It's been 3 years since I laid my eyes on you. Maybe because sobrang nakakaattract ka at isa pa sobrang ang galing galing mong kumanta. Ewan, siguro ganun talaga kalakas ang hatak sa akin ng mga lalaking magaling kumanta, baliw na kung baliw pero mas okay ng maging ganun kase kahit ako hindi ko masabi sa sarili ko kung ano na ba ang feelings ko para sayo.
Sa loob ng tatlong taon ni isang beses wala akong ginawa para mapalapit sayo, kahit na minsan nagkakasama tayo sa isang Misyon sa Church, kahit minsan sabay tayong maglead at mag kwento sa mga kids every sunday. I don't have a courage to say "Hi, kamusta ka na?" because I'm afraid na malaman ko sa sarili ko kung ano na yung totoong nararamdaman ko para sayo.
Kaya nagsettle ako sa patango tango lang kada magtatanong ka sa akin, nakuntento na ako na titigan ka sa malayo habang nagkekwento ka sa mga bata, hinahangaan ka ng palihim kapag kumakanta ka sa harap ng maraming youth o tao. Nanalangin kada gabi na maging safe ka at makuha mo lahat ng pinapangarap mo sa buhay mo.
Pero minsan napapaisip ako, paano kaya kung umamin ako sayo tapos kagaya ko ganun ka rin pala sa akin. Na kuntento ka lang din na ilihim kung ano yung nararamdaman mo para sa akin? Na tinitingnan mo din ako ng palihim sa malayo? Na hinahangaan mo din ako ng palihim..
Pero alam ko na sobrang malabo. Kase kahit na nagkakasama tayo sa isang lugar imposible na mapansin mo ako. Bakit? Dahil isa lang naman akong di hamak na stage manager kada Youth Service or kada Sunday Mass. Mahigit 4na libo ang tao at hindi na ako umaasa pa na kahit kailan hindi mo ko mapapansin.
Pero nabago yun ng bigla mo kong nilapitan.. akala ko nung una namamalikmata lang ako na nasa harapan kita at nakangiti sa akin. Tandang tanda ko pa na tumingin pa ako sa likod ko at sa gilid para lang masigurado kung sa akin ka ba talaga nakatingin, pero mas nawindang ako ng sabihin mo sa akin ang isa sa mga pinakapinapangarap ko,
"Ahm. Hi! You are Ahra, right?" I thought nananaginip lang ako kaya sinapo sapo ko pa ang noo ko at pumikit pikit pa para lang magising pero ng marinig ko ang tawa mo 3 things that I realized; una na nasa harap nga talaga kita, pangalawa kinakausap mo ako, at pangatlo tumatawa pa.
I was shocked because sa loob ng tatlong taon nandito ka sa harapan ko na tumatawa. I didn't know what to say. Tinitigan lang kita habang tumatawa ka at ng makita mo siguro na nakatitig lang ako sayo eh napatigil ka. "I'm sorry. Natawa lang ako sa expression mo kase parang nakakita ka ng multo?"
Hindi parin ako nagsasalita, nanatili akong nakatingin sayo. I was breathless but deep inside I'm glad.
Mas lalong nagharumentado ang puso ko ng nilagay mo ang likod ng palad mo sa noo ko, akala ko kung ano ginagawa mo pero sinabi mo na, "Wala ka namang sakit. Are you okay?"
"H..ha?" ayun lang ang tangi kong nasabi at halata pa sa boses ko ang paos at kaba.
"Are you okay? Para kasing hindi ka okay?" tanong mo.
"Ah. Ano.. kase.. ano bang ginagawa mo dito?" mukhang nagulat ka pa ata sa sinabi ko, "Hindi ako galit or what ha! Baka mamisinterpret mo. Nagulat lang kase ako sayo."
Tumawa ka ulit pero di na katulad ng kanina, "I was looking for you." at ngumiti ka, na feeling ko ikahihimatay ko na sa sobrang kilig.
Jusko, lalong nagdagundong ang puso ko sa sinabi mo. Yun ang isa sa pinaka di ko expected na sasabihin mo sa tana ng buhay ko.
"Ba..bakit mo naman ako hinahanap?"
"We're looking for our new members para sa Music Ministry at nirecommend ka sa akin ni Ate Iska that's why I'm looking for you."
"Me? Nirecommend ni Ate Iska? Nako! Nako! Hindi naman ako singer, nakita mo nasa stage manager nga lang ako." at tumawa pa ako para paniwalaan mo. Pinagpatuloy ko ang pagaayos ng gamit ko. Halos minadali ko na kase that time gusto ko ng bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
What's your Story?
Short Story"We might be the master of our own thoughts, still we are the slaves of our own emotions." - Anonymous