Chapter 13

585 22 5
                                    

Chapter 13

UMALIS na siya pero hindi pa din ako maka-alis dito sa kinatatayuan ko. Tila, napako na ‘yong paa ko sa sahig, namanhid na din ‘yong binti ko at halos lumabas na ‘yong puso ko sa sobrang lakas ng kalabog.

North University, bakit dun pa? Talaga nga naman, oh. Bakit feeling 'ko talaga pinag-lalaruan ako ng tadhana at pinapahirap ako ng husto dahil kung saan mas komplikado dun niya ako inilalagay. Mabait naman ako, ah? Pero bakit tila pinaparusahan ako? Mababaliw na ata ako!

Nabigla nalang ako ng may umakbay saakin. Kahit hindi 'ko na linungin kilala 'ko na kung sino nang magsalita ito.

"Narinig ko 'yun! Sama ka ah. Masaya 'yun," tinanggal ko yung pagkaka-akbay niya saakin, umiling ako at tinignan ko siya.

"Hindi mo alam 'kung anong sinasabi mo, Darwin. Trouble lang ang mangyayare kapag sumama ako at isa pa, hindi ko yata kaya.."

Nakita kong napakunot ang noo niya at halata sa reaksyon niya na hindi niya naiintindihan 'kung anong sinasabi ko.

"Ang lihim mo talaga. Bakit ba ayaw mong sumama? Umoo kana dun kay Prim eh. At isa pa, kasama kaya ako.."

Natigil ako saglit at tinignan siya ng hindi makapaniwala. Kasama siya?

"Seryoso?" tanong ko habang niyuyugyog ‘yong braso niya. Isinara niya ang bibig niya at dahan-dahang tumango.

"Oo, same reason as yours. Tatlong seminar 'yun. Yung isa magkahiwalay tayo pero dun sa dalawa magkakasama na tayo.."

Nakahinga ako ng maluwag. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig ko 'yun mula sa kaniya. Mas mabuti na ding nandyan siya para hindi ako masiyadong kabahan sa mga nangyayare. At isa pa, hindi ko dapat tanggihan 'tong opurtunidad na dumating baka isa na 'to sa mga paraan para maklaro 'ko kung ano mang namamagitan samin ni Adrian. Kailangan 'ko siyang makausap ng personal para mas maayos. Magiging madali nalang 'yun dahil sa North University siya nag-aaral.

Hindi dapat ako matakot. Magiging maayos din ang lahat. Malalagpasan 'ko din tong ganitong kabanata ng buhay ko.

KINABUKASAN maaga akong nagpunta sa school dahil sinabi saakin ni Prim na maaga daw kaming aalis, dahil medyo malayo ang North University samin, sa ibang lalawigan pa 'yun.

Pili lang kaming isinama ng mga Presidente ng bawat club sa college namin. Hindi naman kami ganun kadami, siguro mga nasa 25 to 30 lang kami. Kaya't iisang bus lang ang gagamitin namin.

"Nakaka-inggit!" nakangusong sambit ni Celyn habang nasa labas kami ng bus. Kasama ko si Darwin dito, naghihintay pa kami sa iba.

"Wag ka ngang ma-inggit. Bibilhan ka nalang namin ng pasalubong," sabi ko sa kaniya. Kanina niya pa kasi sinasabi na nag-iinggit daw siya samin ni Darwin dahil magkakasama daw kami sa ibang lugar ng tatlong araw.

Nakita ko bigla siyang napangiti dahil sa sinabi 'ko.

In just one click (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon