Chapter 4

815 30 7
                                    

Chapter 4

TAPOS na yung last subject namin. Pero hindi pa kami umaalis dito sa classroom. Hinihintay kasi namin si Celyn e. Ewan ko na kung saan siya nagpunta. Sabi naman ni Darwin labas na kami kasi may magkaklase raw. Dinala nalang namin yung bag ni Celyn at do’n naghintay sa bleacher sa gilid.

 Medyo naiinip na ako kaya naman tumayo nalang ako at nilapitan yung mga nakapaskil sa bulletin board sa may tabi. Mahilig kasi akong magbasa basa ng kahit ano e.

 Puro mga announcement lang mga nandito. Malamang! Pero may isang naka-agaw ng atensyon ko.

 "Want to be part of the "The Flash" team of our college? Just inquire in our office immediately. We'll surely entertain you."

 "Oy, ano yan?" nakalapit na pala sa Darwin saakin.

 "The Flash daw? Ano yun? Sa toilet?" bigla siyang natawa sa tanong ko pero sumagot din naman.

 "Hindi! Ano ba. ‘Yan yung parang campsite ng College natin. Bakit gusto mo sumali? Requirement lang naman dyan ay masama sa mga clubs dito sa Campus tapos if ever na magustuhan nila yung trabaho natin mapapasama tayo dyan. " sambit niya. Noong highschool kasi ako kasali na ako sa journalist. Photographer ako pero hindi ko alam kung kakayanin ko ngayon. Feeling ko mas mahirap e.

Umiling ako sa kaniya.  "Hindi nalang siguro."

 "Sali kana! Sasali din sana ako e."

 "Talaga?"

 "Oo. Ano game? Try natin, malay mo matanggap tayo."

 "Hindi ko nga alam e. Atska matagal na akong hindi humahawak ng camera e."

 "Wow. Photography pala ang field mo?" tumango naman ako.

 "Oo. Atska malay mo masungit yung mag-entertain satin kaya wag nalang. Pero kung gusto mo, sige lang."

 "Ano ba yan. Sige na kasi Riz, feeling ko maganda opportunity yan e. Malay mo maging scholar pa tayo ng school."

 "Eh, scholar na ako ng munisipyo e."

 "Scholar ka nga dun ang tanong mabilis ba mabigay mga benefits niyo?"

 "Hm. Hindi."

 "See? Ano game na kasi.."

 Napahawak nalang ako sa batok ko. "Eh, ano kasi---"

 "Hi Guys." napatingin naman kasi do’n sa nagsalita sa likod namin. Akala ko si Celyn. Hindi pala.

 "Hi po."

 "Narinig ko kasi kayo, kung sasali ba kayo dyan o ano." sabay turo niya sa bulletin. Tumango naman kami ni Darwin. "Ako nga pala si Jami, comArts student and member ako dyan sa The Flash." pagpapakilala nito.

 "Freshmen ba kayo?" tanong niya.

 "Opo. Ako po si Charles at siya naman si Jeje." sinamaan ko naman ng tingin ni Charles kaya natawa si Ate Jami. "Joke lang. Siya po si Lowriz."

 "Great. Kung ako sa iniyo, sali na kayo. Kasi masaya talaga dyan at magkakaroon ka ng bagong friends na mas mabuti kasi nga freshmen palang kayo."

 "Paano po ba?"

 "Punta lang kayo sa office namin then iinterviewhin kayo ng mga field manager niyo. Tapos, itetrain nila kayo kung makapasa kayo sa interview. And then, if maganda yung peroformance niyo mapapasama kayo sa The Flash. By the way, ano bang club ang sasalihan niyo?" tanong niya sa amin.

"Ako po sa English!" mabilis na sambit ni Charles. Ode siya na. English e. Nosebleed!

 "Talaga? Masaya yan. Si Kaye Laurio ang manager ng English club. Don't worry, mabait yun at magaling." nakangiting sabi niya at humarap saakin. Narinig ko naman napayes si Darwin ng mahina kaya napatawa ako ng bahagya.

Ibinaling ni Ate Jami yung tingin niya sa akin. "Ikaw naman, ano field mo?"

 "Hmm, ano po.. Photography."

 "Photography? Cool! Astig naman yung manager mo. Hindi ka mag-sisisi kung itatry niyo." sambit niya tapos parang iba ‘yong ngiti niya ngayon kesa kanina. Anong meron?

 "Hindi ko pa po alam e. Pag-iisipan ko muna po," nakangiting sabi ko.

 "Ako hindi na ko mag-iisip. Sasali na ko." biglang sambit ni Darwin. Desidido na talaga ‘to, ano?

 "Teka po, Ate Jami sino po pala yung Manager ko?" tanong ko sa kaniya. Baka kilala ko pala, edi go!

 "Ah, yeah. Oo nga pala.  The name is, Prim Madriaga ang President ng Photography club.”  Teka, ano daw? Parang nabingi ako ata do’n.

 "Sino po ulit?" tanong ko.

 "Prim Madriaga." pag-uulit niya. Bigla nalang bumilis tibok ng puso ko. This time. Hindi ko na kailangan mag-isip kung sasali ba ako o hindi. Because, in this very moment, nakapagdesisyon na ako....

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon