Nat POV
Hindi na kami umuwi ni Cassie sa hotel dahil may pupuntahan ako ngayon and it's about business. Iiwan ko muna si Cassie kay mom dahil wala pa Namang yaya si Cassie.
And about kagabi, sa mga sinabi sakin ni Casper ay napapaisip ako kung bakit pinagpipilitan nyang may sasabihin ako sa kanya. And I know na meron naman but parang napaka pursigido nyang nalaman ang lahat.
"Mom una na po ako ha?", Paalam ko kay mom pagbaba ko.
"Okay. Take care sweety. ", Sagot naman ni saka nya ako kiniss.
"Mahimbing pa ang tulog ni Cassie ako na ang magsasabi sa kanya ng pumunta lang work", saad Namang ni mom habang hinahatid nya ako sa sasakyan
"Okay mom. Bye" saad ko nalang saka pumasok sa driver seat.
Agad naman akong dumeretso kina John dahil sya ang architect ng ipapatayo kong Hotel sa panggasinan.
Pagdating ko Naman sa harap ng gate ng bahay nya ay agad akong kumaway sa may cctv para ma recognize Nila ako and then agad Namang nagbukas ng kusa ang gate nya.
John is an architect , a successful architect, Some of famous building in manila, sa mga beaches and also in other country ay sya ang nagdisenyo. At napapahanga ang ibang tao dahil sa kakaiba nyang magdesign ng building. Pati nga ang mga hotels ko, restobar na pinapatayo ay sya ang nagdisenyo. Dahil bukod sa maganda ay may discount pa haha. Joke lang. Business is a business..
Pinark ko na agad ang aking kotse sa garahe ni John dahil mag chachopper kami papuntang Panggasinan. At yung chopper ni John ang gagamitin namin.. that's why may rooftop itong bahay ni John dahil don..
Nag doorbell agad ako pagdating ko sa harap ng pintuan nito. At agad Naman itong nagbukas.
"Oh nandito kana pala. Wait lang kunin ko lang yung mga kailangan ko", sagot nya saka dali daling pumunta sa isang kwarto nya dito sa baba.
" Bat dika kasi kumuha ng assistant mo para mas madali? Ang dami mo nang pera pampasweldo eh haha", Biro ko sa kanya pagbalik nito.
"Ang hirap kumuha ng assistant imbes gawin ang inuutos ko eh tinititigan pa ako. Alam ko namang gwapo ako eh huwag lang nila ipahalata masyado" hahaha napatawa namang laming dalawa sa sinabi nya. Well gwapo naman si John talaga.
Agad naman kaming pumasok sa elevator ng bahay nya papuntang rooftop at pagdating namin ay nadun na nga ang chopper kasama ang piloto nito.
"Let's go?", tanong naman nito kaya tumango nalang ako saka nya ako inqlalayang pumasok sa chopper.
Pagkatapos lamang ng ilang minuto ay nakarating na kami sa San Phabian Panggasinan. Dito sa Magliba. Sa isang simbahang malaki kami binaba ng pilot dahil may rooftop din ito na pwedeng paglapagan ng chopper.
Agad naman kaming bumaba chopper at sa rooftop. Pagdating namin sa labas ng simbahan ay may isang kotse nang naghihintay sa amin kaya pumasok na kami doon saka dumeretso sa Dagupan kung saan naming ipapatayo ang hotel.
Isang kaibigan na nakilala ko sa Cali ang nag suggest sakin na magpatayo ng hotel dito dahil taga dito naman sya at sabi nya. Madami daw kasing turista minsan ang dumadayo dito lalo na sa mga taong gustong pumunta sa linggayen at dun San Phabian Magliba Panggasinan dahil may isang free na beach doon at hindi mo na kailangan ng ng entrance fee. Ang kailangan mo lang bayaran doon is yung kubo na rerentahan nyo.
"So kamusta na pala kayo ni Casper?", Biglang tanong ni John kaya napatingin ako sa gawi nya.
"Walang kami ni Casper, john", sagot ko naman dito saka inirapan pero nginitian lang ako ng loko.
BINABASA MO ANG
My Step Father is the Father of my Daughter(Completed)
RomanceNathalie is rebel child. Nagsimula ito nung nambabae at iniwan sila ng kanyang ama. Magkasama sina Nathalie at Lorena na kanyang ina sa kanilang bahay. At simula nung iwan sila ng kanyang ama ay nagkaroon din ng mga boyfriends ang kanyang ina pero h...