Chapter 19
PARANG hindi ako makahinga, lalo na nung narinig ko din yung boses ni Prim. Nagpapanic yung sistema ko, nanginginig yung kalamnan ko, hindi ko alam kung bakit. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko, para akong nafufrustrate sa bagay na hindi ko alam.
"Charles, nandito ba si Lowriz? Pinuntahan ko siya sa main gate pero wala na siya do’n e," lalo kong sinuot yung sarili ko sa tabi ng bag ko. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. Ultimo ang paghinga ko, ayaw kong marinig nila. Ayokong makita nila ako dito, hindi ko alam kung bakit pero ayoko.
Hinintay kong sumagot si Darwin makalipas ata ang ilang segundo do’n lamang siya nagsalita.
"Hindi e. Wala siya dito," aniya.
"Ganun ba? Sige," nakarinig ako ng mga yapak palabas at ang pagsara ng pinto.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko, tumayo lang ako mula sa kina-uupuan ko ng maramdaman kong ako nalang ang nandito. Walang Prim na naghahanap saakin, wala ding Darwin na kaibigan ko. Naguguluhan kasi ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa narinig ko kanina. Matutuwa ba ako dahil yung dalawang kaibigan ko nagkakamabutihan o maiinis ako kay Darwin dahil hindi niya sinabi saakin na may gusto na pala siya kay Celyn? Magkaibigan kami ‘di ba? Bakit nililihim niya?
Yun siguro yung sinasabi ni Celyn bago kami pumunta dito. Yung tinaboy siya ni Darwin, para siguro hindi ko malaman kong ano 'yun. Bakit siya naglilihim saakin? Hindi niya ba ako mapagkakatiwalaan?
Inayos ko yung sarili ko bago ako lumabas ng silid na 'yun. Hindi ko ipinahalata sa iba na may gumugulo sa isip ko. Siguro, sanayan nalang. Lagi naman kasi akong may iniisip. Siguro, nasa akin din ang problema. Kung hindi ko naman kasi iisipin wala naman akong iisipin. ‘di ba? Ang gulo lang talaga.
"Nasaan ka kanina?" napatingin ako sa nagsalita. Si Darwin pala, nandito ako ngayon sa canteen. Bumili ng inumin. Feeling ko kasi mawawalan na ako oxygen kaya't magpapalamig muna at baka mahimasmasan na din.
Napalunok ako sa tanong niya pero hindi ko ipinahalata na hindi ako komportable.
"Bakit mo tinatanong?" tanong ko pabalik. Nakita ko siyang namutla at bigla akong tinuro kaya't napa-atras ako ng bahagya sa kina-uupuan ko.
"Wag mong sabihing nasa.... nasa...." hindi niya maituloy tuloy yung sinasabi niya. Siguro, ayaw din tanggapin ng sistema niya.
"Saan?" tanong ko ng nakataas ang kilay. Bumuntong hininga siya at ibinaba ang daliri niya na nakaturo saakin.
"Wala.." aniya. "Hinahanap ka din pala ni Prim kanina.."
Tumango nalang ako sa sinabi niya. Hindi pa nga pala ako nagpapakita kay Prim. Lagot na ako nito. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa, at nanlaki ang mata ko dahil may limang missed called galing sa kaniya. Patay na talaga ako. Masyado akong space out sa pag-iisip kaya't hindi ko na napansin na may tumatawag na pala sa cellphone ko.
Tinignan ko si Darwin. "Tatawagan ko nalang," Nakita ko siyang tumango bago ako tumayo palabas ng canteen.
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
Literatura FemininaIn just one click. He already captured my heart.