01

101 8 0
                                    




Nanlaki ang mata ko nang magtama ang aming paningin. Dali akong umiwas at dinampot na ang yellow pad. Bumalik ako sa pwesto ni Alora na namimili din ng kanyang gamit.


Sino kaya yun? Bakit naman siya nakangisi? Siguro ay nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Sira ka kasi Nicolas grabe ka kung makatitig.


Sinubukan kong lingunin ulit kung saan nakapwesto yung lalaki pero wala na siya doon. Disappointed akong humarap ulit kay Alora at nagpatuloy na lamang sa pamimili.


Makikita ko kaya siya ulit? Iba siya sa mga lalaki doon sa dati kong school. Madami naman gwapo doon pero iba yung dating niya sa akin. Tinigilan ko na ang pag-isip ng kung ano-ano.


Sobrang pagod namin pagdating sa bahay kaya naman dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga.


Hindi ko namalayang nakatulog na ako at paggising ko ay madilim na. Naghilamos ako ng mukha at saka bumaba na.


Habang pababa ako medyo maingay doon sa sala kaya naman doon ako dumiretso. Nakita kong may lalaking nakatayo patalikod sa akin habang kausap sina Papa at Kuya Blake.


"Pakisabi na lamang kay Alijandro ay salamat sa paghahatid ng mga delivery naabala pa tuloy siya." Ani Papa at biglang napatingin sa kinaroroonan ko.


"Gising ka na pala, Nico." Sabi ni Papa nang mapansin ako.


Napatingin naman sa akin si Kuya Blake gayon din ang lalaking nakatalikod kanina sa akin. Naestatwa ako at napagtantong siya yung kanina na lalaki sa pamilihan. Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa nakita pero agad din iyon nabawi.


"G-Good evening." Bati ko at medyo hindi gumalaw dahil sa gulat. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Naalala ko ang nangyari kanina habang namimili kami kung saan ko siya nakita.


"Come here, he is Gab anak ni Alijandro na isa sa tumutulong kay Kuya mo dito sa rancho." Bahagya akong lumapit sa kanila.


Napatingin ako sa lalaki na at nakita kong nakatitig ito sa akin. Umiwas ako ng tingin at saka bumaling kay Papa. Pilit akong ngumiti, it is because I am really bothered by his presence. What the hell , Nico!?


"Naku, Gab, sa La Soledad din mag-aaral yan si Nico baka magkita kayo doon." Biglang singit ni Kuya Blake na may ngiting nakakaloko. Anong pinaparating nitong kumag na ito?


"Mabuti naman kung ganoon. Mauna na po ako, Tito." Sabi ni Gab at nadaanan pa ako ng tingin.


"Sige na hijo, mag-iingat ka." Sabi ni Papa saka tumayo na rin kaya naman sumunod si Kuya Blake sa kanya.


Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na siya sa bahay. Tingin ko aatakihin nalang ako noong tumingin siya sa akin. Iba sa mga lalaki na taga Maynila, sobrang gwapo niya sa kanyang mapupungay na mata. Definitely my type!


Lumipas ang linggo at araw na ng pasukan at medyo kinakabahan ako dahil wala akong kakilala doon sa La Soledad bukod kay Alora. Subalit nalaman kong iba ang kanyang strand bilang Grade 12 kaya hindi rin kami magiging magkaklase. Kasabay ko si Alora gumayak papuntang school at halata sa kanyang excited na ito pumasok salungat sa aking nararamdaman na kinakabahan.


Nang makarating kami ay agad kaming bumbaba sa sasakyan. Pinagtinginan kami ng mga tao kaya mas lalo akong kinabahan.


Habang naglalakad kami papunta sa building ay medyo nakayuko ako dahil nahihiya sa kanilang mga tingin. Rinig ko rin ang kanilang mga bulungan, siguro ay bago ang mukha na kanilang nakikita.


Hoax Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon