don't even have to love him, but just don't keep him waiting

19 1 0
                                    

Sabi nila “In the end, we only regret the chances we didn’t take” Oh, god. 16 years of existence wala akong ginawa sa buong buhay ko kung hindi ang gumawa ng bagay na wala akong pagsisisihan sa huli. Bata pa lang ako marami nang tinururo ang magulang ko sa akin kung paano maging praktikal sa lahat ng bagay para sa huli wala akong pagsisihan sa kahit ano mang gawin ko. Well, marami ang nagsasabi sa akin na bakit hindi ko daw lasapin ang isang pagsisisi, bakit hindi ko daw alisin kahit minsan ang pagiging praktikal, bakit daw ayaw kong maramdaman ang magsisi. Para sa akin isang malaking katangahan ang mga iyon. Why? Because this is me, ganto na ako pinalaki ng magulang ko, at ayokong magrisk sa isang bagay na alam kong hindi ko mapapanindigan at alam kong makakasakit sakin.

But then all of a sudden everthing’s changed, so much has happened it’s as if the whole world had suddenly turned upside down. You wanna know why? Because you came into my life. How funny that one day I’m happy and contented with all of  my life but then one day you came and my life bacame wonderful na hindi ko akalain na may mas sasaya pa pala sa pagiging masaya.

The first time I saw you, wala akong pake sayo. As in wala talaga, ni hindi ko nga pinapansin ang presensya mo simula nung magpakilala ka sa harap. I’m the president of the class and you are the secretary, nagulat pa nga ako na naging secretary ka dahil alam ng lahat na transferee ka lang pero di ko alam na masyadong malakas pala ang hatak mo at pati na rin ang sulat mo. Inaadmit ko na maganda ka talaga magsulat well ganun naman ang basehan sa Highschool kapag tumatakbong secretary.

Madalang lang tayo mag-usap sa klase, I mean sa lahat ng kaklase natin ikaw lang ang hindi ko nakakasama, ikaw lang din ang halos madalang kong makausap. Magkakausap lang tayo kapag may pinapagawa sa atin as president and secretary at kapag natapos na balik na ulit sa dati. Hindi na ulit tayo nagpapansinan at naguusap.

One time, nakita kitang kausap ang mga kaibigan ko sa cafeteria (na saktong circle of friends ko pa) nagtatawanan kayo at halatang magaan ang loob nila sayo. Bigla ko na lang naisip na bakit nga ba hindi kita nakakausap? Bakit nga ba hindi kita napapansin? Sabi naman nila mabait ka at magalang. Maayos kausap at kasama, pero bakit?

Lumapit ako sainyo kahit na alam kong nandyan ka at makakaistorbo ako sa pagtatawanan ninyo. Wala naman akong choice dahil sila naman ang mas madalas kong nakakasama at wala ng iba pa. Paglapit ko, tama nga ako at natigilan kayo sa pagtatawanan. Inisa isa akong batiin ng mga kaibigan ko pero ikaw tahimik lang.. tumabi ako sayo dahil wala namang ibang bakante kundi sa tabi mo lang. Tinanong pa nga kita kung may nakaupo ba at dalawang beses pa kitang tinanong dahil hindi ka sumagot ng una. Tanging pagtango lang ang isinagot mo sa akin.

Nagpatuloy ang usapan ng mga kaibigan ko pero napansin ko na hindi ka na nakikisabay sakanila. Gusto kitang iapproach kaya lang wala akong maisip kung ano ba ang dapat kong sabihin sayo. Sa hanggang nagsalita ang isa sa mga kaibigan ko at tinanong ako kung bakit hindi daw kita kinakausap at dahil sa gulat ko ang tanging nasabi ko lang ay “Ha?” nagtatakang tinignan lang ako ng mga kaibigan ko dahil sa sagot ko pero sasagot na sana ako ng bigla kang magsalita..

And that was the first time na marinig ko ang boses mo ng malapitan, dahil kagaya nga ng sabi ko hindi naman tayo masyadong naguusap at sobrang dalang lang. Nang tumingin ako sayo nagulat ako ng nginitian mo ako at nagsalita ka ng “Hi, White” and boom! Wala akong maintindihan sa paligid, parang wala na akong ibang makita at marinig kundi ikaw lang at ang boses mo pati na rin ang tawa  mo at ang mga ngiti mo.

Nabalik ako sa katinuan ng hinawakan mo ko sa balikat, dun ko lang narealized na nakatulala na pala ako sa pagmumukha mo, kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

“Asus! Ikaw white ha, hindi mo samin sinasabi na may crush ka pala dito kay Matthew.” anya ng isa kong kaibigan.

“Grabe ka makatitig sakanya girl!” anya naman ng isa pa.

What's your Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon