Umasa ako

14 0 0
                                    

Nung unang beses tayong nagkita sa simbahan ayoko sayo, feeling ko kase ang yabang yabang mo. Ang angas mo pa maglakad, akala mo pag mamay-ari mo ang buong daan.

Pero nung pangalawa nating pagkikita feeling ko kinain ko lahat ng mga panghuhusga ko sayo..

Papasok ako ng simbahan at ikaw palabas. Nagkabanggaan tayo syempre sa sobrang lakas, na out of balance ako kaya natumba ako. Akala ko di mo ko tutulungan pero laking gulat ko ng tinulungan mo ko tumayo. Tinanong mo pa nga ako kung okay lang ba ako tas nagsorry ka pa sakin.

Ayaw mo pa nga umalis kase di ka naniniwala na okay na ako, kahit mukha na tayong tanga dahil talo tayo ng talo.. hanggang sa napansin kong nagtatawanan na pala tayo.

Napatigil ako at pati na rin ikaw, tinitigan kita at sinabi kong 'Thankyou' nginitian mo lang ako.. ngiting kahit kailan di ko na malimutan. Di na maalis sa isip ko kung paano nagcurve ang lips mo para magform ng smile.

Lumipas na ang ilang linggo parati na ako pumupunta o dumadaan sa simbahan para makita ka.

Minsan nachechempuhan kita minsan naman hindi. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ako ganito sayo. Sabi ng kaibigan ko inlove na daw ako, sabi ko naman hindi. Baka crush lang kita..

Isang araw, nasa may likod ako ng pintuan ng simbahan ng marinig ko ang boses mo.. Lalabas na sana ako pero nakita ko kayo ng kaibigan kong bakla na naguusap. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo ang OA ko pero syempre bakla yang kaibigan ko..

Di ko alam kung ano ang pinagusapan niyong dalawa, hindi ko kase masyadong marinig. Nung maghiwalay kayo, kaagad kong nilapitan ang kaibigan ko.

Kinompronta ko siya about sa pinagusapan niyo. Pero nagulat ako ng nagtiti-tili siya sakin at sinasabi niyang ang haba daw ng hair ko. Nagtaka ako sa mga sinasabi niya sakin, kaya tinanong ko ang pinagusapan nila. Sinabi niya sakin ang lahat.

Sobra akong kinilig sa huling sinabi sakin ng kaibigan ko.. kinuha mo daw ang number ko sakanya.

Halos kumawala na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, feeling ko pulang pula na ang mukha ko. Sobrang ang saya ko, di ko alam kung anong gagawin ko..

Lumilipas ang bawat araw, ni isang text wala akong natatanggap sayo. Tingin ako ng tingin sa phone ko kada mag bavibrate ito pero lumalagapak lang mukha ko sa lupa dahil sa panlulumo. Ilang beses ko din tinanong ang kaibigan kong bakla kung tama ba yung number na binigay niya sayo, sabi niya tama naman daw.

Lumipas ang isang linggo, sumuko na ako. Baka naman kase wala naman talaga ikaw balak na itext ako. Props mo lang siguro yun.

Hahaha. Ang dami ko ginawa para di na maisip yung about sayo. Pero napakasaya talaga ng pagkakataon ng magkita tayo ulit at sa may tapat pa ng bahay namin kung saan naglalaro kayo ng basketball.

Halos magwala nanaman ang puso ko ng makita kita. Eto nanaman akala mo may fiesta kung tumibok tong puso ko ng dahil sayo..

Lumabas ako para makita kitang maglaro ng Basketball.

Ang saya saya mo panoorin feeling ko girl mo ko tas andito ako para suportahan ka. Pero syempre pangarap na lang ata yun.

Andun lang ako sa may tabi, pinapanood lang kita. Nang matapos ang laro niyo, bigla kang lumapit sakin na kinagulat ko.

Paglapit mo sakin nakatitig lang ako sayo, kahit sobrang pawis ka na ang pogi mo pa rin.

Bumalik ako sa ulirat nung nagsalita ka. Nagsorry ka sakin kase di mo ko natext dahil na nakaw yung phone mo. Hiningi mo ulit yung number ko, ako naman si bigay. Nagpaalam ka na at sabi mo magtetext ka na lang.

Halos di matanggal yung ngiti ko ng umuwi ako sa bahay nun. Sumigaw pa nga ako sa unan sa sobrang kilig ko.

Hawak hawak ko na ang phone ko. Inaantay ko na magtext siya sakin. Sayang ang pagkakataon kung papalagpasin ko pa to.

Nagvibrate ang phone ko at dali dali ko agad tong inopen. Unknown number at ineexpect ko na ikaw yun.

Nireplayan kita agad..

5mins...20mins...30..1hour. Ni isang text wala ka paring reply. Iniisip ko kung bakit. Wala naman akong nasabing masama, paulit ulit ko pa nga binabasa yung reply ko sayo para makasigurado na di kita naoffend or what.

Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng gana. Tinulog ko na lang yung nararamdaman ko about sayo. Wala rin naman ako mapapala kung iisipin at iisipin ko pa.

Dumating ang 2weeks simula nung nagtext ka sakin. Yun na ata ang una at huli mong text. Umaasa pa rin naman ako. Pumupunta ako sa simbahan pero palagi kang wala, nagaabang sa FB kung online ka pero di naman kita machat kase nahihiya ako. Baka isipi  mo napakadesperada ko naman masyado. Hinayaan na lang kita, sabi ko palagi ko na lang titingnan ang mga social site mo. Until dumating ang isang araw na kinaguho ng mundo ko.

In a relationship ka na pala...

Masakit sobra, halos gusto ko magwala. Gusto kita puntahan at sampalin pero ano bang karapatan ko? Wala naman diba? Ano mo ba ako? Isang hamak na nagkagusto at umasa sa mga bagay na pinakita mo. Yun lang. Yun lang naman ako. Oo umasa ako. Umasa ako sa lahat. Akala ko pwede, akala ko posubleng magkakagusti ka sakin pero akala ko lang pala yun.Nakakamatay talaga ang akala. Tagos hanggang buto.

Simula noon di na kita kinausap pa, di na rin ako pumupunta ng simbahan, pag nasa labas ka at naglalaro kayo ng basketball di ako lumalabas ng bahay. Ginagawa ki ang lahat para makaiwas sayo, ayoko kaae kita makita. Baka pagnagkuta tayo umasa nanaman ako sa wala. Iisip nanaman ako ng iisip na baka sakaling mabago ang lahat. Kaya bago mangyari yun, inunahan ko na.

Darating din yung araw na mawawala lahat ng nararamdaman ko para sayo...

What's your Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon