Chapter 7

718 24 3
                                    

Chapter 7

 KAKAUWI  ko lang sa bahay. Medyo pagod ako ngayon, nag-excercise kami kanina sa P.E subject namin. Eh, matagal na akong hindi nakaka-ehersisyo kaya siguro medyo masakit ang katawan tapos amoy pawis pa 'ko.

 Nagmano muna ako kay Mama at Papa bago ako pumasok ng kwarto ko at maliligo na sana kaya lang bigla akong napatalon sa gulat ng may makita akong bulilit na nakatayo sa likod ng pinto. Akala ko dwente!

 Nakatakip yung mga kamay niya sa bibig niya at halatang nagpipigil ng tawa dahil mapula na yung mukha niya.

 "Baliw ka ba? Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kaniya at iniligay na yung gamit ko sa taas ng cabinet na nasa gilid ng kama ko.

 "Gugulat kita Ate." tapos tumawa siya. "Gulat ka no?"

 Napa-iling nalang ako at nilapitan ko siya. Kinurot ko yung pisngi niya. "Ikaw talaga. Ang hilig mo akong pagtripan," pinang-gigilan ko yung pisngi niya kaya't sumimangot siya at tinanggal yung kamay ko at ako naman ako kinurot.

Tapos ginaya niya kung paano ako nagsalita kanina. "Ikaw talaga ang hilig mo akong kuritin Ate." sabi niya sabay takbo palabas ng kwarto ko habang tumatawa.

"Levi!" sigaw ko sa pangalan niya pero hindi na siya bumalik. Narinig ko nalang yung maliit niyang bungisngis.

PAGKATAPOS kong naligo, nagpunta na ako sa kusina para kumaen. Narinig ko kasing tinawag na ako ni Mama. Habang naglalakad ako naamoy ko na kaagad ang mabangong amoy ng adobo, umalingasay ang amoy nito sa bahay. Maliit at simple lang kasi ang bahay namin. May dalawang kwarto lang ito at wala ng kakaiba pa.

 Naglilipit na ako ng pinagka-ininan namin at inilagay lahat ng hugasin sa lababo. Hinugasan ko na ang mga 'to at nagtungo sa sala kung nasaan ang pamilya ko.

 Tumabi ako kina Papa habang nanunuod ng TV. Si Levi naman, ayun tulog na. Napagod siguro kakalaro, malikot kasi ang kapatid kong iyon. Limang taong gulang na siya at kasalukuyang prep sa mga panahon na 'to.

 "Kamusta ang pag-aaral mo Lowriz?" napatingin ako kay paa ng tanungin niya ako.  

 Ngumuso ako bago sumagot. "Okay naman pa. Oo nga pala pa, nasan na yung camera? Gagamitin ko kasi."

 Naramdaman ko din ang titig saakin ni mama kaya't tinignan ko siya. "Sasali ka ulit?" Tumango ako.

 "Opo. Parang trial palang naman." sabi ko. "Ang kulit po kasi nung classmate ko eh. Hindi ako tinantanan," bahagya akong napangisi ng maisip ko kung paano ako napapayag ni Darwin. Baliw kasi yun. Kelangan pa akong iblackmail.

 "Ganun ba? Maganda 'yan anak." sabi ni papa ng nakangiti saakin tapos ibinaling ‘yong tingin niya kay mama. "Ma, kunin mo yung camera ng anak mo," tumango si mama na halatang masaya at nagtungo na sa kwarto nila.

Pagkabalik niya dala niya yung digicam na medyo luma na. Ito yng gamit ko nung highschool ako. Pwede naman siguro itong gamitin ngayon ‘di ba? Wala naman kasi akong dslr, hindi ko naman pwedeng sabihin kay papa na ibili niya ako. Nakakahiya 'yon. At isa pa, kung may nagagamit pa naman edi iyon ang gamitin. Hindi naman kasi ako maarte at nauunawaan ko naman ang mga bagay bagay na hindi pwedeng ipilit.

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon