Bulalakaw

50 1 0
                                    

I was very in love with him. Yung tipong, I'm willing to give everything, even the whole world, just to see him smile.

I was so willing to fight for the relationship we had, but then my friends told me, "Wala ring kwenta pag ipinaglaban mo pa kung siya rin mismo isinuko ka na."

At that point, nagising ako sa reality. All these time pala, ako lang yung nag-eeffort, ako lang yung nag-iinvest,ako lang yung nag-aalaga ng kung anong meron kami, ako lang yung nagmamahal.

It all started very well. We were classmates back then. He's just a normal guy, hindi sya yung tipong pagkakaguluhan ng mga babae. Okay lang sya, hindi pangit, hindi rin masyadong gwapo. Sakto lang.

Niligawan nya ako, after 11 months, sinagot ko siya. But after a while, everything changed. Nawalan siya ng time para sakin, unti-unti na siyang lumayo. Biglaan ang lahat. I tried to revive the sparks, specifically his feelings, pero napagod na rin ako. Siguro dahil alam ko na wala na rin talagang pag-asa.

That's why I decided to break-up with him.... Kahit ayoko, kahit masakit. Kahit yung pride ko nalang ang matira saki, okay na, basta, wag lang siya yung makipag-break.

I got over him after two years. We never talked nor contact each other, until one day, despidida ng isa sa common friends namin, we saw each other.

He smiled at me.

We chatted for a few minutes, kamustahan and such. Everything was normal, hindi awkward. I was happy to see him, and he's happy to know na I'm doing good. Dati daw kasi, nabalitaan niya na naging miserable ako after our break-up and he felt sorry for that.

"Okay lang yun, tapos na yun."

"So sino nang boyfriend mo ngayon?"

"Wala eh."

I was about to ask him if he already has someone, but our friend already called us para sa mga bilins and such.

Before the night has finally ended, we exchanged numbers. Inasar pa nga kami ng mga kaibigan namin, kesyo daw magbalikan na kami. Hindi nalang namin pinansin.

We go out every now and then, bonding with friends, minsan kaming dalawa lang, but we never considered those as dates. Gala lang, ganun.

After three years of being like that, we finally considered each other as bestfriends. I met his girlfriend, at sya naman, hinahanapan pa rin ako ng boyfriend.

"Ang hirap mo naman kasing hanapan ng lalaki. Napaka-choosy mo!"

"Ganun talaga. Dapat mapili, para masaya."

Until one day, he told me that he's finally getting married.

I was hurt.

Hindi dahil hindi niya ako sinali sa plano ng pagpopropose niya, kundi dahil alam kong matagal nang nabuhay yung pag-ibig na pinatay ko five years ago. Minahal ko siya ulit, kahit alam kong mali.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon