Chapter 5
MABILIS akong naglakad para iwasan si Darwin. Paano ba naman kasi kinukulit parin akong sumali sa photography club! Eh, ayaw ko nga. Hindi ko alam kung bakit ayaw pero, basta. Para kasing... ay ewan! Hindi ko ma-explain.
Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon. Hindi ba siya nagsasawa o hindi lang siya makaintindi na ayaw ko? Ilang araw na rin niya akong kinukulit eh.
Okay naman na siya nalang bakit kasi dapat kasama pa ko? Nakuha naman siya sa English club. Bakit hindi pa siya makuntento, bakit pati ako? Bakit hindi nalang si Celyn? Minsan hindi ko din siya maintindihan eh. Halos hindi na nga kami mapaghiwaly tapos pati ba naman dyan sa The Flash na 'yan dapat magkasama kami.
Napahinto ako bigla kasi sumigaw siya ng Jeje! Utang na loob! Nasa pathway na kami. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Nakakahiya kaya. Ugh!
Lilingunin ko na sana siya ng may narinig akong boses. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam na alam ko yung boses na 'yun! Nakarecord na yun sa isip ko, hindi na mabubura pa!
"Hi. Tawag mo ko?" sabi niya. Dahan dahan akong lumingon para makita siya. Hindi talaga nawawala yung scarf niya sa leeg! Parang gusto ko tuloy bumili. Nakaka-inggit na ewan.
Pero, teka bakit kausap niya si Darwin? At bakit nakatingin saakin si Darwin na may kasamang ngisi? Bigla akong kinabahan. Nung mga nakaraang araw kasi ina-asar niya ako na crush ko daw siya. Kilala n'yo na kung sino ang tinutukoy ko, ‘di ba? Yung si Prim!
Napalunok ako ng ibaling ni Darwin ang tingin niya sa kaniya. Uh-oh! Darwin you can't do this to me! Hindi mo ako puwedeng ipahamak. Jusko, subukan mo lang Theory makakatikim ka saakin ng upper cut with flying kick!
Bago pa man siya may masabi, mabilis akong naglakad papunta sa kanila, kahit na parang sasabog na yung puso ko sa kaba.
"Darwin! Halika na," sabi ko na hinila na ‘yong kamay niya pero nanigas ako nung biglang nagsalita si Prim!
"You look familiar." tinanggal naman ni Darwin yung pagkakahawak ko sa kamay niya at hinarap siya.
"Hindi po ikaw yung tawag ko kanina. Si Lowriz po," sabay turo niya saakin. Nakakainis to! Inemphasize niya talaga yung pangalan ko. "Jeje lang po yung tinawag ko sa kaniya kasi iniiwasan niya ko."
Tumango tango naman siya. "Ganun ba? Bakit LQ kayo?" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at mabilis na napasigaw na hindi! Napatingin naman siya saakin at parang nahiya ako sa pagsigaw ko. Yung feeling mo na namumula na ‘yong mukha mo, yun yung nararamdaman ko ngayon, parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha!
"I mean, ano po hindi ko po siya boyfriend. Kaya malabong magLQ po kami." paliwanag ko sa kaniya.
Nabigla naman ako nung hawakan niya yung magkabilang braso ko. Lalo ata akong nanigas dahil do’n, tapos parang nakaramdam ako ng kuryente sa mga kamay niya. Yung puso ko parang hinahabol ng sampung kabayo sa bilis. Diyos ko! Daig pa nito ang kabang nararamdaman ko kapag recitation.
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
Chick-LitIn just one click. He already captured my heart.