Starting Over Again

24 0 0
                                    

3pm na ng makauwi ako sa amin galing school. Super nakakapagod kase Manila pa ako galing. Nagpapahinga ako ng dumating ang ate ko.

May dala siyang mga CD's, sabi niya MoMa daw kami (Movie Marathon) tutal kakauwi ko lang naman daw at magaganda daw yung mga palabas. Sinabihan niya ako na pumili  ako ng papanoorin namin, sabi ko siya na lang kase magbibihis at magaayos lang ako. Pumayag naman siya.

Umakyat na ako para magbihis, si ate nagaayos na ng papanoorin namin.

Habang nagbibihis ako ng tinawag  ako ni ate, sabi niya nagsisimula na yung palabas. Dali dali akong nagbihis at bumaba.

Pagkaupo ko at pagtingin ko sa TV Screen, nawala agad ang excitement ko sa palabas.

Natulala ako, bring back the memories ata ang peg ko kase naalala ko nanaman lahat.

Pag-iyak, pagtawa, kilig, galit, inis lahat ata bumalik nanaman. Shit.

Wrong timing naman ata. Di ko alam kong nananadya ang tadhana at bakit nangyayari to. Nakakaloka.

"Happy Valentines Sir..." -Ginny

February 14, 2014 our official first date. Naaalala ko pa lahat ng detalye. Mula nung pagpasok hanggang paguwi natin galing sa date natin. Tawanan at kulitan. Mga kasweetan natin. PDA ba, wala tayong ibang iniisip kundi tayong dalawa lang. Saya sa feeling diba?

Feb 14 malamang Valentines day at syempre dahil couple tayo napagkasunduan natin na magdate tayo sa araw na yun. Nirequest ko pa nga na gusto kong panuodin yung Movie nila Toni G. (Starting Over Again) kase sabi ko sayo maganda yung story at syempre pumayag ka. Ikaw kase yung taong hindi KJ. Lahat In na In ka, wala kang pinapalagpas, lahat sinusubukan mo.. At yun ang isa sa mga nagustuhan ko sayo. Walang corny sayo eh. Kumbaga lahat okay sayo. Lahat ng trip sinasakyan mo.

Naalala ko rin nung nasa kalagitnaan na tayo ng panonood, yung tipong climax na ng story. Yung binalikan nila Ginny at Marco yung past nila. Yung tipong iniwan ni Ginny si Marco para sa magiging future niya.. Intense nga yung part na yun kase madadala ka talaga kela Toni at Piolo. Kung naranasan mo na yung nangyari sakanila siguro maiiyak ka.

Out of know where, tinanong kita bigla. Sabi ko sayo...

"Pag nagbreak ba tayo tas nakikipagbalikan ako sayo, babalikan mo ba ako?"

Tumawa ka at sabay nainis sa sakin. Sabi mo..

"Bakit mo naman sinasabi yan?"

Sabi ko.. "Wala lang, sige na sagutin mo na. Babalikan mo ba ako o hindi?"

Tumingin ka sakin at humigpit yung hawak mo sa kamay ko.

"Syempre oo, babalikan at babalikan kita. I mean makikipagbalikan ako sayo kahit ano pang mangyari."

That time feeling ko pulang pula na ako dahil sa kilig. Ang sarap sumigaw yung feeling na para kang nanalo sa lotto pero syempre OA sa babae nun pag ginawa ko. Nginitian kita. Wala na ako masabi eh, naspeechless ako. Kumbaga parang sa isang labanan ng suntukan natalo mo ako at di na ako nakapalag pa.

Then after 2months.. Iniwan kita. Nagmala anghel na dila ata ako. Pero di mala Ginny at Marco ang peg natin. Di ko alam pero napagod ako that time, ang gulo gulo ng isip ko. Dami na rin natin masyadong mga problema, nasosolve naman pero mauulit lang ulit.. Kaya that time iniwan kita, sabi ko kailangan ko malaman worth mo.

Ang hirap. Iniwasan kita, ang dami ko ginawa para di ka makausap kase baka di ko makaya at bumalik ako sayo. Ilang days at weeks ang lumilipas ang dami ko narerealize. Hanggang sa dumating na yung point na alam ko na yung sagot sa mga sarili kong tanong.

After ilang months, kakausapin ulit kita. I mean makakausap ulit kita. Kinakabahan ako, di ko alam kung ano ang mangyayari. Di ko alam kung paano ako magsasalita at magpapaliwanag.. Papakinggan mo ba ako? Maniniwala ka ba? Ang dami ko nanamang tanong sa sarili ko. Sakit ko na ata ang ganito. Nakakatawa lang diba? (O ako lang talaga ang natutuwa? Lol)

At yun, sa di inaasahan. Nagkita ulit tayo. Di ko ineexpect yun. Kase ang balak ko itetext kita o tatawagan kita para makipagkita sayo, pero mukhang tadhana na ang naglalapit satin. Pagkakataon na. Natuwa ako sa tadhana na to. Feeling ko binibigyan na tayo ng 2nd Chance. Akala ko may pagkakataon pa para mabago ang lahat..

Pero akala ko lang pala yun. Kung nakakamatay ang akala siguro isa na ako sa nabikta nun. Maling mali ang naiimagine at naiisip ko sa totoong nangyari.

Reality sucks.

Parang gusto ko na di na lang kami nagkita at nagkausap. Parang gusto ko lamunin ako ng lupa nung time na yun, ayaw ko maniwala sa katotohanan. Pero 'The Truth Hurts' the truth that sometimes isn't what you wanted to hear.

Kahit anong gawin mong pag-iwas o paniwalain ang sarili, kahit na ikutin mo man ang mundo wala ka ng magagawa kundi  iaccept na wala kang laban sa katotohanan.

Di ko alam na huli na pala ako, masaya ka na.. Nakapagmove on na. Ganun ba ako natagal nawala? Umasa kase ako na pag bumalik ako nandyan ka. Kagaya ng sinabi mo sakin.

Mali ata na masyado kong pinanghawakan yung sinabi mo, masyado akong umasa. Well, lahat naman ng taong nagmamahal eh umaasa.

Di lahat ng mga sinasabi nagkakatotoo. Natawa na nga lang ako sa sarili ko kase may parearealize pa akong ginagawa pero mapupunta lang pala sa wala..

Gusto kong maisip kung bakit ganoon ang nangyari. Kung bakit tayo nagkita (na halatang sobrang saya mo na) kung bakit sa mga oras na magkausap tayo eh nagpapaalam na at nagpapasalamat na sa lahat ng mga nangyari. Na nakamove on ka na...

Ngayon habang pinapanood ko ang palabas na to, ngayon ko lang narealize na kaya kami nagkita that time eh dahil sa 'closure'.

Sa isang relationship kailangan yan lalo na sa mga breakups na malabo. Ngayon nasagot ko na yung mga matagal ko ng iniisip at tinatanong sa sarili ko. 'Closure' pala ang dahilan kung bakit tayo pinagtagpo ng tadhana noon.

Natawa na lang ako sa sarili ko, ang bobo ko naman masyado para di malaman yun. Wala eh, natabunan ako ng mga thoughts ko.

Ngayon makakamove on na ako ng tuluyan.. Salamat sa palabas na to. May sense din pala..

Hindi man nalalayo ang story natin kela Ginny at Marco pero masasabi kong may sarili tayong Story bilang  'tayo'. Tayo kase makatotohanan sila pang imaginary lang. Tayo ang version na kung saan may 'Reality'

Kumbaga tayo ang representative nila sa Reality World..

What's your Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon