Bangon. Suka. Higa. Bangon . Suka. Higa. Yan lang halos ang ginagawa mo sa CR mo simula nung dumating ka galing sa College Reunion niyo.
Kulang na lang eh yakapin mo na yung bowl at dalhin kung saan ka man pumunta.
Naiisip mo bakit ka ba nag ka ganyan eh pangako mo sa sarili mo na di ka na iinom pag niyaya ka ng mga dati mong blockmates na maginom.
Ngayon pinagsisisihan mo na naginom ka eh hinayaan mo naman ang sarili mo.
Pero deep inside alam mo sa sarili mo na hindi sila ang dahilan kung bakit ka naginom.
Ang dahilan ay "siya" the one that broke your heart into million pieces.
Ilang years din kayong hindi nagkita at hindi mo pa ineexpect na makikita mo siya sa Reunion niyo eh alam mo na never siyang umattend sa mga ganyan.
At ang mas ikinagulat mo pa eh ang tumabi pa siya sayo at kinausap ka, na sa pagkakatanda mo din eh simula nung iniwan ka niya sa ere eh di ka na muling kinausap pa.
Inaadmit mo na mas lalo siyang gumwapo ngayon, lalong nagmatured at naging successful din sa buhay.
Nasa kalagitnaan na ang party ng ayain ka niyang maginom. Gusto mong tumanggi pero alam mo sa sarili mo na gusto mo rin naman kahit na alam mong pinangako mo sa sarili mo na di ka na iinom.
Sa sobrang dami niyong napagusapan at napagkwentuhan di mo napansin na nakakadami ka na pala ng inom.
Niyaya ka pa niyang magsayaw na sa pagkakaalam mo eh tinanggihan mo dahil di mo na kaya pang tumayo dahil sa sobrang hilo.
Napamulat ka at nakita mo ang mukha niyang napakagwapo. And you heard his voice calling your name...
Feeling mo sasabog ka na, after ilang years naiisip mo kung bat ganyan parin ang epekto niya sayo kahit na sinaktan ka na niya ng sobra.
Napamulat ka ulit at nakita mo siya na may kasama ng ibang girl. Napakunot noo ka at tinanong kung sino ang kasama niya.
And for the last time nasabi mo sa sarili mo na sana di mo na lang tinanong at sana di mo na lang siya ulit nakita.
Pero sa sitwasyon mo mas ayaw mo ng uminom kesa sa mabroken ng pangalawang beses. Pingako mo na hindi ka na muling iinom pa at magpapadala sa emotions..
BINABASA MO ANG
What's your Story?
Short Story"We might be the master of our own thoughts, still we are the slaves of our own emotions." - Anonymous