Nagopen ako ng isa kong social site at ayoko sabihin kung ano yun hahaha! Syempre secret na lang...
Scroll down....
scroll down....
scroll down....
Puro halos lahat ikaw ang nakikita ko. Eh sakto umagang umaga yun so solid na agad ang umaga at araw ko plus blessing pa kay God edi dobleng solid yun. Pero isa talaga yung pinaka napansin ko, sasagutin ko sana kaya lang nakakahiya naman tsaka iba tingin mo sakin, alam kong di pwede lol kaya nagpost na lang ako sa isa ko pang social site..
Hahaha natuwa na ako sa lagay na yan. Joke. Pero sabi ko okay na yung ganyan at alam kong di mo mapapansin... Crush pa lang naman kita at alam kong mawawala rin naman to. Siguro medyo naattach lang ako sa kung paano tayo magusap at kung ano pa yung mga parehas nating gusto..
Pero isa lang naman ang dapat kung tandaan para di na lumala o mapunta sa ibang level to.Wag magbigay ng ibang kahulugan sa ano mang bagay na pinapakita. In short, wag umasa at assuming!
BINABASA MO ANG
What's your Story?
Short Story"We might be the master of our own thoughts, still we are the slaves of our own emotions." - Anonymous