OS 17 - Almost

71 2 1
                                    

Mausok. Maingay. Masikip.

But I managed to stay because I badly want to see him. Pero tngina, asan na ba sya?!


Lumipat ako ng table kung saan tanaw na tanaw ko ang bar counter and there he is, drinking, talking and laughing with a girl not familiar to me.

Nakakainis.

This is the first time I saw him with someone. Ngayon pa, kung kelan 2nd anniversary na ng pagsostalk ko sa kanya. Nakakagago naman ng timing nya.

Due to frustrations, kinuha ko lahat ng drinks na dala ng waiter na nag-iikot. Tinignan nya pa nga ako na parang nababaliw na ako dahil kinuha ko lahat. Kailangan ko to para makalimot.


Ang drama ko 'no? Nakakainis kasi. Nakakasakit ng damdamin. Pero mali pa rin, because he's not mine to begin with. I can get jealous because I have feelings for him, but I can't get mad at him for talking with a bitch because I'm simply nothing to him. Damn it!

Napatingin ako sa gawi nila only to catch him looking at me pero saglit lang. Ibinalik nya yung atensyon nya sa haliparot na kasama niya at bigla nalang silang umalis. UGH!!! Kung anu-ano tuloy yung pumapasok sa kukote ko! Bwisit yan!!!

May dumaan na dalawang waiter at kinuha ko ulit LAHAT ng dala nila and I asked them to bring another batch of those. "Pero Ma'am, baka po hindi niyo kaya--"

"Tangina Manong, kung dalawang taong paghihintay nga sa taong walang pakialam sakin, nakaya ko eh, ano pa kaya yung uminom ng iba't ibang alak sa isang gabi lang?! Kaya ko 'to! Di naman siguro aabot ng isang buwan yung hangover ko."

Nakarinig tuloy si Kuya ng hugot mula sakin. Nakakainis naman kasi!

Kinuha ko ang phone ko ay nagtext sa mga kaibigan ko.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon