"Ano na?" Sambit ni Alora na nagpagising sa nakatulala kong diwa.Simula nung nakumpirma kong may relasyon talaga si Milly at Gab ay naging ganito na ako. Narinig ko ang mga kaklase ni Gab kahapon na pinaguusapan ito at kahit saan ako mapadpad ay ito ang naririnig ko. Ang bilis talaga kumalat ng balita. Kaya hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Selos, inggit, at lungkot. Ito ang mga namumuong emosyon ko sa akin.
Kumakain kami ngayon dito sa mga booth, hindi namin kasama si Kath dahil may practice ito para sa dance contest na sinalihan niya. Napatingin ako kay Alora, kita kong may bahid ng pagtataka ang kanyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napatigil ito at nagpatuloy sa pagkain.
Buong hapon kong inalis sa isipan ko ang nararamdaman ko. I tried to divert my attention, so I joined some of the games in our strand. Medyo natuwa ako dahil doon kahit papaano. Buong araw din kami nagkaroon ng practice para sa aming field demo kaya noong makauwi ako ay sobrang pagod ko.
Kinabukasan ay maaga kaming pumasok para sa maghanda sa field demo. Ngayon kasi gaganapin ito at balita ko ay malaki ang prize ng mananalo. Nakasuot kami ng parang pang zumba na damit makukulay ito at purong neon. Our theme is fitness and wellness, kaya naman ganito ang itsura namin.
Nakaramdam ako ng uhaw, nagpaalam ako kay Kat na pupuntang canteen para bumili ng maiinom. Medyo nahihiya ako sa suot ko pero hindi ko nalang pinansin.
"Ate, isang tu-" naputol ang pagbili ko ng may sumingit sa harapan ko. Bastos!
"Isang c2 nga na pula, Ate." Ani ng lalaking sumingot sa pila. Walang hiyang to! Ako nauna! Siga ba siya dito kaya ganyan siya umasta!?
"Thanks!" Humarap ito sa akin at saka kumindat pa. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy bumili.
"Isa pong bottled water." Sabi ko sa tindera. Ramdam kong nakatayo pa rin ang lalaki sa tabi ko. May kailangan ba siya?
Nang iabot ng tindera sa aking ang tubig ay dali-dali akong umalis. Naalala ko niya yung lalaking yon! Siya yung naglagay ng stamp sa leeg ko kahapon doon sa jail booth. Anong kailangan niya at bakit sinusundan ako nito? Jail booth ba ulet ako?
Maya-maya pa habang umiinom ako ng tubig ay may sumabay sa akin sa paglalakad. Pagtingin ko ay hindi na ako nagulat na siya ito. Tinignan ko siya ng may pagtataka.
"May kailangan ka ba?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"U-uhm... Pasensya pala last time, yung sa jail booth." Medyo nahihiya nitong sabi at saka nagkamot ng ulo. Yun lang naman pala akala ko kung ano na.
"Ayos lang. Sige una na ako." Sabi ko dali-daling tumalikod. Bigla nalang nito hinila ang kamay ko. Nagtaka ako kaya napatigil na naman.
"I'm Sven. And you are?" Pagpapakilala nito at tinaas pa ang kilay. Feeling cool ka na? Siya yung babaero diba na sinabi nila Kat?
"Nico, sige na mauna na ako." Sabi ko rito nang may diin. Binitawan naman niya ang kamay ko.
"See you around, Nico." Anito tsaka kumindat pa. Akala niya siguro cute siya? Okay, sige, cute na siya. Lamang pa rin ng kagwapuhan si Gab para sa akin.
Nakabalik na ako at nagsisimula na ang program. Maraming mga estudyante ang nanunuod kaya naman medyo nakakakaba kahit papaano. Nagsimula na ang unang magpeperform hanggang sa kami na ang susunod. Nang matapos kaming ay madaming naghiyawan sa aming performance. At sa tingin ko ay may pag-asa kaming manalo.
BINABASA MO ANG
Hoax Love (BxB)
Romance#2 Kailan mo ba masasabi kung totoo na ang pagmamahal ng isang tao? Yan ang tanong ni Nicolas Joaquin De Dios sa kanyang sarili. He have fallen easily for Gabriel Antonio Benedicto, a silent brute. With his prominent eyes through his genuine stares...