Chapter 3
ALAS otso na ng dumating ako sa Auditorium para sa College Orientation namin. Sinadya ko talaga na malate ang dating kahit na alam kong alas syete ang nakalagay dun sa bulletin board para sa Orientation na 'to. Alam ko naman kasing hindi mawawala ang Filipino time, and I'm right. Dahil wala hindi pa din nagsisimula.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad saakin ni Celyn ng tumabi ako sa kaniya.
"Hindi pa naman nagsisimula e." sagot ko. Ang ingay nga dito e.
Daldalan ng daldalan yung mga estudyante na para bang wala ng bukas. Dahil section 1 kami ay andun kami sa may harap. Alphabetical order pa. Nagsisimula sa D ang apelido ko at si Celyn naman ay E kaya kami magkatabi. Bigla nalang may tumawag saakin kaya lumingon ako sa likod, Si Darwin pala at nginitian ako. Ngumiti lang din ako pabalik.
"Alam mo hinahanap ka ng lalaking yun kanina pa," sabi naman ni Celyn. Akala ko hindi ako ang kinaka-usap niya kasi hindi naman siya saakin nakatingin kundi dun sa harap kaya napatingin din ako tinatabi nung mga estudyante yung mga musical instrument. Ewan ko kung bakit.
"Ui! Nakikinig ka ba?" biglang sabi ni Celyn at ngayon nakatingin na siya saakin. Napatingin din ako sa kaniya. "Ako ba kausap mo?" tanong ko sabay turo sa mukha ko.
"Sino pa ba. Sabi ko hinahanap ka nung lalaking tumawag saiyo kanina. Nakalimutan ko na pangalan e." She's referring to Darwin siguro. Siya lang naman tumawag saakin.
"Boyfriend mo ba yun?" nanlaki naman yung mata ko sa tanong niya. Naah! Third meeting palang namin 'to ni Charles tapos boyfriend ko na nga?
"Err. Yun?" sabay turo ko sa likod. "Hindi no! He's just friendly." sagot ko naman.
"Ahh. I thought..." napahinto naman siya sa pagsasalita nun at para bang may gustong itanong..
"Spill it. May gusto kang itanong ‘di ba?" sabi ko. Tumingin naman siya saakin at parang na-amused dahil alam ko na may gusto siyang itanong.
"Bakit mo alam?" Natawa naman ako dun.
"Halata kaya! Dali na itanong muna. We're friends right?" nakangiting saad ko. Tumango tango naman siya nun at nakangiti din ng sobrang lapad.
"Gusto ko lang sanang itanong kong may boyfriend kaba?" nag-aalangan pa siya nun.
"Wala!" mabilis na sabi ko. "I guess?" dagdag ko pa. Para namang nalito siya sa sagot ko. Ang cute niya ngang tignan e.
"Ang gulo naman ng sagot mo." sabi at nagkamot ng ulo. Natawa nalang talaga ako sa kaniya nun. At hinayaan nalang siyang malito.
Huminto lang ako sa pagtawa ng bigla nalang akong may narinig na kumakanta dun sa harap na may kasamang tunog ng gitara.
Naiinis na ako sa iyo. Bakit mo ba ako ginaganito.
Ikaw ba ay naguguluhan sa aking tunay na nararamdaman sa iyo.
Ano pa bang dapat gawin pa. Sa aking pananamit at pananalita.
Upang iyong mapagbigyang pansin ang aking paghanga at pagtingin
sa iyo....
Wag mo na sanang akong pahirapan pa..
Kung ayaw mo saakin ay sabihin muna..
Wag mo na sana akong ipa-asa sa wala..
Oo na mahal na kung mahal kita...
Napatayo naman ako bigla nun nung makita ko yung kumakanta. Nabigla nga ata saakin si Celyn at bigla bigla nalang ako tumayo.
"Ui, Lowriz bakit ka tumayo?" tanong niya pero hindi ko pinansin.
Nakafocus lang yung paningin ko dun sa kumakanta sa harapan at tumutugtog ng gitara. Napaka-angelic talaga ng boses niya at may scarft na naman siya na nakasabit sa leeg niya. Ewan ko ba pero attracted ata sa lalaking 'to kahit na kahapon ko lang siya nakita.
Mukha nga akong tanga nun e, dahil puro tango lang ang nasagot ko. Hindi ko na nga siya inisip pero bakit ngayon naman ay nagpakita ulit siya at kumakanta pa.
Tumatawa tawa pa siya nun at parang binibiro lang niya yung kanta. Halos lahat naman ng estudyante dito ay nakikinig lang sa kaniya. Yung iba parang kinikilig pa nga..
"Thank you for listening. This song is brought to you by Biogesic. Ingat!" tawa naman yung mag nanunuod ng bigla niyang sinabi yun pagkatapos niyang kumanta. Napa-upo naman ako bigla ng hilahin ni Celyn yung kamay ko.
"Anong nangyari saiyo at tumatayo ka nalang bigla?" takang tanong niya.
"Ha? Ah eh..Wala lang.." ngumiti nalang ako sa kaniya ng pilit. "Trip ba.."
Natapos ang orientation. Sinabi lang nila yung mga dapat namin malaman tungkol sa College namin pati narin yung mga rules and regulation. Sinasabi ko na sa iniyo na boring lang at ayoko talaga sa mga ganitong program pero may aaminin ako sa iniyo. Hindi ako nagsisisi na umattend ako. And thanks to Celyn dahil napilit niya ko....
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
ChickLitIn just one click. He already captured my heart.