OS 16 - Rejection

43 1 0
                                    

I'm on my way to the company right now. It's a two hour travel from the house I'm staying.

At dahil ako lang mag-isa, hindi ko na naman maiwasang mag-muni muni. Ilang taon na ba ang dumaan? Tatlo? Lima? Hindi ko na maalala.

Kamusta ka na kaya?


FLASHBACK

Fourth year high school, malapit na ang graduation. Lahat excited makagraduate, excited makatapos, excited makaalis sa eskwelahang ito. Pero ako, hindi.

Dahil after graduation, alam kong hindi ko na siya madalas makikita.


Si Francis, ang lalakeng matagal ko nang gusto, pero hanggang kaibigan lang ang turing sa akin.


Magbarkada kami since first year, tropa kaya close. At dahil sa sobrang closeness, nahulog ako....pero hindi ko sinabi sa kanya dahil ayokong magbago ang lahat.

After ng graduation, nagkayayaan magparty. Balak ko sanang maglasing para magkaroon ako ng lakas ng loob umamin. Pero hindi ko nagawa kasi kasama ko siya, palagi niya akong pinipigilan.


Kaya hindi ako nakaamin after graduation.


"Bestfriend!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses... Si Troy. Ang best friend ko. Nakilala ko siya nung first day, nawala ko kasi yung school map kaya naligaw ako. Siya yung tinanong ko ng directions, kaso isang pagkakamali yun. Maloko kasi si Troy, at mas lalo niya akong niligaw.

Bwisit na bwisit ako sa kanya nung araw na yun, halos ilibing ko siya ng buhay sa school garden kung san ako nakarating nung sinunod ko yung directions nya.

"Late na ako! Hindi, absent na nga! Wala ka bang ibang magawa?! I asked you nicely! You jerk!!!!"


Tawa siya nang tawa nung una, pero nahimasmasan din siya after a few minutes nung nakita niyang halos maiyak na ako sa galit. "Sorry na Miss. Masyado ka kasing seryoso nun eh, kaya dinala kita dito sa garden. Iappreciate mo naman yung paligid. Gawa ni Mama yan!" Proud pa niyang sabi..

"Mama?"

"Yes! Troy nga pala." Sabay lahad niya ng kamay niya. "Troy Vincent Villanueva."

Then it hit me. "Ikaw yung apo ng president ng school?!"

At dun nagsimula ang lahat. Naging magkaibigan kami, at dahil kaibigan ko si Troy, halos lahat ng babae kinamumuhian ako. Except sa isa, si Hayley, girlfriend ni Troy. Silang dalawa lang ang kaibigan ko dito sa school, pero wala ngayon si Hayley, nasa US ata.

Lalapitan ko na sana si Troy pero may tumawag ulit ng pangalan ko.

"Sofie!"


"Francis?!"

Tumakbo siya papalapit sakin at medyo ginulo yung buhok ko sabay sabi ng, "I missed you too."

Aaminin ko, kinilig ako. Matagal na kaming hindi nagkita, pero alam kong may feelings pa rin ako sa kanya. Or shud I say, mahal ko pa rin siya.

"Bakit ka nandito?"

"Transferee. Kamusta ka na?"

Gusto ko sanang sabihin na 'eto mahal ka pa rin' pero siyempre joke lang.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon