Chapter 30
NAPATINGIN ako ng may biglang kumulbit saakin habang inaayos ko ‘yong gamit ko para makalabas na, hindi ko inaasahan na siya ‘yong taong nakatayo sa likuran ko. Si Celyn- Nakangiti siya saakin at hinihintay ko lang ‘yong sasabihin niya.
“Mag-usap tayo,” aniya habang inilagay ko sa braso ko ‘yong strap ng bag ko at hinarap na siya. Ngumiti ako at tinap ‘yong balikat niya.
“Ayoko,” pabiro kong saad at aalis na sana ng hawakan niya ‘yong kamay ko. Pagkatapos nabigla nalang ako sa ginawa niya ng yakapin niya ako ng mahigpit, nahulog tuloy ‘yong bag ko sa sahig. Pero hindi ko na ‘yon inintindi bagkus yumakap nalang ako pabalik sa kanya, sa kaibigan ko.
Walang nagsasalita saamin hanggang sa marinig ko nalang ‘yong paghikbi niya habang nararamdaman ko na nababasa ang damit ko kung saan nakapatong ang ulo niya.
“I miss you Lowriz,” mahina niyang sambit sa kabila ng kanyang hikbi. “And I’m sorry,” dugtong niya at naramdaman ko na mas lalo siyang naiyak. Hindi ko na din napigilan ‘yong sarili ko at napaiyak nalang din ako.
“It’s okay Celyn,” bulong ko sa kanya habang nag-iiyakan kami. Nang magkahiwalay na kami sa isa’t is parehong namumula ‘yong mga mata namin pagkatapos ay sabay kaming natawa.
Kay tagal ko ‘tong hinintay. Ilang buwan din akong nangulila sa presensiya niya kahit na napakalapit niya lang saakin. Hindi ko alam kung anong naging problema niya saakin noon at bigla nalang siya nagalit pero sana ngayon maayos na namin lahat dahil sobrang namimiss ko na sila.
Siya.... si Darwin, kaming tatlo. Gusto kong ibalik ‘yong dati naming pagsasamahan kahit na hindi ko alam kung mangyayari pa ba pero hindi naman siguro masama ang sumubok hindi ba? I want to give it a try again. Pero bago ‘yon kailangan ko munang malaman kung ano ba ‘yong ikinagalit nila saakin.
“Charles, he really likes you...” panimula niya kahit na dumadagundong ‘yong puso ko sa sinabi niya. “He kept on pushing you to Prim dahil buong akala niya, mawawala din ‘yong nararamdaman niya para saiyo kahit na nasasaktan siya habang nakikita niya kung paano mo tignan ‘yong tao, sige pa rin. Dahil gusto niya, maging masaya ka kahit na ‘yong puso niya nagdurusa.” Bigla siyang napangisi at humarap saakin, “Ang lalim ‘di ba? Kasing lalim na ng dagat!” sabay tawa niya upang pagaanin ‘yong atmosphere. “Kapag kasama ka namin nakikita ko na iba ‘yong ngiti niya, I mean no’ng una palang talaga nagdududa na ako sa kanya hanggang sa nakompirma ko nga na may gusto siya saiyo, dahil dito..” may inilabas siya sa loob ng bag niya, isang USB. Nagtaka naman ako kung anong ibig sabihin ng USB na ‘yon. Inilagay niya sa kamay ko tapos nagsalita siya ulit. “Malalaman mo dyan kung gaano siya kaduwag para aminin saiyo ‘yong nararamdaman niya at kung gaano ka katanga at kamanhid para hindi man lang ‘yon mapansin,”
Tumayo siya no’n mula sa pagkaka-upo sa tabi ko at pinagpagan ‘yong konting hibla ng damo na nasa palda niya. Umalis kami kanina sa room dahil may magkaklase kaya’t dito namin naisipan na tumambay kung saan ako palaging pumepwesto simula no’ng umiwas sila saakin.
“Alam mo ba kung bakit ako nagalit saiyo?” tanong niya kaya’t napa-angat ako ng ulo para tignan siya. Dahan dahan akong umiling dahil hindi ko naman talaga alam ang dahilan. “It took him so long para aminin saiyo ‘yong nararamdaman niya, tapos tinanong mo ako kung nagbibiro ba siya. Lahat ng lakas ng loob na inipon niya nabaliwala sa tanong mo na ‘yon Lowriz, kahit hindi niya narinig. Para sa part ko masakit, and I hated you. Kahit mali, nagalit ako saiyo. Kahit na wala akong karapatan, nainis ako. You know why? Masakit makita ‘yong tanong gusto mo na umamin sa kaibigan mo, parang unti-unting pinapatay ‘yong puso mo,” nabigla ako sa sinabi niya. As in para akong kinilabutan na hindi ko maipaliwang, ibig sabihin.... ‘Yong text niya noon saakin, totoo? Atsaka naalala ko bigla ‘yong logic na tinanong niya saakin noon, shit Lowriz! Dapat do’n palang alam mo na! Tinignan ko siya kahit na hindi pa din ako makapaniwala, magsasalita na sana ako ang kaso walang boses na lumalabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
Literatura KobiecaIn just one click. He already captured my heart.