Write The Saddest Lines

14 0 0
                                    

Lahat ng mga taong umiibig/iibig/naghahanap ng pag-ibig pinapangarap na sana makita at mahanap na si "The One" sila ba yung mga taong "Hopeless Romantic"

Pag may nakita lang sa magazine na "How to meet your The One" bibili na kahit wala ka ng allowance. Makikinig sa mga radyo para makakuha ng advices at tips para malaman kung natagpuan mo na ba si "The One" kahit na alam mong may mga major exams ka pa kinabukasan. Manunuod ng mga Movies na puro may "Happy Ending" kase alam mong sa ending na yun natagpuan at nakasama niya ang "The One" sa buhay niya.

Minsan magdadaydream ka pa na baka nakatabi mo lang pala sa LRT yung "The One" mo pero dahil busy ka makinig ng music sa Ipod mo di mo na nagawang lumingon. O kaya naman nakabangga mo na pala pero dahil sa dami ng tao di mo na alam kung sino sakanila ang nagbigay sayo ng suddenly spark. Nasa kabilang building lang pala ng University yung "The One" na hinahanap hanap mo pero dahil magkaiba kayo ng course eh di magtagpo ang landas niyo. Minsan naman nasa kabilang side lang pala siya ng kalsada at ikaw nasa kabila pero dahil ikaw ay patawid at siya ay pasakay eh di mo na nagawang makita kung ano ang itsura niya.

Maswerte nga yung iba kase nahanap na nila yung "The One" nila, may ilan naman na pinaprocess pa lang nila para makasama ang *The One* nila. May mga minalas naman yung tipong antay sila ng antay na dumating si "The One" sa kakaantay nila hindi na nila kilala ang mga sarili nila.

Minsan mapapaisip ka na lang din may benefits ba talaga ang paghahanap sa "The One" mo?

Magiging masaya ka ba talaga pagnatagpuan mo na siya?

Ano nga ba talaga ang "The One" para sayo?

"LOVE" is a strong word. Kahit anong pukpok mo diyan di yan mababasag.

Kaakibat yan ng "The One" mo kase kung wala kang love diyan sa katawan mo di ka maghahangad ng "The One" para sayo.

Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang greatest love mo..

Sabi nila true love isn't easy but it must fought for. Sabi rin nila there's someone will eventually will come to you, right time, right place and right person. Meron pa nga na maybe we met at the wrong time but someday we will meet again to do the right things.

Mga kasabihan lang yan about sa "The One" mga hopeless romantic na tao.

Ikaw gusto mo ba matagpuan ang "The One" mo?

What's your Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon