Chapter 1
NANDITO ako ngayon sa University na papasukan ko para sa college. Assesment at enrollement na kasi. First year college na ako ngayong school year. At hanggang ngayon ay nakapila pa din ako dito sa tapat ng assesment room.
Ang tagal nga e. Siguro mga isang oras na akong nakatayo dito. Nakakangalay din pala. Gusto kong umupo pero wala naman akong mauupuan. Ano ba ‘yan!
Nabigla nalang ako ng may kumulbit saakin, paglingon ko yung lalaking nasa likod ko pala.
"Dito ba yung enrollment para sa AB Psychology?" tanong niya saakin. Nagkamot ako ng ulo. "Hmm. Oo yata? Basta pinapila lang ako dito e," sagot ko. Ngumiti nalang siya saakin at hindi na ako pinansin. Sa College of Liberal Arts and Sciences ang napili kong kolehiyo. AB Psychology naman ay course ko.
Sa batch ko, lima lang ata kaming andito sa college na 'to. Halos lahat kasi sa Accounting sila. Hindi mo naman ako mapapapunta do’n, wala akong hilig sa math at higit sa lahat sawa na akong hanapin ang walang katapusang X.
Nagmove naman yung nasa harap ko nun, kami na pala. Pumasok na ako do’n sa aircondition na room at nagpa-asses. Pagkatapos ko nun ay lumabas na ako. Hindi pa ko magbabayad ngayon para sa enrollment dahil wala pa yung pera namin. Magloloan palang si papa sa pinagtratrabahuan niya para may pang-enroll ako. As you see, hindi kami mayaman.
Naglakad lakad lang ako sa pathway nun dahil wala na akong mapuntahan at nung napagod ako ay umupo nalang ako. May upuan kasi sa bawat gilid ng pathway malapit sa main gate ng Campus. Marami ring nakatambay dito siguro tapos na din silang magpa-asses tulad ko.
Yung iba naman ay nagbabayad na dun sa cashier para ma-enroll na sila. Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone ko sa bulsa, tuloy tuloy nga yun e. Siguro may tumatawag. Pagtingin ko meron nga sinagot ko naman agad.
"Hello.."
"Hi. Tapos kana pa-enroll?" tanong ni Adrian.
"Hindi pa. Nag-paasses pala ako. Wala pa yung pera e. Ikaw ba?" Si Adrian ay text buddy ko lang noon. We met dahil sa pinsan ko na friend siya. Hindi kami pareho ng school kaya hindi kami palaging nagkikita pero dahil na rin sa tagal na naming magkakilala at magkatext ay may nabuong feelings. Pero hindi kami. Magulo ba? Siguro nga magulo talaga ang mutual understanding. Kaya lang ngayon ay hindi ko na siya lalong makikita dahil umuwi siya ng probinsiya ng Papa niya at do’n na nag-aral ng college, yung sa North University.
"Hindi pa din. Haba ng pila e. Ngalay na ngalay na ko dito,"
"Tiis tiis lang no?"
"Oo na. Haha. San ka?"
"Sa school pa. Tinatamad pa akong umuwi e."
"Kumain ka muna kaya. Alam ko hindi ka na naman kumain ng breakfast."
"Alam na alam ah? Haha. Sige. Gutom na din ako e."
BINABASA MO ANG
In just one click (Completed)
Chick-LitIn just one click. He already captured my heart.