Chapter 23
HINDI ko na kinakaya ‘yong nararamdaman ko sa tuwing kinukuhan niya ako ng litrato mas lalo lang akong nahuhulog, at sobrang natatakot ako na walang sasalo sa akin. Tumalikod ako mula sa pagkaka-upo ko para hindi na niya ako makuhanan.
Huminga ako ng malalim at kinakalma ‘yong sistema ko. Lowriz, relax lang. Hinga ng malalim, kalma lang please. Puso ko naman, pwede matahimik ka muna? Wag ka muna tumibok kahit ngayon lang, napakagat nalang ako sa kuko ng kamay ko.
“Lowriz,” nararamdaman ko na siya sa likod ko kaya naman mas lalong nagwala ‘yong sistema ko. Hindi na talaga ako makapag-isip ng matino, tumayo ako at hinarap ko siya. Kinakagat ko ‘yong ibabang labi ko, pakiramdam ko kasi bababa na ‘yong namumuong tubig sa mata ko ano mang oras.
“Pwede bang wag mo na akong kuhanan ng litrato kahit kailan?” bigla kong tanong. Nakita kong hindi niya inaasahan ‘yong sinabi ko, maging ako din naman hindi ko na alam kung ano bang ginagawa ko at sinasabi ko sa kanya ‘to.
Siguro kasi.... masyado ng malalim ‘yong pagkahulog ko. Ayokong malunod, ayokong malunod sa nararamdam ko para sa kanya.
“A-ayaw mo ba?” tanong niya sa kanya, ‘yong ekspresyon ng mukha niya parang nag-aalala.
“Pwede bang... wag ka na ding maging mabait sa akin?” tinitignan ko siya sa mata habang sinasabi ko ‘yun. “P-please lang.... K-kuya Prim.” Sabay talikod ko at naglakad palayo sa kanya. Gusto kong iuntog ko yung ulo ko, bakit ko ‘yun ginawa? Anong gusto kong patunayan? Baka anong isipin niya! Gustuhin ko mang bumalik sa kanya pero may sarili atang utak ang mga paa ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Kuya? Kuya Prim? Gusto ko nalang matawa sa sarili ko. Sinong niloko mo Lowriz. Great! Just great, what did you just do?
Napalingon naman ako bigla ng may humatak sa kamay ko, nakita ko siya hinihingal pa. “May problema ba? Lowriz, pwede mong sabihin sa akin...”
Napabuntong hininga ako at pinilit na ngumiti. “W-wala, sumama lang ‘yong pakiramdam ko. Pwede na bang umuwi? ‘Y-yung kanina, ang ibig kong sabihin... wag mo na akong ihahatid dahil alam ko kapag sinabi ko saiyo na hindi na maganda ‘yong pakiramdam ko, ihahatid mo ako kasi mabait ka, ‘di ba? ‘Yun lang ‘yun.” Sabay tanggal ko sa kamay niya na nakahawak sa akin, “Mauna na ako, huh? Pasensya na talaga.” Binigyan ko siya ng isang ngiti bago ako tuluyang naglakad.
Hindi ko kaya pala kayang umiwas, sinubukan ko pero binawi ko din kaagad. Ipinaliwanag ko pa sa kanya. Ang tanga mo Lowriz, ang tanga tanga mo! Bakit ganyan ka? Bakit?! Bakit hindi ko mapanindigan ‘yong sinabi ko? At bakit kasi ang bait bait niya sa akin? Sabihin niyo nga, bakit ganoon?
Pagkarating ko sa bahay, napahinto ako, Napako lang ‘yong mga mata ko sa taong naka-upo sa sofa na nakikipagharutan sa kapatid ko. May pagkain pa na nakalagay sa lamesita, nagtatawanan sila, ang saya saya nila.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanila. Lumingon sila at nakita nila ako, mabilis na tumayo si Darwin maging si Celyn din, nilapitan nila ako.
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
Chick-LitIn just one click. He already captured my heart.