OS 30 - Stitches

365 0 0
                                    

"I'd rather see you happy with someone else than seeing you sad with me, maybe it's for the best."

"But what if I'm happy with you, would you still want me to look for somebody else?"

***

Siguro nga not all friendships last. Siguro merong short-term lang, yung tipong after a few months, tapos na. The moment na wala na siyang makukuha mula sayo, or wala ka nang use para sa kanya, he'll just dump you like as if hindi ka niya nakilala.

And because of this situation, I just found out na even friendship can also be one-sided. Why? Kasi nung binalewala niya kami, ako, hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. I got attached, well, way before we became friends naman kasi, I'm already attached. Napapaisip nga ako minsan if mas okay ba na naging magkaibigan kami or mas mabuting hindi na niya ako nakilala in person, because maybe the latter would hurt less, at least walang memories na pwedeng balikan, walang memories na pwedeng dumurog sa akin kapag naaalala ko siya.

It's even worse when we come across each other in school, yung tipong back to zero. He doesn't even give me a glance, ganun ako ka-invisible sa kanya. Maybe it's partly my fault, ako yung unang dumistansya, pero hindi naman kasi ako lalayo if he won't give me any reason, he did. I don't know how, basta I felt it.

Umupo ako sa kama ko at nag-reminisce ng mga bagay na hindi na dapat alalahanin. Dati, pag bored ako, lagi ko siyang katext. Not all the time, pero madalas. Nakakamiss din kausap yun kahit nonsense. Especially those times na umiinom ako, siya lagi yung katext ko until I get sober. I don't know, there's just something in him which drawns me closer to him.


Binasa ko yung mga texts nya sakin, meron akong binura, pero sampu lang ata yon. I started deleting his messages pero after deleting the 10th message, narealize ko na hindi ko pala kayang burahin lahat ng memories. Bakit memories? Kasi itong messages lang ata ang meron ako, yung bagay na pwede kong balik balikan pag namimiss ko sya. Concrete evidence ba, wala na ring iba. Meron naman sa group chat namin, pero kokonti lang naman yun. Tsaka maraming nakakabasa, eh pag text, kayong dalawa lang yung nag-uusap, wala nang iba.


As I was reading our conversation, nalungkot na naman ako ulit. Nakakainis naman kasi, na-in love lang sya, hindi na sya nagpaparamdam. Psh. I know hindi tamang i-wish na hindi sila mag-workout nung babae nya pero sana hindi! Baka sakaling kausapin niya ako ulit gaya ng dati.

***
(next day)

Naglalakad kami ng nga jaibigan ko papunta sa photocopier kasi magpapaphotocopy kami, alangan naman bumili kami ng ice cream eh photocopier nga di ba? Busy ako sa pagbibilang kung ilang pages yung ipapaphotocopy namin nang bigla kong narinig yung boses nya.


"Hi guys! San kayo pupunta?"

Nakayuko pa rin ako pero I'm sure na sya yung nagsasalita. Wala na sana akong planong tumingin sa kanya pero kinausap niya ako.

"Wow, busy masyado ah? Studious!"

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatawa. Namiss talaga kita. Nagmake face naman ako sa kanya at hinampas sya sabay sabi ng, "Gago, binibilang ko lang."

Nagpaalam na sya dahil may klase daw sya. Agad naman akong tinukso ng mga kaibigan ko. Kinilig naman ako ng konti non.

Nung mga sumunod na araw, normal na ulit ang lahat. Nagpapansinan na ulit kami, yung parang tulad na ulit ng dati na hindi lang tango or smile, kulitan na ulit at asaran.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon