Chapter 21
"LOWRIZ, ano sagot sa number 7?" kumunot yung noo at nilingon ko ‘yong nagtatanong saakin minu-minuto. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hehe. Yung sa number 5 nalang pala.." mas lalo ko sinamaan yung tingin ko sa kanya.
"Darwin!"
"Ay, sige number 8 nalang nga!" aniya.
Hindi na ako nakapagpigil at dumapo na kamay ko sa ulo niya. Nakakainis na kasi e. Kanina pa siya. Buti nalang nga at hindi pa ito yung totoong exam namin, gawa gawa lang namin yung mga tanong tapos siya naman walang ginawa kundi ang tanungin ako ng sagot minu-minuto samantalang siya ang gumawa ng iba dito.
"Aray naman je, hinay hinay lang naman daw! Baka maalog utak ko at mawala lahat ng inaral ko." aniya. "Hindi ko naman ginusto ang makakuha ng bokya sa midterm no!" sabay kamot pa ng buhok.
"Wag ka kasing makulit diyan e!" giit ko habang ibinalik yung tingin do’n sa sinasagutan namin. Si Celyn kasi wala maaga umuwi dahil susunduin daw nila yung papa niya sa Airport. Ofw yung papa niya sa ibang bansa kaya ayun, minsan lang daw umuwi papa niya kaya sobrabg excited siya. Maging ako naman siguro kung ganoon ang sitwasyon baka nga maiyak pa ako sa tuwa.
"Ang seryoso kasi," rinig kong sabi niya. "Sorry na Riz.."
Hindi ko naman napigilan yung sarili ko at nilingon ko siya. "Oo na, basta kasi tapusin natin 'to at may dadaanan pa ako sa Photo club mamaya. Ikaw ba walang article na ginagawa?" tanong ko.
Sinandal niya yung likod niya sa upuan. "Wala pa. Pero baka pagkatapos ng midterm, katambak. Malapit na kaya Intrams.."
Oo nga pala. Panigurado marami marami din kaming gagawin nito. Magiging sobrang busy na naman kami niyan. Nang matapos na kami, chineck din namin tapos ayun may mali kaming nakuha pero ayos lang kasi hindi naman ganun kadami.
Sinamahan ako ni Darwin na magpunta sa Photo Club office, binati namin kami ng mga kastaff ko do’n tapos ayun tinukso na naman kami pero tinawanan lang namin.
Sanayan nalang din siguro e. Hindi naman awkward samin kaya ayun. Ayos lang. Umupo si Darwin do’n sa upuan sa gilid, hinayaan ko nalang. Dinadaldalan din kasi siya nung ibang kasamahan ko. Palakaibigan naman kasi yan.
Nagpunta ako do’n sa table ni Prim at inilapag do’n yung dslr niya. Napangiti ako ng maalala ko nung pinahiram niya sa akin 'to nung nasa seminar pa kami. Siguro, ito na yung tamang panahon para ibalik ko na.
Aalis na sana kami ni Darwin ng biglang bumukas yung pintuan. Pumasok si Prim, kasunod si Ate Jami.
"Hi guys!" bati niya sa amin. Ngumiti ako sa kanya.
"Hello Ate!"
"Hey Lowriz," aniya. "Andito din pala si Charles! Hi,"
Sasagot na sana si Darwin ng biglang nagsalita si Prim. Nakatayo siya sa gilid nung table niya, hawak niya yung camera na ibinabalik ko. Nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. Napalunok ako sa mga titig niya. Hindi ko kinakaya kaya nag-iwas ako ng tingin. Baka kasi kapag nakipagtitigan ako, malunod ako sa mga tingin niya. Baka mawala ako sa sarili. Lagi pa naman akong nawawala sa wisyo kapag kasama ko siya.
"Bakit nandito 'to?" tanong niya. Hindi ko alam kung galit siya o ano. Malumanay naman yung pagkakatanong niya pero hindi ko maintindihan. Parang hindi niya nagustuhan na nakita niya yung camera niya sa table niya.
Ramdam na ramdam ko ang mata ng lahat na nasa akin nakatutok. Bumilis yung pintig ng puso ko, para akong natatakot na ewan.
"Teka, iyan ba yung camera mo dati je? Nung first year tayo?" biglang tanong ni Ate Jami kaya nabaling yung atensyon ng lahat sa kanya.
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
Chick-LitIn just one click. He already captured my heart.