kay Papa ng makapasok ito sa bahay.
"Dinumog ng mga reporter para hingin ang panig niya tungkol doon sa pagkamatay ni Fernando Mendez." Sabat naman ni Kuya Blake na kasabay niyang pumasok.
"I don't really know why they want my statement." Takang sagot naman ni Papa na ikinailing ni Kuya Blake.
"It is because of your past issue with him, dahil siguro ikaw ang kilalang kalaban noon ni Mendez." Sabi naman ni Kuya Blake na lalo kong ikinataka.
BINABASA MO ANG
Hoax Love (BxB)
Romance#2 Kailan mo ba masasabi kung totoo na ang pagmamahal ng isang tao? Yan ang tanong ni Nicolas Joaquin De Dios sa kanyang sarili. He have fallen easily for Gabriel Antonio Benedicto, a silent brute. With his prominent eyes through his genuine stares...