Chapter 24

424 8 1
                                    

Chapter 24

  KINAKABAHAN ako, lunes na ngayon at kailangan kong pumasok pero may pumipigil sa akin. Nangngangatog ‘yong tuhod ko, anong dapat kong gawin kapag nakita ko sila? Dalawang araw ko na ‘yang pinag-iisipan at hanggang ngayon wala pa ding akong sagot.

Nilakasan ko nalang ‘yong loob ko habang inihahakabang ko ‘yong paa ko papasok sa loob ng classroom namin, nando’n na ‘yong ibang classmates ko na may sari-sariling mundo. Kaagad ko ding natanaw si Celyn na nakikipag-usap kay Jonalyn, ‘yong isa naming kaklase parang may tinatanong ata siya.

Tinignan ko ‘yong upuan ko atsaka ‘yong sa kaliwa, wala pa siya. Wala pa din si Darwin. Itinuloy tuloy ko na ‘yong paglalakad ko patungo sa pwesto ko ng batiin ako ni Kat.

“Good morning Lowriz,” aniya sa akin. Gusto ko na sana siyang batukan dahil ang ingay niya, paano ba naman kasi naalingon si Celyn sa direksyon ko. Hindi ko nga siya magawang tignan kaya’t binati ko nalang pabalik si Kat.

“Morning,” tipid na sagot ko at dinaanan ko ‘yong pwesto niya. Hanggang sa maka-upo na ako sa lugar ko, hindi ko magawang tignan si Celyn. Tuloy tuloy lang siyang nakikipagkwentuhan kay Steph na nasa harap niya.

Hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako pinapansin. Ilang beses ko bang uulitin sa isip ko ‘yan hanggang sa matanggap ko ‘yong sistema ko? Usually kasi, kapag kadating ko palang kukwentuhan niya ako. Pero bakit ngayon, deadma lang ako sa kanya? Dahil ba dun sa text niya sa akin kagabi?

Mabilis ang ginawa kong paghinga, ibubuka ko na sana ‘yong bibig ko ng dumating si Darwin.

“Hi je,” bati niya sa akin pagkatapos ay umupo sa tabi ko. Binati niya din si Celyn, ningitian naman siya nito at nakipagkwentuhan na ulit.

“Ang tahimik mo, may problema ba?” tanong ni Darwin sa akin nakita kong napatingin sa direksyon namin si Celyn kaya’t umakyat ang kaba sa dibdib ko. Ayoko ng ganito, lalo pa’t hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa amin. Parang kahapon lang, okay naman kami. Tapos sa isang iglap, ganito na.

“W-wala ah!” sagot ko ng hindi ko siya tinitignan. Halos mapatalon naman ako mula sa kina-uupuan ko ng biglang akbayan ako ni.... Celyn. Tinignan ko siya ng gulat na gulat, pero siya nakangiti lang sa akin na parang walang problema.

Inilapit niya ‘yong bibig niya sa tenga ko. “‘yong text ko saiyo kagabi, wag mong seryosohin. Biro lang ‘yun, gusto lang kitang pagtripan.” Aniya.

“Totoo?” nagbabakasakaling tanong ko sa kanya. Kahit iba ‘yong feeling ko gusto ko nalang maniwala sa sasabihin niya, para na din sa ikatatahimik ko. Tumango siya nun sa akin.

“Yup, tignan mo nga si Darwin sa palagay mo ba magkakagusto ako dyan?” aniya sa akin sabay tawa. “Diba nga ‘yong mga crush ko ‘yong tulad nina Ero, ayaw mo naman kasi akong ilakad sa kanya e.”

Pareho kaming tumawa nun, hinarap ko siya tapos tinanggal na niya ‘yong pagkaka-akbay niya sa akin. “Thank you Celyn, akala ko.... akala ko totoo ‘yun e. Kasi pagnagkataon, hindi ko alam kung anong gagawin ko.”

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon