EPILOGUE
PALAKAD LAKAD ako sa labas ng bahay namin habang hinihintay sina Celyn at Darwin. Hindi ako mapalagay at sobra akong kinakabahan na nalulungkot. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko pero... hindi ko pala talagang kaya na mawala siya. I mean, hey ngayon na ang araw ng pagtatapos! Ngayon ang araw na makukuha niya ang diploma niya at aalis ng school. Gusto kong umiyak, nanghihinayang ako. Bakit kasi hindi nalang kami magka-edad? Bakit kasi mas matanda siya saakin at bakit kasi mas bata ako?
Hinawakan ko ang strap ng DSLR na nakasabit sa leeg ko. Ngayon ang oras para maibalik ko na ‘to sa kanya, sana huwag akong bumigay sa harapan niya. Dalawang beses na akong umiyak sa harapan niya, tama na ang mga ‘yon dahil nahihiya ako sa tuwing naaalala ko.
Noong mga nakaraang araw kahit na wala na kaming pasok pumupunta pa din kami ng school para lang makasama ko sila. Alam kong busy sila sa kani-kanilang ginagawa pero binibigyan pa din nila kami ng oras. Lalo na si Ate Jami na laging naka-alalay saamin sa tuwing nagpupunta kami. Hindi siya maubusan ng kwento hangga’t may oras pa. Naiiyak tuloy ako kasi ang sama ko, hindi dapat ako nagkagusto kay Prim dahil para ko na ring benetray si Ate Jami.
“Riz,”
“Je,”
Napatingin ako ng bumaba mula sa tricycle si Darwin at tinawag nila ako. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila at walang pasabi sabing umupo kaagad mula sa tabi ni Celyn sa loob. Samantalang nahagip naman ng mga mata ko si Darwin na umikot at do’n umupo sa likod ng driver.
Pagkabang pagkababa namin, inilibot ko kaagad ang paningin ko sa lugar. Ang daming sasakyan na nakapark sa loob ng parking area ng school, maging sa labas ang daming sasakyan. Sa loob naman, nakikita namin sa kanila ang mga ngiti na hindi mawawala sa kanilang mga labi, ‘yong iba umiiyak na at ‘yong iba nagpapapicture pa.
“Tapos na?” tanong ko sa kanila hanggang sa matanaw ko na palapit saamin si Kuya Ero habang nakasuot ng toga. May humila pa nga sa kanya bago siya tuluyang nakarating sa pwesto namin e.
“Graduate na ako!” sigaw niya saamin kaya’t natawa kami.
“Halata nga po,” singit ni Celyn.
“May toga ka, oo nga siguro graduate kana,” ani Darwin.
“Congratualations,” nakangiti kong sambit. “Salamat sa lahat lahat Kuya Ero,” nangingilid na ‘yong luha ko habang sinasabi ‘yon. Napakagat nalang ako ng labi ng yakapin niya ako.
“Wag kang umiyak Lowriz, baka maiyak din ako...” aniya kaya’t pinigilan ko ‘yong sarili umiyak. Nang humiwalay na siya saamin biglang nagseryoso ‘yong mukha niya tapos hinila nalang ako sa gilid ng walang pasabi.
“Confess...” bigla niyang sabi kaya’t kumunot ‘yong noo ko habang nakatingin sa kanya. “Umamin kana sa kanya Lowriz, this is your last chance..”
“H-ho?” Ngumiti lang siya saakin habang ako naman hindi ko na alam kung saan ko itatago ang kabang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
ChickLitIn just one click. He already captured my heart.