Ikaw ang librong 'di ko matapos tapos
'di dahil maganda ang storya kundi dahil ayaw kitang matapos. Ayokong tapusin dahil ayaw ko pang malaman ang wakas.Kahit gaano pa katagal, kabagal, kabitin okay lang kase gusto kong damahin ang bawat pahina, gusto kong maramdaman ang nararamdaman mo, gusto kong malaman ang pinaparating mo, at higit sa lahat gusto kong malaman ang storya mo.
'di ko man nakikita, nararamdaman ko naman sa bawat bigkas ko ng mga salita galing sa'yo.
Ikaw ang librong ayaw kong magkaroon ng wakas...
Ikaw ang librong gusto ko puro simula lang...
Ikaw ang libro na kung saan hahanap hanapin ko saan man ako magpunta
BINABASA MO ANG
What's your Story?
Short Story"We might be the master of our own thoughts, still we are the slaves of our own emotions." - Anonymous