Chapter 22

514 15 0
                                    

Chapter 22

 

NAG-UNAT ako kamay at nakahinga na ng maluwag, kakatapos lang ng exam namin. Masaya naman ako kahit hindi ko pa nakikita ‘yong mga scores ko pero nag-aral naman ako e. Kaya siguro kahit papaano pasado naman.

Tinignan ko sina Darwin at Celyn na nasa labas na ng room, nakatayo sila sa tabi noong pinto. Ngumiti ako habang palapit sa kanila na dala dala ‘yong bag ko.

“Party party tayo,” anunsyo ni Celyn sa amin. “Hell week is done!”

“Speaking of party, birthday ni Ate Kylie, isa sa mga english staff. Ano, punta tayo?” sabat ni Darwin habang naglalakad na kami sa may corridor.

“Uy, masaya ‘yan! Punta tayo Lowriz?” ibinaling ni Celyn ‘yong tingin niya sa akin maging si Darwin din ganoon ang ginawa. Nakatingin sila sa kin na dalawa na parang hinihintay ‘yong sagot ko.

Umiling ako ng mabilis. “Sorry, I’m busy.” Giit ko at binelatan sila. Nakita ko naman na sabay silang napasimagot at alam kung sabay silang magrereklamo sa sagot ko.

“Riz, paminsan minsan wag Kj!” ani Darwin.

“Kaya nga! Nako, punta na tayo. Sige na please. Kahit di natin kilala, para naman maka-experience tayong mag-gate crash!” nakadikit pa ‘yong dalawang palad ni Celyn na parang nagdadasal. Natatawa nalang din talaga ako sa reaksyon nila.

“Sorry guys, pero hindi talaga ako pwede ngayon e. Marami pa akong gagawin sa bahay, kung gusto niyo kayo nalang dalawa..” sambit ko.

Narinig ko nag pagbuntong hininga ni Darwin at inakbyan niya si Celyn. “Tayo nalang nga pumunta, date tayo!” aniya sabay tawa. Parang nagpintig ‘yong tenga ko sa sinabi niya kaya’t napatingin ako sa kanilang dalawa ng wala sa oras. Nakita kong namumula ‘yong mukha ni Celyn pagkatapos ay siniko si Darwin.

“Nako Charles ah! Crush mo ‘ko no!” sagot ni Celyn at tumawa din.

Napangisi nalang ako at hinarap silang dalawa. “Alam niyo bagay kayong dalawa,” sabi ko. “Mauna na ako ah? Ingat!” pagkatapos mabilis na akong tumalikod mula sa kanila. Hindi ko na tinignan ‘yong reaksyon nila sa sinabi ko. Para saan pa ‘di ba? Kung masaya sila, edi masaya na din ako.

Binilisan ko ‘yong lakad ko para hindi sila makasunod sa akin. Pagkarating ko do’n sa may gate, mabilis na akong lumabas ng campus. Dumating naman kaagad ‘yong dyip kaya’t sumakay na ako. Medyo madami ngang pasahero pero may bakanteng pwesto pa naman sa tabi, buong byahe nakatulala lang ako. Gusto kong mag-isip pero hindi ko naman alam kung ano ‘yong iisipin ko.

Naramdam ko nalang na may umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin, ni hindi ako lumingon kung sino ‘yun.

Naalala ko hindi pa pala ako nagbabayad, kinuha ko ‘yong wallet ko at naglabas ng bente pesos. Iaabot ko na sana ng may biglang humawak sa kamay ko, nabigla ako kaya’t mabilis akong napatingin kung sino.

“P-prim...” mahina kong pagbanggit sa pangalan niya. Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay nag-abot ng bayad.

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon